LUCY'S POV.
"No, Pau. I'm happy to have you. Please don't ever change. I love you."
What? Wait. What?! Sinabi ko yun?
"Mahal din kita, Lucy ko!"
Haaaa. Buti na lang parang joke lang sa kanya 'yun. That was close. That was really close. (( insert Tita Glow voice here ))
Pero, totoo. Mahal ko si Pauie, hindi bilang kapatid, kaibigan, kababata, o bestfriend. Mahal ko siya, bilang tuta ko. MWAHAHAHAHAHA.
De joke lang po mga readers. Mahal na mahal ko siya bilang isang lalakeng mamahalin din ako ng sobra sobra. I did not expect na he would mean this much to me.
Simula pa kasi nung bata pa ako, siya na talaga yun knight and shining armor ko. Pero minsan, more like loser in tin foil. Lampayatot kasi yun noong bata pa kami eh. Wag kayong maniwala na he is adonis-like, feeler lang talaga siya.
Perfect na siya sa paningin ko. Mabait, charming, gwapo na chinito na may braces na medyo maputi, sporty, achiever, mahilig sa mga bata, marunong sa maraming instruments, basta lahat lahat na.
Hindi siya yung tipong "bad-boy" na kinahihiligan ng babae. Bakit mo naman gusto yun? Yung paiiyakin ka kasi nakikipagbugbugan siya for fun? Ano yun.
"Higpit naman ng yakap mo sakin Pau ha. Baka masanay ka sa yakap ko at hanapin mo na pag-alis ko ha."
"Nagmamadali kang iwan ako? Alis na please."
Oo, ayaw na umalis ako. Bakit? Anong masama dun? Para din naman sa future namin yun diba?
"Okay fine. Bye, Pau. Tulog na ako ha." kumalas ako sa yakap niya at tumungo na sa loob ng hinawakan niya ang kamay ko.
Hinila niya ako papalapit sa kanya. Nagtagpo ang aming mga mata. Tapos pinikit ko aking mga mata. Tapos ... Tapos ... Wala. Tinawanan niya ako.
"Nag-expect ka Lucy? Diba nag-expect ka?"
"Pinikit ko ang mga mata ko kasi ampanget mo. Wag kang assuming please."
At doon, pinatapos niya lang akong magsalita at hinalikan. Napapikit na naman ako ulit. Medyo matagal, pero putris naman oh. Na imagine kong buhay pa si George Harrison at kumakanta siya ng "Something" habang hinalikan niya ako.
"I just love it when you least expect, Julia Lucille." tumakbo na siya papunta sa loob. Napa tunganga ako. Hinawakan niya ang labi ko. Hala, ang swerte niya, nahalikan niya ang labi n isang magandang nilalang!
Hindi ako tumakbo papunta sa loob, naglakad lang ako. Ewan, parang lumulutang sa tuwa. Hayahayyyy. Okay, parang gusto kong sumayaw.
"Julia. Say goodbye na sa kanila, gabi na kasi kaya uuwi na sila." nagulat ako ng nagsalita si Mama.
"Bye, Lucy! See you, soon!" bineso ako ni Tita Mo. Oh, si Mommy Maureen. Chos!
"Lucy, assuming ka pa rin." biro sakin ni Pau sabay pisil sa pisngi ko.
"Ewan ko sayo, Pau. Mag-ingat kayo ni Tita Maureen ha." niyakap ko siya na parang walang nangyari kanina, at tinugon niya rin ito.
"Bye po Tita Sad! Ah, Tita, pupunta po kami ni Lucy sa Saturday ha. Para naman po umitim siya." bineso niya si Mama ko at tumango naman with approval si Mama sa kanya.
Tuluyan na silang umalis. Umakbay ako kay Mama at hinalikan niya naman ako sa pisngi.
"Little girl, I placed something on your bed. Go check it. It's good na you're doing something this weekend na will make you happy. Make the most of your high school life. Okay?"
Ngumiti ako at tumango ako kay Mama. Na excite naman ako sa sabi niya, ano kaya yun?
Dali dali naman akong pumunta sa kwarto ko at sinarado na ang pinto. Pero before anything else, I fixed my things galing school. Gusto ko namang suklian si Mama ng malinis na kwarto sa gift niya sakin.
Nakalagay siya sa isang box na puti at may super cute na picture ni Ringo Starr sa ibabaw. Hala. Parang gets ko to ah. Sa pagkakaalam ko kasi, siya yung Beatle na mahilig magpicture.
Nagulat ako ng nakita ko ang Pentax SLR ng kagaya ni Ringo! Ahhhh. Tumalon talon ako sa tuwa! Kinuha ko ang phone ko at tumawag kay Pau.
"Hoy manyak! May bago akong SLR, try natin sa Sabado ha. Good night."
"Wow ha. Manyak? Gusto mo naman yun eh. Osige. Good night."
Binaba na niya yung phone. This is a good night. A very good night.
------
A/N. Hi readers. I can see you. Please vote and comment. I need it. Para ma motivate naman akong sumulat. Please!
BINABASA MO ANG
This Boy.
RomancePaano kung gusto ka niya, tapos gusto mo siya. Tapos sinabi niya yung totoo, tapos umamin ka rin. Tapos umayaw siya, at umayaw ka rin. Oh tapos? Ano na ngayon Lucy at Ringo?