Ang buhay ay parang torrent.

27 0 0
                                    

"Ang buhay ang parang torrent, mabagal pero worth it."

Pero worth it nga ba?

Pero sa totoo lang depende talaga yan sa internet connection eh. At ang internet connection ng buhay ay parang personal connection talaga natin sa mga taong importante sa atin o may matinding significance sa buhay natin. Sa connection na ito, masasabi ba nating sobrang lakas nagagawa ba natin ang gusto natin o may "nakikigamit" kung kaya't nawawalan na tayo ng pag-asa sa mga ito ang nagqui-quit na lang tayo?

RINGO'S POV.

Yes, guys. It's Ringo. Like the Ringo dude from The Beatles na nagdu-drums. I think it's obvious from my name na Richard Paul na Beatlemania yung parents ko, diba? Anyway, gaya nga sa sabi ng author, ako ang bestfriend ng babaeng mahal ko. 

Sa uterus pa lang ng mga mama namin ay magbestfriend na kami. Sabay silang nakikinig sa Fab Four habang nagkikipag-usap o di kaya ay nagbo-bonding at dun nagsimula ang alamat ng pangalan naming dalawa.

Julia Lucille Valdez. Ano kaya ang totoong alamat nito? Konting kaalaman mga kaibigan! Ang pangalang Julia ay ang name ng mother ng vocalist ng DaBitols na si Juan Lennon. At ang Lucille naman ay galing sa kanta nilang "Lucy In The Sky With Diamonds". Sobrang laki ng pagkakatugma ng alamat ng names niya sa personality niya kasi gaya ng kanta, sobrang carefree ni Lucy. 

Ang masakit lang naman sa pagiging carefree niya ay pati ang nararamdaman ko sa kanya ay na free na sa mind niya. -_______-

Try to imagine Rachel McAdams na chinita at medyo kayumanggi, ganoon si Lucy. Parang sinaksak ng biglaan ang dimples niya tuwing ngumingiti. Ang pinakamamahal ko naman niyang bangs na kahit kailan hindi nawala at hanggang ngayon na 4th highschool na kami. Basta, maganda si Lucy, at simple, at mabait, at maasikaso, mapagmahal sa pamilya, at only child, at alam kong hindi siya mabubuhay kung wala ako. Ako lang naman kasi John Lennon at siya ang Yoko Ono ng buhay ko. At para malaman niyo kung ano ka tindi 'yung, i-google niyo nga. 

Si Lucy lang ang tumatawag sakin ng Pauie, kasi nga favorite niya si Paul McCartney. Ang Ringo naman ay tawag sakin ng mga fans ko, este, ng mga friends ko. Oh! Pati pala si author, tawag niya sakin ay Pauie.

Puro na lang si Lucy, yung story ko naman kaya?

---------

Ok. Pauie's personal story sa next chap. 

Thanks, friends! ;)

This Boy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon