V.

5 0 0
                                    

PAUIE'S POV.

Hala! Sino yun?

Mabilis kaming tumakbo ni Cece papunta doon. Nagulat ako ng nakilala ko ang mukhang iyon.

"Juls! Anong nangyari sa'yo?" inilayo ko siya sa basag na mga baso. Baso pa naman yun galing sa office namin.

"Girl! Are you okay?" sincere rin na sabi ni Cece sa kay Lucy.

"Ha? Ah ewan. Slippery kasi yung baso. Sorry Pauie ha. Sorry!" mangiyak ngiyak niyang sabi. Naawa ako sa kanya, yung babaeng mahal ko nasaktan. Niyakap ko siya at pinatahan.

"Ringo, I better call manong janitor to clean this. Baka may ma aksidente. Wait." lumakad na si Cece papalayo.

Tumingin sakin si Julia.

"Gusto sana kita i-surprise ng paborito mong drink eh. Tapos yayayain kita kumain. Baso pa naman yun sa office, Pau."

"No it's okay, Lucy. Okay ka lang ba? Nasugatan ka?"

"Hindi. Sorry Pau ha. Sorry."

Hindi ko na ulit nakita si Cece. Baka pumunta na rin sa room niya. Pumunta na lang kami ni Lucy sa office at doon nagpasiyang tumambay.

"Pau, kilala mo na pala si Cece."

"Classmate mo? Maganda siya no? Simple na maganda."

"Oo, Pau. Maganda siya." mahina niyang sabi. Nabalot kami ng katahimikan.

"Okay ka na ba talaga?"

"Oo, Richard." nag-iba ang tono ng boses niya. Seryoso na ito ngayon, at hindi na Pau ang tawag niya sakin. Richard na.

******

Natapos na ang araw.

Nalakad na naman kami pauwi. Tahimik siya ngayon. Nagseselos ba siya kanina? Hala. Ang gwapo ko naman talaga na pag-agawan ng dalawa.

"Pau, gusto mo ba si Cece? Ayaw mo na ba sakin?" hindi siya tumingin ng sinabi niya yun sakin.

"Ha? Paano mo naman nasabi yun?" kumunot yung noo ko. Hala hala. Anong pumasok sa isip niya.

"Ewan? Baka tumaba na ako, kaya ayaw mo na sakin. O, di kaya hindi na ako ganoong ka puti dahil sa pagbi-beach. Yung mga ganon."

"Ang drama mo, Lucy! Kahit na mataba ka, o maitim, o mas maganda pa siya sa'yo, ikaw pa rin yung one and only girl ko! Ano ka ba."

Ginulo ko ang bangs niya. Halata talaga na nalulungkot siya. Ah! Baka yan yung dahilan bakit matamlay siya. Ang gwapo gwapo ko naman talaga.

Ngumiti siya at naglakad na kami pauwi. Mabuti na rin at nagsalita na ulit siya. Ayaw ko na malungkot siya, feeling ko hindi ko nagagawa ang responsibilidad na pagiging bestfriend niya.

******

"Yaya Mich, sobrang sarap ng luto mo. Paano na ako magkaka-abs kapag kakain lang ako palagi?" puri ko kay Yaya kahit na punong puno na ng ulam yung bibig ko.

"Problema mo na yan, Ringo. Wala akon pakealam sa'yo! Mabuti ng tumaba ka para hindi ka na maging gwapo!" patawa niyang sabi sakin habang nilalagyan ng pagkain ang plato ni maganda niyang alaga.

"Yang, baka maubusan kayo ni Pauie ha. Alam niyo naman yan. May natira pa ba para sa inyo?" makapg salita naman si Lucy parang hindi siya kumain ng toni-tonelada minsan.

"Oo naman! Osige kain na."

Matagal ang kainan namin dahil nagkwekwentuhan pa kami. Matapos nun ay dumirecho kami sa living room at nag-usap tungkol sa mga bagong apply na members ng club.

"Oh! Look at my John and Yoko! Hello darlings!" pamilyar yung boses ah?

"Mama Sad! Umuwi ka! That's good!" tumakbo si Lucy papunta sa kanya at hinigpitan ang pagyakap.

"Yes naman, Lucille. And it's good to see na you're with my John!" ehem. John Lennon equals Richard Paul, yun ang nasa vocabulary ni Tita Sadie.

Alam naman nating botong boto si Tita Sadie sa amin ni Lucy. Kasi alam niya na kahit anong mangyari kay hinding hindi ko iiwan si Lucy.

Naging usapan namin ang recent travels ni Tita Sad. Photographer kasi siya ng isang na banda dito sa Pilipinas at "occasional" photo journalist sa isang magazine.

Nagtataka kayo kung paano nagkilala sina Mommy Maureen ko at si Tita Sadie no? Tanungin niyo na lang si author ko kailan niya ikukwento yun.

"That's great, Ma! Can you ask them if they could give me a copy of their album with their signatures?" pa cute na sabi ni Lucy. Paborito niya rin kasi yung bandang yun eh. May hawig sa Beatles kasi yung music style nila.

"Yeah yeah. I will try." hinalikan ni Tita Sad si Lucy sa noo si Lucy. Namiss ko tuloy si Maw.

May nagdoor bell. Sino kaya yun?

"Good Evening, Mich. Andiyan na ba siya?"

"Opo, Ate. Pasok po."

Hala pamilya yun ah.

"Hala, ako naman pala yung kulang!" sabi ko na nga ba eh. Si Maw! May dala pang cupcakes? Pinag planuhan ng bestfriends?

"Mau! Buti dumating ka!" bati ni Tita Sad.

"Yes naman, Sad! Look, I brought your fave!"

"Blueberrry cheese! Thank you, Mo!" bineso nila yung isa't isa.

******

Nagkuwentuhan sila sa loob, at nandito naman kami ni Lucy sa labas at nagpapahangin.

"I wish I had a bestfriend like your mom, Pau. She's amazing."

"Well, you have me naman. You don't like me na ba?" minock ko yung face na ginawa niya kanina ng pauwi.

"No, ew." umiwas siya ng tingin.

"Do you want me to to act all girly, o gusto mo bang maging bakla ako?" tumayo ako at kumendeng kending.

Sumeryoso ang mukha niya.

"No, Pau. I'm happy to have you. Please don't ever change. I love you."

Niyakap niya ako ng mahigpit. Jusko po. Ano po ito. Can this be love?

------

A/N. Lucy's POV sa next chap?

This Boy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon