Barbie

337 3 8
                                    

Weapon: Baseball Bat

"SIGURADO ka ba talagang kaya mo na?"

Hindi niya sinagot ang nakatatandang pinsan sa halip ay ipinagpatuloy lang ang pagsasara sa butones ng isinuot na long sleeve.

"Look, Chris, hindi mo naman kailangang pagpa-discharge nang maaga dahil kaya namang pamahalaan ni Eunice sa Villa—"

"Kuya, wala naman akong sinasabi ni hindi kayang I-manage ng asawa mo ang resort. Gusto ko lang magpahinga nang maaga, at hindi ko magagawa iyon sa maliit na kuwartong ito. Isa pa kapag nakauwi ako sa Villa baka mawala na itong temporary memory loss na nakuha ko sa aksidente." Iritadong sagot niya sa lalaki dahil paulit-ulit ito.

Isa pang dahilan kung bakit nagmamadali siyang umuwi ay dahil naisip niyang baka ma-refresh ang kaniyang utak kapag nakita na niya ang lugar na itinuturing na niyang tahanan. Halos isang buwan din siyang naratay sa ospital dahil sa isang car accident na hindi naman niya matandaan ang dahilan.
Ayon sa doctor, nabagok ang kaniyang ulo dahil sa malakas na impact bunga ng pagkakabangga ng kaniyang sasakyan sa under construction na bridge barrier. Kaya naging dahilan iyon ng pansamantalang pagkawala ng kaniyang memorya. At mas nakakapagbigay ng matinding pagkalito ang mga iyon sa kaniya. Iyong pakiramdam na napakaraming laman ng kaniyang utak ngunit hindi naman niya matandaan kung ano. Mga imahe na naglalaro sa kaniyang isipan subalit hindi niya kilala dahil blurred?

Maging ang babaeng kaniyang kasama umano sa sasakyan ng mabangga sila ay hindi man niya maalala ang mukha. Ang alam lang niyang sekretarya niya ito at nakayakap ito sa kaniya kaya sa katawan nito tumama ang nakausling steel bar sa barrier dahilan para ikamatay  nito iyon.

Ipinikit niya ang mata, baka sakaling may maalala siya tungkol sa kaniyang sekretarya nang kahit sa ganoong bagay man lang ay may magawa siya dahil hindi man lang siya nakapunta sa burol at libing nito. Subalit hinila lang siya ng antok kaya nakatulog siya at nagising na lang siyang nasa harapan na ng kaniyang pag-aaring resort.

NAPAKUNOT ang kaniyang noo nang mapansin ang manikang iyon na nakapatong sa kaniyang bookshelf katabi ng libro.

Nilapitan niya iyon at kinuha. Bakit may barbie doll dito sa kuwarto ko?

"Masayang maglaro ng barbie...pero alamo ba kung ano ang mas masayang paglaruan? Iyong buhay na barbie..."

Nabitawan niya ang hawak na manika nang biglang mag-echo sa kaniyang pandinig ang mga salitang iyon. Nanakit ang kaniyang ulo kaya nakapikit siyang humawak dito.

"Ang cute naman ng barbie na 'to, katulad ko pa ang buhok. Ang ganda! Thank you, Babe, I love you!"

"Thank you sa manika, Na-appreciate ko..."

"Mahilig talaga ako sa barbie doll, thank you!"

"Tama na!" Napasigaw siya at namilipit siya sa labis na sakit na patuloy na sumasalakay sa kaniyang sentido. Wala na siyang maintindihan sa mga naririnig. Familiar ang mga tinig maging ang mga imahe ng mga babaeng iyon ngunit tulad ng dati—blurred.

Napasubsob na siya sa sahig, pakiramdam niya naubos na ang kaniyang lakas...at bago tuluyang nagdilim ang kaniyang paningin, nahagip pa ng kaniyang tingin ang pigura ng isang babaeng naka-summer dress na nakatayo sa gilid ng sofa habang nakamasid sa kaniya.

"HINDI ako puwedeng magkamali, may nakita akong babae sa loob ng kuwarto ko kanina!" Hindi na niya napigilan pa ang pagtaas ng boses dahil sa inis. May nakapasok sa kaniyang silid dahil sa kapabayaan ng kaniyang mga tauhan pagkatapos pinagpipilitan ng mga itong wala?

"Pero, Sir, wala po talagang pumasok sa silid niyo dahil naka-lock po iyon. Kayo lang naman po at miss Shanice ang may hawak ng susi ng inyong kuwarto. Kaya imposible po 'yon, maliban na lang kung si Miss Shanice ang nagbukas at pumasok." Katuwiran ng medyo chubby na head ng beverage section.

VOLUME 4: MEN'S TOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon