IX.

3 0 0
                                    

PAUIE'S POV.

"Gabing gabi na, Lucy. Bukas na lang natin pag-usapan. Alam kong pagod ka na."

Pinilit kong kunin sa kanya ang bike ko.

"I'm sorry, Pau. Oo, nga bukas na lang nating pag-usapan." pinunasan niya ang mga luha ko.

Tuluyan na siyang pumasok sa loob. Kahit anong pahid ko sa mga luha ko ay hindi ko talaga maiwasan ang pagpatak nito.

Umuwi akong luhaan. Hindi ko lubos maisip na dahil sa kanya ay nababading akong umiyak. Sobrang nasaktan ako na hindi pa pala siya handa na maging kami.

Nakarating na ako sa bahay na tuyo na ang mga luha ko.

"Oh, Ringo. What did she say?" nagulat ako kay Maw. Nababasa pa pala siya ng libro.

"It didn't went well. Pero, I'm sure it's okay."

Umakyat na ako pataas at hahanda ng matulog. Bukas ko na lang siya kakausapin. Alam kong naguguluhan siya.

******

"Good Morning, Zac Efron! Dali! Kain na!!"

Talaga itong si yaya, maaga pa ay pinapatawa na ako. Na good vibes ako tuloy!

"Morning, Yaya! Wow ha. Ang sweet sweet mo naman!"

Bigla namang lumabas si Maw galing kitchen, at naglagay naman si Maw ng isang batch na naman ng cupcakes. Ito naman yung paborito ni Lucy.

"Alam kong hindi pa kayo okay. Kaya ito. Naisip kong gumawa ng cupcakes para sa kanya."

Tumango lang ako kay Maw. Nagtoothbrush na ako at naghanda ng aking sarili. Maya maya kasi alam kong dadaan na si Manong Carlo.

As usual, naghintay na naman ako sa gutter ng subdivision namin. Naglaro na lang ako sa phone ko. Hindi ko rin maiwasan ang pagtingin sa pictures naming dalawa.

Nagulat ako nung bumukas na ang pinto ng sasakyan sa harap ko. "Pau? Dali ka na. Mainit na diyan oh."

Naglahad siya ng kamay at ningitian ako. Grabe. Parang walang nangyari kagabe. Pinasa ko sa kanya ng box ng cupcakes.

"Morning, Ringo!! Ano naman ba yang dala mo kag Mam Lucy?"

"Cupcakes ho, Manong." sinuklian ko ng ngiti si Manong.

"Manong, kumuha ka mamaya ng isa ha. Diet kasi ako ngayon eh." sambit ni Lucy sa kanya. Napaka-generous naman talaga niya kahit kailan.

Tumuloy na kami. Hindi ako makatingin ng direcho sa kanya. Kumalalabog kasi yung puso ko eh. Hindi ko talaga kasi mapigilan eh.

"Bakit ang tahimik mo Pau ko?"

Nagpapacute siya. Ang ganda ng pagkakaliit ng kanta mga mata habang ngumingiti. Hinawakan niya rin ang kamay ko. Siya yung nag-intertwine ng fingers ko sa fingers niya!

Inakbayan ko siya. Tama. Hindi dapat ako maging awkward kasi nga bestfriend ko siya. "Sorry. Hindi ko kasi maiwasang maalala yung kagabi eh."

"Bestfriend kita, mahal kita. May problema pa ba dun, Pau? Huwag kang mag-alala. Okay?"

"Okay po, Miss Valdez."

******

Dumating na kami na sa school.

"Manong, kukuha na lang po ako ng isa ha. Dalhin niyo na lang po yung natira sa bahay. Okay po?" Lumingon pa si Lucy bago kami tuluyan pumunta sa classrooms namin.

Tumango na lang si Manong na may malapad na ngiti sa mukha.

"Alam mo, Pau. Sorry kung binigay ko yung box sa kanila ha. Para kasi sakin, kahit isang bagay lang na galing sa'yo, okay lang. Kahit na kakarampot lang. Kasi naman, it's the thought that counts. Okay?"

Ginulo niya yung buhok ko at kinurot ang mga pisngi ko. Hinawakan ko siya sa beywang at pinalapit siya sakin. Lumaki naman yung mata na.

"Osige na po. Kainin mo na yung cupcake mo. Nagdala ako nagtubig ha. Dali na!"

Hinila ko na siya at tuluyan niya na ring kinain yung cupcakes. Napa-isip tuloy ako. Puro na lang cupcakes ang pinapakain ni author at ni Maw sa kanya. Wag na man po sanang ma-diabetes yung bestfriend ko.

"Oh my gosh, Ringo! Puro na lang cupcakes yung kinakain ng bestfriend mo. I mean, she's so mataba na! Like eeew."

Sa lahat ba naman ng taong makikita mo sa pagpasok ko sa school, si Jane pa at ang mga barkada niyang mga palaka?

"Sorry Jane ha. Hindi naman kasi siya insecure sa katawan katulad mo."

"Atsaka, Jane. Atleast ako, hindi ko pinipigilan ang sarili ko mag-enjoy ng bagay na nagpapasaya sakin." sagot naman ni Lucy sa kanya. Hmm Pak!!

"BOOM PANES!!!!" sigawan naman ng mga football teammates ko.

"Ugggh!!! I don't care!" irita niyang sabi at hinatak ang mga kaibigan niya palayo.

Hindi na lang siya namin pinansin at hinatid na lang si Lucy sa classroom niya.

"Luce, ito yung tubig. Sabay tayo maglunch at umuwi ha. Text mo ko."

Tumango siya. Pero bago ako umalis, I eyed Sean. Hahaha! Nagulat ang bading.

Dumating na ako sa classroom. Binati ko ang classmates ko, at pumasok na rin si Miss.

******

Natapos na ang mga klase. Nandito na naman ako sa mga bench sa harap ng field. Dito kasi naming napag-usapan magtagpo after classes.

"Pau! Pau! Pau!" Ayun. Si Lucy na ang tumatawag sakin.

"Ano po mahal na prinsesa? Bakit masyado ka namang excited?"

nag-bow ako sa kanya n parang siyang royalty.

"May naisip akong project para sa club. Ahhh! Excited ako."

Wow. Sobrang higpit ng paghawak niya sa kamay ko. Sobrang lapad din ng kanyang ngiti.

"Unahin mo muna yung beach natin bukas! Ulol!" gulo ko sa bangs niya. Agad niya namang inayos ito.

"Oo pala! Yung Pentax ko! Ihanda ang sunblock!!!"

"Kahit anong sunblock mo, maitim ka pa rin!"

"Kahit naman siguro maitim ako, mahal mo pa rin ko."

Kumindat siya. Oo, kahit anong mangyari, mahal pa rin kita.

------

A/N. Beach scene before summer ends!

Vote and comment please! Thank you!!! :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

This Boy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon