Weapon: Shotgun
https://web.facebook.com/Jenny.Arcea
Jenny Arcea
August 8 at 7:36 PM
Hindi lahat ng kumakatok pinagbubuksan,
pinapapasok,
at pinatitira.
Dahil hindi lahat uhaw,
hindi lahat gutom,
hindi lahat naghahanap ng matutuluyan
upang maipahinga ang nawawalang katawan
at pagal na isipan.
Hindi.
Hindi lahat may dalang surpresa
at balitang masaya.
Ang iba'y ngingitian ka ng maganda't
aaliwin ka,
ngunit sa likod ay may patalim palang dala,
nanakawin ang iyong ngiti
at kukunin ang sa'yo'y mahalaga.
Bakit kasi hindi ka lumalaba't
natututo?
Mahina o malakas,
basta may kumatok o tumawag,
wala kang magawa kun'di pagbuksan,
patuluyin
kahit na alam mong ika'y pagnanakawan,
kahit na alam mong ikaw pang pagsasarhan,
kahit na alam mong iiwanan ka ng alaalang
masakit...
Ang sakit-sakit balikan.
#butthistooshallpass
---
https://web.facebook.com/Jenny.ArceaMake Post
...
Schedule
When: 2017 | November | 6
---
Jenny Arcea
7 hours
Lalayo na ako.
Lalayo na ako
dahil nakaramdam ng pag-iisa.
Lalayo
dahil napagal na't linisan ng saya.
Lalayo
dahil ayaw sa akin ng mundo.
Lalayo
dahil wala na sa mundo ang hinahanap ko.
Lalayo na ako,
magpapakalayu-layo,
dahil ayaw kong may makaabot.
Ayaw kong mapigilan.
Ayaw kong muling maapektuhan.
Ayaw kong paulit-ulit na indahin