PAUIE'S POV.
Oh, eto na kwento ko.
Ako ang isang gwapong nilalang. Ako ay ipinaglihi ng aking mom sa kagwapuhan ni John Lennon noong teenager siya, at ako naman ay nagsikap para ma achieve ang katawan ng kagaya ni Zac Efron.
HAHAHAHAHA, joke. Pero totoo naman yung nagsisikap ako na maging kasing hot ko si Zac. Iniisip ko rin naman na para sa kabutihan ito ni Lucy, na ako talaga yung knight and shining armor niya na sasalo kung nahihirapan siya. At saka, nakakahiya naman kung palagi kaming nagpapa-beach tapos puro taba naman ako. Paano naman ako mapapansin ng bestfriend ko na mahal ko?
Noong bata pa kami, halos lahat ng bagay na alam ko, alam rin niya. Na napunta na sa punto na ayaw niya na gawin ang ayaw ko ring gawin. Ayaw ko naman yung ganon, na hindi na siya ang Lucy gusto ko na carefree at walang pinoproblema. Yung Lucy na, laging umaasa sa akin kahit na gusto ko.
Kakapalan ko na ang mukha ko. Kahit sinong babae, magkakagusto sakin. Ako lang naman yung lalakeng marunong magpiano at gitara, yung magaling kumanta, marunong sumayaw pero hindi magaling, medyo GGSS, achiever sa school, marunong magfootball, first aid volunteer, at handang magsakripisyo para sa taong mga mahal ko.
Kaya, eto na ako.
* * * * * *
"Pauieeee! Nakabihis ka na ba?! First day natin ng pagiging senior! Oh baka naman para kanang senior citizen sa pagbihis?!" sigaw niya mula sa baba.
Oo, sa kanya ako nakikisabay papunta ng school. Ewan ko, mas trip ko naman talaga na maglakad kasi malapit lang yung bahay namin eh. Siya kasi yung malayo. Tapos ayaw naman na makipagkita na lang dun. Gusto pa na magkasama kami. Paano na siya mabubuhay pagwala ako?
"OPO! BABABA NA PO ATE LUCY! KALMA LANG PO!"
"Pauie. Bakit ba ang tagal tagal mo? Alam mo namang kahit ano pagporma mo ay pangit ka pa rin." sabay yakap niya sakin. Aba? Pangit ako? Marami kayang nagkakandarapa sakin, Lucy. Ikaw lang nga yung pinili ko eh.
Sabay kaming nagbreakfast, pati nagtoothbrush. May sarili siyang kwarto sa bahay namin, maswerte siya ang mahal na mahal siya ni Mommy, pero syempre mahal ko rin siya. Hindi ko lang pinapahalata.
- SA SCHOOL -
"Ringo, Lucy! Bilisan niyo. Kayo pa naman yung major officers ng first aid club niyo, kayo pa yung nahuli. Ene be yen." pagrarant sa amin ni Martha. Siya yung president ng student government.
Most of the time kasi, yung mga major officers ng group at nakikipag-usap sa isa't isa para sa mga makabubuting plans para sa school. At syempre ako habang nagme-meeting ay kumain ng dinadala kong cupcakes na para sa kanila. Sa huli, ako ang nagdala, ako ang kumain, at ako ang umubos.
"Go na kayo! Dali!"
"Pau, are you ready to sing my song na?"
"Lilipad na tayo? Seryoso?"
"Walang hiya ka! Late na tayo oh!"
"Sige ba! One .. two .. three ... "
"LUCY IN THE SKY WITH DIAMONDS ~!" sabay naming kinanta habang magkahawak ang kamay at tumatakbo papunta ng main building para sa opening program ng school para sa bagong school year.
Hiningal kaming dalawa. Parang kaming dalawa ang may kailangan ng first aid eh. Pero kahit ganun, natutuwa ako kasi kahit sa simpleng bagay ay napapangiti siya at nakaka the moves ako!
"It seems that our president is here." sabi ni Mr. Gonzaga sa mic habang tumatawa nung dumating kami.
Binitawan ko ng marahan si Lucy at nakipag high-five kay Mr. Gonzaga. Oo, close kami. Madalas kasi siyang nagpapakuha ng BP sakin sa maliit naming club office tuwing hapon at nagkwekwentuhan kami.
"Good morning, schoolmates! I'm Richard Paul Santos. Ako ang president ng health club dito sa school. If you have questions, or kung hihingi kayo ng autograph sa akin, feel free to visit our club office." nagsalute ako at ngumiti. Tumawa naman silang lahat pagkatapos nun.
Tumabi ako kay Lucy at umakbay sa kanya. Hinampas niya ang dibdib ko ng marahan at pinisil ang cheeks ko.
Natapos na yung program at tuluyan na kaming pumunta sa maliit namin office. First day of school ngayon, kaya walang official classes pa kasi ang lahat ng mga clubs ay nanghihikayat ng baging members at nagtu-tour pa ang mga freshmen sa school.
"Ummm. Kuya Ringo, paano bang mag-apply dito sa club? Gusto ko kasing sumali eh." nahihiyang sabi sakin ng isang sophomore na babae. Sa totoo lang, maganda siya.
"Uy, Pau. Tinatanong ka oh. Dali." tinulak ako ni Lucy papunta sa pinto. Grabe, binibigay mo na ba ako sa iba?
"Ah. Hello! Pasok ka. Ano pala name mo? Dali, wag kang mahiya." sagot ko sa kanya. Hinila ko siya papunta sa loob. Nag-offer ako ng upuan na nakaharap sa desk ko. Tinapos muna nila Lucy, Anna, Pattie, at Jude ang pag-aayos ng buong office bago ako palibutan para sa pag-interview.
"Eeeep. Ako po si Joan. Sophomore po." sobrang cute niya! Gusto ko siya maging close habang hindi pa ako aalis sa school na ito.
"Ah. Ako si Ringo, ang gwapong president. At sila ang aking mga minions, well some of them." Tinuro ko silang apat, at kanya kanyang silang nagpakilala. Pero sadyang nagstand-out talaga ang intro ni Lucy.
"Ako si Julia Lucille Valdez. Ako ang babaeng may connection sa kanya kahit noong na sa pa uterus na kami na aming mga ina. Hindi ya man mabubuhay pagwala ako sa tabi niyan." sabay akbay sa akin. OH HORMONES KALMA KAYO.
Tumawa na lang silang lahat. Namula si Joan. Halatang may crush siya sakin kaya nagkaka ganyan siya. Tngina, ang kapal ng mukha ko. HAHAHAHAHA.
Tuluyan ng umalis si Joan matapos ang interview, at umalis naman sina Pattie, Jude at Anna, kung kaya't kami na lang ni Lucy ang naiwan.
"Wow, friend. GGSS ka naman talaga no?" sabay upo niya sa mahaba naming kawayang upuan at dahan dahang pumapaypay ng kanyang sarili.
"Oo naman. Totoo namang gwapo ako diba? Marami ngang may nagkaka gusto sa akin hindi ko naman pinapansin eh. Oy! Bakit ganon yung intro mo kay Joan? Parang ayaw mo sa kanya ah?" inayos ko ang buhok kong maganda.
"Ha? Hindi ah! Wait. Bibili ako ng food. You like? Ok, bye!!" mabilis siyang umiwas ng tingin at tumakbo. Ano kaya ang nangyari sa kanya?
------
A/N. I am a loser.
BINABASA MO ANG
This Boy.
RomancePaano kung gusto ka niya, tapos gusto mo siya. Tapos sinabi niya yung totoo, tapos umamin ka rin. Tapos umayaw siya, at umayaw ka rin. Oh tapos? Ano na ngayon Lucy at Ringo?