IV.

1 0 0
                                    

PAUIE'S POV.

Nakarating ako sa bahay nang agad naman bumungad sa akin si Mommy.

"Hi, Maw. Good evening." sabi ko sa kanya at saka paghalik sa noo niya. Alam kong kagagaling lang niya sa cupcake shop namin.

"Hi, baby boy. Alam mo, tumawag si Julia sakin. Sabi niya na she invited you to dinner daw pero umalis ka agad. What's wrong?" inayos niya ang buhok ko habang nagsasalita.

"I'm tired. Bukas na lang."

Oo, Maw. I'm tired of hiding my true feelings. Torpe ba ako? Pinapakita ko naman na gusto ko siya diba? Close naman kami diba? Baka maiintindihan naman niya ang mga galaw ko.

"Tired of what? First day pa lang ah." hinaplos niya ang likod ko habang naglalakad kami papuntang living room.

"Oh, heto. Cupcakes! Para ma iwasan naman yung stress mo. By the way, mag-iwan ka ng dalawa para kay Julia na dadalhin mo bukas. Alam kon paborito niyo yan."

Tumango na lang ako at dumirecho sa kwarto. Naligo ako at nag'ayos ng pambahay kasi puno ako ng pawis. Humiga ako sa kama.

Maraming bagay ang tumatakbo sa isip ko. Buti naman at hindi sila napapagod! De joke lang. Pero totoo yung ang dami kong iniisip ha. Ang last term kong pagiging president, ang mga activities sa school, ang pagsali ko ulit sa football team, ang plano ko para sa college, at siya. Yung ako, si Julia, yung kami. Paano yun?

Pumikit ako at tuluyan ng natulog.

******

6:00 AM.

"Good morning po manang Dom!" bati ko sa aking yaya mula bata hanggang naging adonis na ako.

"Morning Zac Efron ng buhay ko! Dali kain na. Baka mapagalitan ka pa ni Lucille. Oh! Ito na yung cupcakes ha. Wag mong kainin at ibigay mo ng direcho sa kanya." maalaga talaga si yaya at sobrang supportive sa pagiging GGSS ko.

7:00 AM.

Natapos ko na ang lahat ng dapat matapos at hinintay ko siya sa labas ng gate namin.

Nagpasya ako na dalhin ang gitara ko dahil alam kong sobrang boring ang araw na 'to. Plus, gusto ko rin naman higitan yung Sean na yun! Gwapo lang naman yun kasi maputi. Bading naman yun!

Tumambay ako sa may gutter sa labas at nag-jam muna bago siya dumating.

"Your day breaks

Your mind aches

You find that all the words of kindness linger on

When she no longer needs you~"

Napapikit ako sa pagkanta. Naramdaman ko yung lyrics eh. Na baka isang araw, matapos kong sabihin ang lahat, mawawala na lang siya sakin at malilimutan niya ang lahat ng pinagdaanan namin.

"She wakes up, she makes up

She takes her time and doesn't feel she has to hurry

She no longer needs you~"

Nagulat ako, napakanta na pa rin siya sa tapat ko. She looks beautiful kahit na she's just wearing out school uniform, lalo ng tumapat na yung sunlight sa mukha niya habang nakangiti siya.

"Ang aga aga ang pangit ng boses! Ano ba yan!" asar ko sa kanya sabay tayo at pag-ayos ng uniform ko.

"Ah ganon! Maglakad ka papunta ng school, Pau! Para pagkadating mo dun, punong puno ka na ng pawis! Ew, malagkit! Ako naka aircon."

"Sige ba. Eh di ako na lang ang kakain ng cupcakes na sobrang paborito mo!"

"Ahhhh! Lemon! Dali pasok!" sobrang sakit ng paghila niya sakin pasok sa sasakyan.

"Ahhh. Pauie! I will cheat from my diet today. Thank you!" para siyang lobo sa sobrang puno ng bibig niya dahil sa cupcakes.

"At sino nagsabi sa'yo na magdidiet ka? Ang bata mo pa kaya. Hala sige kain."

Ayun. Kinain niya! Hanggang dumating na kami sa school.

******

Sorang boring nga ng araw na yun. Wala pa silang gana magstart ng classes eh. Walang teacher sa loob at maingay silang lahat sa room. Nagpasita akong lumabas at doon maggitara sa corridor kasi may mga rin naman sa labas pero hindi maingay.

Nag-umpisa akong maggitara at kumanta. Ayun, sa sobrang feeling ko naman ay napapikit ako. Hanggang may tao na namang nakatayo sa tapat ko.

Hala mga fre. Sobrang ganda niya. Katamtaman ang height, hindi sobrang maputi, chinita ang mata, my glasses at may braces. Oo! Parang nerd, pero hindi eh. Maganda. As in!

"Wow. You like the Fab Four? I like them too."

"Yeah. I love them so much! Hi. I'm Ringo. I've never seen you here before."

"Ah! What a cutie. Your name is Ringo? He's my favorite member."

"Well, it's Richard Paul. But, yeah. Ringo."

"Wow, you're amazing. I like you! I'm Cynthia. Cynthia Lennon. No, I'm just joking. Cynthia Cruz. They call my CC, but you can call me Cece to make it more special. Bago ako dito. I transferred from Hong Kong."

"Ah. It's nice na dito mo napili magtransfer. It's nice to see you Cece." naglahad ako ng kamay. Sobrang higpit ng pagkapit niya sa kamay ko. Parang kumalabog yun puso ko.

Oh, universe. Ano ito?

She sat down beside me and we talked.

Her parents are both Pinoys. She's the only girl in her family and she has 2 older brothers who are working already. May clothing line bussiness sila sa Hong Kong, pero mas pinili niyang dito na magspend ng senior year dahil gusto niya raw na may experience siya dito sa Pinas.

Ang mas maganda pa sa kanya ay hindi halata na mayaman sila. Sa porma niya, hindi siya trying hard. Simple lang yung buhok niya, hanggang shoulder lang at natural na straight. Ewan ko kung paano niyo iimagine kasi hindi ako marunong mag describe. Lalake ako eh.

Niyaya ko siyang kumain kasi recess naman talaga.

Nabigla ako ng may nakita akong babaeng naka hulog ng 2 baso ng iced tea sa corridor. Hala. Ano yun?

------

A/N. Sinyo yung girl na naka hulog ng iced tea? Paborito pa naman yun ni Pauie.

This Boy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon