III.

4 0 0
                                    

PAUIE'S POV.

Buong umaga ay doon ako tumambay sa office, at hindi na nakabalik si Lucy. Ano nangyari 'dun? Nagugutom na kaya ako. Kasama niya ba yung minions ko?

Lumabas ako ng office at nagpahangin muna sa mga bench sa tapat ng field. Nakakamiss na rin pala magfootball. Yung feeling na kapag naka goal ka, lahat ng babaeng nanonood nagtitilian! Ohhhh. That feels good.

At last! Dumaan si Lucy!

"Bata! Nasaan yung pagkain ko?! Inubos mo?" tinapatan ko siya at nilagay yung pointer ko sa ilong niya, napapikit naman siya.

"Ha?! May yaya duties ako sa'yo?"

"Nakalimutan mo? Eh bakit ka pa umalis? Iniwan mo ako dun? IKAW NA BATA KA!!!!"

"INUBOS KO NA LAHAT MAMATAY KA SA GUTOM!!!"

Tumakbo siya at hinabol ko siya. Sobrang baboy niyang tumawa, at lumalabas na naman yung nagmumurang dimples niya! Wag nating kalimutan ang bangs niyang lumulundag!

"Habulin mo ako, Pauie!"

"Hahabulin talaga kita! Striker kaya ang ng football team!"

At tuluyan ko na siyang nakuha. Esse, nakuha talaga? Niyakap ko siya ng sobrang higpit mula sa likod.

Humarap siya sakin habang tumatawa pa rin. Ang ganda niya talaga kahit na haggard siyang tumawa.

Ah! Bakit ba ayaw ko pang sabihin sa'yo? Bakit ba natotorpe ako sa'yo? Alam ko naman na gusto ako ng lahat para sa'yo diba? Syete.

Nagka tinginan kami ng matagal. Napatingin na ako sa kanyang mapupulang mga bibig na nakatikom na matapos tumawa. Tapos sa mata na niya na parang kumikislap na bituin.

"Pauie. Wag kang ganyan! Baka mahulog ka sakin, mataba ka pa naman baka hindi kita makayang saluhin."

"Julia, ang feeler mo naman."

"Wag iz the meaning of diz." nakapa trying hard naman ng babaeng eto.

Sino siya? Siya si Jane Domingo. Ang babaeng ayaw ako tantanan. Kahit ilang beses ko ng sabihin na ayaw ko sa kanya in the most charming way.

"Emegels, Paul baby. What's this? Sana ako na lang hinug mo!"

"Jane, he's my bestfriend. It's normal if we hug all the time! Pffft."

"Oo nga naman, Jane. Eto oh! Ang cute naming dalawa!" lalo ko naman naming hinigpitan ang yakapan. Oh hala! Sige! Mainggit ka! Nakaka the moves pa ako!

"Ugh! Okay. Whatever." umirap siya at tuluyang umalis.

Una na akong umalis sa yakap para hindi masyadong awkward. Ginulo ko na lang ang bangs niya at umakbay sa balikat niya.

"Saan ka ba talaga galing Lucy?"

"Sa totoo lang? Sa music room. Nagka-usap kami ni Sean eh. Pinarinig niya ako ng bago niyang nalaman na kanta. Pauie! Beatles yun! Ang ganda nagpagkaka gitara niya."

Natahimik ako. Si Sean? Yung heartthrob na parang gaysht? Maputi lang naman yun kaya gwapo! It's not love Lucy. It's dove!

"Pfft. Mas magaling ako dun! Sakin ka dapat makinig. Ano ka ba!" sabay pisil ko sa kanya.

******

Habang naglalakad, naisipan naming dalawa na pumunta sa principal's office para ma check ang schedules ng sections. Magkaiba kami ni Lucy, kaya yung sa kanya ang mas tinitigan ko para maka adjust ako.

"Aish. Una ka ng dismissal kaysa sakin Pau! Hindi tayo sabay ng uwi." maiyak iyak ng sabi. Ang batang ito talaga, iniiyakan ang pity na mga bagay.

"Ed di tatambay ako sa office at sabay tayo uuwi! Hahandaan kita ng merienda para kainin na natin pag-uwi. Okay naman yun diba?" sagot ko sa kanya. Napa ngit naman siya at lumabas naman ang dimples niya.

This Boy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon