Chapter 12

94 6 0
                                    

Siera's POV

It's the last day of School Festival kaya naman sinusulit na ng mga students from other school ang pagpunta.

Once a year lang kasi 'to mangyari and isa pa maraming students ang gustong makapunta sa school namin. Isa kasi sa mga naggagandahang school ang Rahasia kaya naman marami ring nangangarap makapag-aral dito.

Kaya we decided na every year gagawin naming open ang school for other students from public and private schools. And eto na nga last day na ngayon so magkakaroon ng fireworks mamaya and then night dance na rin :)

Ginagawa namin yung night dance kapag last day night na ng school festival. Request kasi yun ng ibang students kaya every year merong ganito.

"Hey! Naayos niyo na ba?" tanong ko sa mga 'to na prenteng prente sa pagkakaupo

"Yes!" sagot ni Jahyu

"Eh yung para sa fireworks okay na rin ba?" tanong ko

"Yup! And for the lights, okay na rin." sabi naman ni Ran

"So wala na tayong problema?" tanong ko pa

"Hmm... wala na." sagot ni Kelhy

"Mabuti naman :)" sabi ko habang may hinahanap hindi kasi sila kumpleto eh

"Nasan yung tatlo?" tanong ko ng mapansin kong wala na naman yung tatlong yun

"Ewan ko" sagot ni Ran na busy sa pagbabasa ng hawak niyang libro

"May gagawin lang daw si Abrielaila tapos may aayusin naman daw si Danczel." sabi ng nanonood na si Kelhy

"And for the guy who's name is Tearychase Faultzzzzz ay nasa tabi tabi lang dahil nagpapalipas galit." sabi ng ngumunguyang Jayhu

"Galit? Bakit na naman?" tanong ko sa matakaw na lalaking 'to at nakiagaw na rin ng kinakain niya

"Nung first day ng school festival sinuntok niya ang gwapo kong mukha kasi nakulong siya sa jail booth kasama yung nagngangalang Bernadette na yun na baliw na baliw sa kanya :3" nakasimangot niyang sabi habang hinihimas yung part ng mukha niya na nasuntok

Kawawang nilalang *iling* *iling* may pasa pa sa mukha at may cut ang labi. Poor him...

Nandito nga pala ko sa Lacigam Dinalsi SSC room. At itong mga kasama ko ay ang LD SSC members. Yung pinag-uusapan namin is yung para mamaya you know preperations...

And because were one of the student council members ay required kaming tumulong sa pag-aasikaso ng mga activities sa school.

Madali lang naman yung ipinapagawa sa aming mga council kaya nga sa sobrang dali eh halos laging wala yung tatlong importanteng member namin dito =_=

Si Danczel Ford, 19, third year college and the LD SSC President. Mabait, may pagkachildish minsan and ayaw niyang ginugulo siya tsaka he hates responsibilities pero responsible pa rin naman kaya lang it depends on the mood.

Laging busy kapag may magaganap na events kaya laging naka stay sa council room para i-check ang mga requests or other info na kakailanganin. Pero kapag mismong araw na ng event ay laging nawawala. Hindi na malaman kung saang lupalalop ba nagpunta.

Si Tearychase Faultz, 19, third year college and the LD SSC Vice President. Masungit, snobero, ayaw niya sa maingay at higad tulad ni Bernadette, he also hates responsibilities pero maaasahan pa rin lalo na kapag emergency.

Nga pala, malihim din ang isang ito at ang hirap pakisamahan dahil sa ugali nyang hindi maintindihan.

Si Abrielaila Faultz, 17, first year college and the LD SSC Secretary. The cousin of Tearychase, may pagkawierd minsan and masyadong business minded. Mabait naman siya kaya lang ang hirap niya basahin lalo na't hindi siya palapakwento.

RahasiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon