Chapter 2

277 11 3
                                    

Aeczelle's POV

Ang hirap talaga maging estudyante! Uupo ka na nga lang at makikinig sa teacher mo eh sasakit pa ang pwetan mo sa kakaupo. Magkasunod ba naman yung dalawang subject ko? Yan tuloy tatlong oras nakalapat ang pwet ko sa silya ("3")

By the way third year college nako. And architecture ang kinukuha kong course. Pangarap ko kasing magkaroon ng bahay na ako mismo ang may gawa ng design :)

Unat unat din pag may time masyado akong nangalay sa puwesto ko. Nakakagutom tuloy buti na lang vaccant ako ng isang oras. Kakain na lang muna ako lunch time na rin naman e...

Nakakagutom talaga ang amoy sa cafeteria. Nasa pinto ka pa lang amoy na amoy mo na yung iba't ibang nilulutong pagkain. Makabili na nga! ^_^

"Hmm... solve!" kontento na ang alaga ko kaya pwede na akong magliwaliw => haha!

Ano pa kayang pwede kong gawin? Hmm... Ah! pupuntahan ko na lang yung bruhang yun sure akong nandun lang yun sa lugar na yun.

*** 

Nakakapagod talaga maglakad sa school nato. Ang laki laki masyado! Buti ba sana kung isang pitik lang eh tadaaa!! ayun nandun nako sa gusto kong puntahan. Kaya lang hindi e! "3"

"Unniiiiieeeee!"

"Woah, woah, woah, easy lang wag mo naman akong dambahin. Baka hindi kita kayanin at matumba tayo!" sabi ko paano ba naman kasi bigla na lang syang yumakap ng patalon sakin nung makita niya ko

"I miss you unnie." sabi niya

"Same here Yuuki." siya nga pala si Yuuki Mizuki ang pinakaisip bata dito sa school student council members isang half japanese at half korean pero laking pinas. Actually may kakambal siya ang cute cute nga rin nun eh.. kaya lang tahimik yun hindi gaya nitong babae nato na bang daldal...

"Yuuki, nasan yung iba?" tanong ko nasa may pinto pa lang kasi ako at hindi pa nakakapasok pano ba naman pagkabukas ko ng pinto ay siya agad ang bumungad sakin

"Nasa loob silang lahat unnie." sagot niya

"E ikaw saan ka pupunta?" ako

"Magbabanyo lang unnie, sige po pasok ka na." at umalis na nga siya kaya pumasok nako

Sa SSC Room nga pala ko pumunta nandito kasi ang bestfriend ko. Miss ko na kasi yun masyado kasing busy kaya bibihira ko na lang makita ang maganda niyang mukha ^_~

"Oh, Aeczelle" sabi ng isang cute na nilalang ng mapansin niya ko

"Musta?" tanong ko sa kanya

"Eto, ang daming inaasikaso." sagot niya

Siya yung tinutukoy kong kambal ni Yuuki si Yuwaie Mizuki silang dalawa ang fraternal twins ng council. Si Yuuki ang secretary ng SSC at siya naman ang auditor.

"Hello there gorgeous!" kahit kelan talaga ang kapal ng mukha ng lalaking ito may pakindat kindat pang nalalaman. At talagang umakbay pa ha!

"Baliw! Bitaw nga!" sabay alis nung braso niyang nakaakbay sakin

"Mukha ba kong baliw sa itsura kong 'to?" wow nagpogi sign pa talaga

"Hoy, Mr. Kahn tigilan mo ko ha hindi uubra sakin yang pagkaplayboy mo!" playboy na nga mayabang pa

"Ang suplada mo talaga." mabuti naman at naupo na siya

"Oh, Aeczelle kamusta?" omg ang gwapo talagaaaa.. *q*

"Ayos lang vice." tapos nginitian ko ang always handsome na vice president ng council nagsmile back naman siya wiieee ang gwapo! /*o*\

"O bruha anong ginagawa mo dito?" ang sungit ah

"Wowww! Ang ganda naman ng bungad mo." *pout* bestfriend ko nga pala ang pinunta ko dito bihira ko lang kasi to makita e

"Tsk! Ano nga?" ang sungit naman ng bestfriend ko >3< pero kahit ganyan yan mabait pa rin siya sakin at love na love niya ko! Para ko na nga siyang ate eh...

"Wala kong magawa e kaya naisip kong puntahan ka na lang tsaka para na rin makita ka namiss kasi kita." tapos hinug ko na rin siya

"Bruha nasasakal ako!" sobrang higpit pala ng yakap ko sa kanya hihihi...

"Ay! Sorry girl" sabay peace sign ^_^v

Nagpoker face lang siya? Hayaan na nga!

"So anong pwede kong gawin?" tanong ko kay Reina ang bestfriend ko at ang president ng School Student Council

Tutulong na lang muna ako para naman may magawa sigurado kasi akong marami silang kailangan gawin lalo na at parating na ang School Festival. Next week na kasi yun eh Thursday na ngayon kaya busy talaga..

"Pumunta kang Computer Room tapos ipaphotocopy mo 'to." sabi niya

"Okay!" kinuha ko na yung inabot niyang papel na ipapaphotocopy ko

Pupunta muna kong computer room nandun kasi yung xerox machine kaya kailangan ko na naman maglakad sa napakahabang hallway ng school nato -_-

Hindi naman masyadong malayo yung lalakarin ko kasi nasa second floor lang naman ang room ng SSC at sa katabing building lang sa first floor yung Computer Room.

Habang naglalakad pababa ng hagdan ay may narinig akong mahinang ingay mukhang may mga nagbubulungan. Ano kaya yun?

Matingnan nga!

Lumapit ako dun sa mga babaeng nakadungaw sa may pinto ng isang silid. Dito pala nanggagaling yung ingay.

'Faculty'

Basa ko sa nakapaskil sa may itaas ng pinto. Anong tinitingnan nila sa faculty? Yung mga teachers? Eh? Hindi ba sila nagsasawa sa mga pagmumukha nun? Araw-araw naman nila nakikita ang mga teachers lalo na kapag class hours ah...

Ano ba kasing meron sa loob ng faculty? Tsaka ano bang problema ng mga babae't binabae nato? Bubulong bulong tapos biglang titili. Para silang mga bubuyog!

"Aahhh!!!" impit na tili nung isang babae

"Ang gwapo niya talaga kahit nakatalikod!"

"He's so hot!"

"Ang yummy niya girl!" with matching patalon talon pa ng konti

Dahil sa curiosity ay nakisiksik na lang ako dun sa mga babaeng nagkukumpulan at nagbubulungan sa may tapat ng faculty. At success naman dahil nakasingit ako ^_^ yey!

Nakikita ko na ngayon ang ilan sa mga teachers ng school namin na kanya kanya ng ginagawa at mula dito sa pwesto namin ay makikita ang isang estudyanteng lalaki na nakatalikod at kinakausap yung teacher. Ayun siguro yung pinagkakaguluhan nila. Wala namang kakaiba eh... -_-

Ang weird talaga minsan ng mga estudyante dito. Lalo na itong babaeng nasa tabi ko. Kinukunan niya ng picture yung lalaki kahit na nakatalikod. Edi puro likod lang yung makikita sa camera. -,-

Makaalis na nga naiipit nako dito sa pwesto ko. Ito kasing mga babaeng haliparot nato kung makasiksik parang wala silang taong naiipit =_= bago ako makalayo ay narinig ko pa yung sinabi ng dalawang babae...

"Ayan na girl tumayo na siya! For sure palabas na rin siya."

"Oo nga, mapipicturan ko na rin ng maayos si Zchymon."

So, Zchymon pala yung pangalan nung pinagkakaguluhan nila dun. Lumingon ulit ako dun sa mga babae at nakita kong bumukas ang pinto ng faculty at lumabas ang isang lalaki na mukhang badmood. Tama nga sila at gwapo talaga yung lalaki.

May inutos pala sakin. Gawin ko na nga! Baka sabihin na naman ni best naglalakwatsa ko kaya ang tagal tagal ko :3

Iniwan ko na yung mga bubuyog dun baka kasi marindi pa ako sa ingay nila. Eh paulit ulit lang naman sila ng sinasabi.

Basta ako, gogora na at magpapaphotocopy...

RahasiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon