PAUIE'S POV.
Tama nga yung sabi ni Maw. Isang maliit lang na bagay para sakin, pero sobrang laki sa kanya. Oo, pangalan lang yun, pero buong buhay niya, yun ang tawag niya sakin. At sa isang iglap, may makakatawag din sakin ng ganun.
Nakahiga ako sa kama at nag-iisip kung ano ang gagawin. Alam kong nasaktan talaga siya kasi pinagtaasan ko siya ng boses. Tumingin ako sa orasan. 8:30 pa lang naman. Baka pwede pa akong humabol ng sorry sa kanya. Friday na kasi bukas, at hindi ko naman gusto no hindi kami matuloy sa Saturday eh.
Nagbihis ako at kumatok sa kwarto ni Maw para magpaalam.
"Maw, may oras pa ako. Pupuntahan ko siya ha." hindi na siya nakapagsalita pa at sinarado ko na ang pinto.
Dali dali akong umalis. Kinuha ko ang bike ko sa garahe at sinikad ng malakas ang pedal. Pero syempre nag-ingat naman ako. Ayoko ko pa naman mamatay ng hindi siya kinakausap.
Papalit na ako sa bahay nila ng ...
"I had a great time with you, Lucy. Sana maulit ito. Because you know ... I really like you."
Kitang kita ko na lumaki ang mata ni Lucy habang humahakbang papalapit sa kanya si Sean hanggang tuluyan na siyang niyakap ng lalaki.
Ready na akong sumuntok eh! Putspa! Buti na lang nakita kong pumiglas si Lucy sa yakap niya.
"Ummmm. Yeah. I like you too, Sean."
Ha? Gusto niya rin si Sean?! Ano to? Wala na ba talaga akong pag-asa?
"Pero, I think I like you as a friend muna. I have someone special already eh. Sana maintindihan mo rin ako."
Yumuko si Lucy. Ibang gusto? Someone special? Parang binasag ang buong puso ko. Gusto kong umalis pero ayaw ko. Gusto kong magsorry sa kanya kahit sa kahuli huli man lang.
"Ohhh ... Pauie? Gabi na ah. Bakit ka pa nandito?"
"Ah. Sige, Lucille. I better go. It was nice being with you. I'll see you tomorrow, or I'll just text you. Bye."
Tuluyan na siyang sumakay sa sasakyan niya. Hala. Hindi ko napansin yun ah.
Hindi ako makahakbang papunta sa kanya pagkatapos niyang sabihin yun lahat, para akong napako sa kinatatayuan ko.
"Pauie! Huuuuy."
Una siya lumapit sakin at hinila niyang ang bike mula sakin. Binitawan ko naman ito.
"Ahh. Lucy. Ahhh. Gusto ko lang naman humingi ng sorry sayo eh."
"Pau, okay na yun. Alam ko namang naging OA ako kasi nasanay lang naman akong ako lang ang nakakatawag sayo ng ganun eh. Tapos sumama ka dun kay Cece at hindi mo na ako binalikan. Naisip ko tuloy nauna ka ng umuwi, diba? Atsaka--"
Hindi ko siya pinatapos. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hinalikan ko sa ng dahan dahan. Yung halik na hindi niya malilimutan. Alam ko kasi kahapon lang yung first kiss niya sakin. Ngayon, ito yung pangalawa niyag halik galing sakin.
Bumaba ang kamay ko hanggang balikat niya, at tinapos ko na ang paghalik ko sa kanya.
Dapat ko ng sabihin ito ngayon. Ngayon na Pau. Hindi bukas, sa prom, sa Valentines, sa Birthday niya. Ngayon.
Unti unti niyang binuksan ang mga mata niya.
"Julia Lucille. Makinig ka sakin. Noong bata pa tayo, mahal na mahal na kita. Alam kong imposible yun kasi hindi pa ako mature para mag-isip ng ganun. Mahal kita hindi dahil maganda ka at malapit na sa perpekto. Hindi dahil bestfriends ang mga Mama natin. Hindi dahil palagi tayong magkasama, at hindi dahil bestfriend lang kita. Mahal kita dahil sa paglaki ko, nalaman ko na kahit lampa ako, maitim, iyakin, medyo mama's boy, pikon, magulo, walang patutunguhan, at insecure, may magmamahal sakin. Yung tao na kahit anong gawin ko na masama, buong buo pa rin yung pasensya sakin. You had me at my worst, you deserve me at my best. Mahal kita at kahit hindi mo ako mahal, tatanggapin ko yun."
Unti unti ng tumutulo yung luha ko. 16 years akong lumaki na kasama siya. At 11 years kong kinikimkim ang nararamdaman ko para sa kanya.
Alam kong sobrang corny. Pero, ikaw ba naman yung punching bag niya, yung iniiyakan niya, yung nagpapatawa sa kanya, yung inaasahan ng mama niya at yun lahat lahat na.
Ayoko naman mabalewala naman ang lahat ng yun ng dahil lang sa isang lalakeng magpapaiyak sa kanya.
"Pau. Akala ko, ako lang ang may nararamdamang kakaiba eh. Akala ko ako lang. Pero, Pau. Ayoko namang masira yung friendship natin eh. Ayoko kong mawala yung pinagdaanan natin dahil lang sa mga bagay na sobrang pity in the future. Siguro, I'm happy with what we have now. We need time, high school pa lang tayo. We can be friends, and more than that. Pero, 'wag munang lovers Pau."
Sobrang tatag niya. Pinipigilan niya ang mga luha niya. Nakakuyom ang mga kamao niya at kanina niya pa hinihimas ang balikat niya. Ganun talaga siya pagnagagalit.
"Dahil ba dun sa special someone mo?"
"Pau. Alam mo namang ang dami ko ng nirereject, diba? Kasi nga, ikaw lang yung hinihintay ko."
Pinahid ko ang lahat n luha ko, at unti unti napawi yung lungkot ko.
"Pero, Pau. Kun tayo, tayo talaga yun. Mahal kita, Pau. Mahal na mahal. Pero, let me explore the options."
"Ano ba talaga, Lucy?"
"Honestly, I'd love to be your girl. Pau. Please take me seriously."
------
A/N. Idek anymore. Bakit magulo ang isip ni Lucyyyyy.
Please vote and comment!!! Love lots xoxo.
BINABASA MO ANG
This Boy.
RomancePaano kung gusto ka niya, tapos gusto mo siya. Tapos sinabi niya yung totoo, tapos umamin ka rin. Tapos umayaw siya, at umayaw ka rin. Oh tapos? Ano na ngayon Lucy at Ringo?