Chapter 15

83 5 0
                                    

Aeczelle's POV

From JapaYuuki:

'Unniiieeee!!! Where art though?'

Kelan pa naging 'Where art though' ang Where are you? Jeje talaga 'to magtext..

From Gregoryong Can:

'Aeczelle... bakit mo naman ako iniwan? T3T'

Si Gregory yan pinangalanan ko lang na Gregoryong Can. Trip ko eh...

From Mrincess:

'Zelle! Dito kaming lahat sa resto punta ka na lang if you want :)'

Huwag na.. kumain nako. Isa pa maiingayan lang ako sa dalawang aso't pusa na nagtatalo na naman siguro ngayon.

Hindi ko na binasa yung iba pa nilang text paulit-ulit lang naman eh. Bahala sila dyan basta ako uubusin ko muna 'tong vanilla flavored ice cream ko. Ang sarap kaya! ^_^

"WOOOWWWW...!!!"

Ang goondaaa..! [=*o*=]

Mas maliwanag na ang buong ground ngayon! Nakabukas na kasi ang mga makukulay na ilaw sa buong paligid pati na rin sa lapag may mga red petsls at nakasinding kandila sa tabi-tabi..

"Aaaaaahhhh!!!!!" biglang napuno ng sigawan ang paligid dahil ang kaninang maliwanag ay bigla na lang nagdilim (?,?) pati tuloy ako wala ng makita :3 ano kayang nangyayari?

And minutes later...

Woah! Another 'WOW!'

Change outfit talaga?! O.o

Nahiya naman ang suot kong t-shirt at pantalon! Oo nga pala hindi ko pa nasasabi, kapag night dance na ay approve ng magsuot ng kahit anong formal dress ang mga tao kaya ayan as in wow lang... hindi ko ine-excpect 'to.

Dahil ngayon ay masasabi kong naggagandahan ang bawat isa dahil sa napakagandang ayos nila. Mas lalo pa itong gumanda dahil sa tuwing matatapatan ng ilaw ang bawat isa ay kumikinang sa ganda ang kanilang mga kasuotan.

Nasa school ground pa ba ko?

Ngayon naman ay nangibabaw ang pagtataka at paghanga ng mga tao sa nakikita. Kung kanina ay napasigaw sila sa takot dahil sa biglaang pagdilim ngayon naman ay nagsisisigaw sila dahil sa tuwa.

Makalipas ang ilang minuto ay lumiwanag ang bandang gilid na bahagi ng ground at mula dito ay unti-unting umaangat ang isang entablado na hindi rin maikakaila ang ganda ng pagkakadesenyo. Pati ako ay namamangha sa aking nakikita >_<

Maya-maya pa ay may lumitaw na isang babaeng nakasuot ng kumikinang na puting damit at black mask. Sa tabi naman nito ay isang lalaking nakasuot ng black suit at silver mask.

The last time I check, isang night dance lang ang magaganap ngayon pero sa nakikita ko ay dinaig pa namin ang pagdiriwang sa isang palasyo na ang tema ay isang masquerade ball..! Nasa fairy tale na ba ko? (?,? )

"What a wonderful evening.." agaw pansin ng babaeng nasa ibabaw ngayon ng entablado

Napalingon naman ang lahat at puro mga mukhang nagtatanong ang makikita sa mukha ng bawat isa. Ngunit kung titingnang maigi ay mas nangingibabaw ang paghanga sa kanilang mga mata. Ang iba naman ay nagtatanong pa rin ang mukha kung sino nga ba ang babaeng nasa kanilang harapan. Maski naman ako ay ganun din...

RahasiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon