VII.

1 0 0
                                    

PAUIE'S POV.

Ay ano ba yung kagabe! Hindi ako makatulog. Pero hindi ko talaga akalain na hinalikan ko siya at hindi siya naging OA dahil dun?

Kung ganun, gusto niya rin ako? OH, UNIVERSE! Are you handing her to her already?! Kay tagal ko ng hinihingi ito! Ayaw ko namang mag'assume, baka akala niya friendly kiss yun. Teng-ene.

******

Magkasama na naman kami. As always. Ano pa ba ang ang balita, eh paulit ulit lang namang kami eh.

Isang normal na araw sa school. Pero pagmalapit si Cece, umiiba ang pag-uugali ni Lucy. Hindi na siya nagiging maingay.

Infairness, marunong din palang maggitara si Cece, at nalaman kong isa siya sa may pinakamataas na scores sa magkaparehong quiz naming mga seniors sa dalawang section. Minsan nga daw humihingi siya ng advanced na quiz kasi gusto niya ng challenge.

"Pfft. Nagmamarunong lang naman eh." bulong ni Lucy sa hangin sabay irap niya kay Cece. I can sense something.

"Ano 'yun, Lucy?"

"Ha? Ano? Wala kaya akong sinabi." mabilis naman niyang sagot.

Hindi na rin ako umimik. Pinabayaan ko na lang siya.

May nakita akong lalakeng papalapit sa amin, at may dala ring gitara. Grrrrrr. Ang chinitong yan! Nandito naman?

"Sean! So na recieve mo pala ang text ko? Dali! Doon tayo!" umalis si Lucy sa kinauupuan niya at hinawakan niya ang braso ni Sean. Napaturo siya sa mga bench at hinila niya si Sean. Hindi niya man lang pinasalita yung tao.

Naka ngiting umupo si Sean sa harap ni Lucy. Ang isa naman, halatang nagpapacute habang nilalagay ang buhok niya sa likod ng taenga niya. Aish! Ang batang ito oh.

Ewan ko sa inyong dalawa! Magsama kayo! Basta okay na ako sa comany nina Pattie, Jude at Cece. Pero alam niyo kun ano pa yung mas nakakapag-iirita sakin? Yung lovers naming kasama na sina Jude at Pattie! Talaga?! Naghaharutan sa harap ko pa? Alam niyo namang wala si Lucy sa tabi ko eh!

"Ringo, are you okay? You look so irritated. Gusto mo naman bang make take ng turn na magplay nito?" narinig kong sabi ni Cece habang titig na titig ako sa kabila.

"I'm sorry. I was just too focused on something else. Do you want to have a drink? Come!"

Binitawan niya ang gitara at pinasa kay Jude. Tuwang tuwa naman yung isa ng makahawak nun, halata namang haharanahin niya naman yung girlfriend niya.

Tumayo si Cece at inayos ang palda niya. Pinantayan ko siya sa paglalakad at inakbayan. Ito Lucy oh! Magselos ka dito!

"You're heavy, Richard Paul. Wait, can I call you Pau? I mean, ganun din diba yung tawag ni Julia sa'yo."

Wow. Napaka observant naman niya. Alam naman niyang halos lahat ng tao ay tumatawag sakin ni Ringo. Pero bakit alam na alam niyang ganon ang tawag sakin ni Lucy?

"Errr. Sure! I think it's okay naman."

"Yeah. I mean Lucy doesn't own you naman diba. Diba, Pau?" naglagay pa siya ng quotation marks sa pangalan ko.

Ngumiti na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Bahala na.

******

Nagsama kami ni Cece hanggang uwian. Hinanap ko si Lucy para sabay namang kami maglalakad.

"Richard Paul!"

May tumawag sakin, hindi agad ako lumingon kasi normal kong pangalan ang tinawag. Hindi naman siguro ganoon ka importante yung, diba? Hindi naman kasi si Lucy ang tumatawag sa akin eh.

"Richard! Ano ka ba, bakit hindi ka lumingon at hindi mo man hinanap kung sino yung tumawag sayo!" pa hingal hingal niyang sabi, nasobrahan sa pagtakbo.

Ha? Si Lucy pala yun? Eh, bakit buong first name ko yung tawag niya sakin? Aray ko naman po.

"Hindi ko akalain na ikaw pala yung tumatawag sakin. Akala ko iba."

"Akala mo sino, Richard?"

Tinitigan niya ako ng matagal.

"Akala mo si ... Cece? Diba, Pau yung tawag niya sayo? Alam mo naman yun diba? Hindi mo na kailan pang ma confuse." nahinto siya ng banggitin niya yung pangalan ni Cece, at tinapik niya ako sa balikat.

"Pauie yung tawag mo sakin. Iba yun, Lucy. Iba yun!" tumaas ang tono ng boses ko at ginulo ang buhok ko.

Tumalikod na lang ako bago pa ako tuluyang magalit.

Hinila niya balikat ko para maharap ko siya.

"Eh bakit parang galit ka kapag tinatawag kitang Richard? Pfft. Oo nga pala. Kasama ko si Sean pauwi. Ma una ka na, hihintayin ko pa siya."

Hindi na niya ako pinasagot pa at umalis. Shit! Bakit ako nagagalit? Pangalan lang naman yun diba? Dapat lumingon pa rin ako!

Wala akong choice. Mag-isa akong umuwi kasi kasama niya si Sean. Naisipan kong pumunta sa shop ni Maw.

"Oh bakit ang lungkot lungkot mo naman?" sambit niya habang inaabot niya sa isang costumer ang cupcake at ningitian niya ito.

"Eh kasi, Maw. Hindi ko gusto yung lalakeng kasama ni Lucy. Tapos, nagalit pa siya nung may ibang tumatawag sakin ni Pau. Maw! Iba yung 'Pau' sa 'Pauie'. Magkaiba yung ng dalawang letters!"

"Baka naman nagseselos yun kasi gusto niya na siya lang ang tumatawag sayo ng ganun. Tumatak na kasi sa kanya na sakanya lang yung Pauie. Eh bakit naman kasi may tumatawag sayo ng Pau? Diba, Ringo ang tawag ng friends mo sayo pati kami?"

Ganun na nga Maw! Bakit ko naman kasi pinayagan si Cece na tawagin akong ganun?

Natahimil na lang ako at tinulungan si Maw hanggang masara na yung shop. Nagligpit na lang ako at pinaandar yung kotse. Huli siyang pumasok dahil sinara niya pa yung shop.

"Ringo, ayusin niyo ang problema niyo ni Lucy. Wag mong hayaan na masira ang friendship niyo dahil sa ganyan. Ibaba mo ang pride mo at kausapin siya. May right siyang magalit kasi nga siya lang tumatawag sayo ng ganyan. At para sa kanya, mahalaga yun."

Biglang sabi ni Maw pagpasok niya sa sasakyan.

Aayusin ko to. Dapat.

------

A/N. Matutulot pa ba yung outing nila?

Vote and comment!

This Boy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon