Chapter 8

106 8 0
                                    

Alpha's POV

Gabi na at hanggang ngayon ay wala pa rin ang iba samin. Nakalabas na ako dun sa haunted house at ang kasama ko pa lang ay sina Reina at Yuwaie. Nagkahiwa-hiwalay kasi kami nung nagtakbuhan kami sa kung saan saan kanina.

"Ano na kayang nangyayari sa mga yun?" tanong ko

"Ewan" sagot ni Yuwaie at nagshrug lang

"Hintayin na lang natin." buti pa si Reina medyo mahaba magsalita hindi tulad nitong isa na nagtitipid ata ng laway -_-

Hanggang kelan pa ba tatagal yung mga yun sa loob? Nagugutom nako eh.. quarter to seven na rin kasi.

"Ayan na pala sina Christoff at Darrylle oh!" buti naman at dumating natong dalawa

"Nasan yung iba?" tanong ko agad

"Ewan, siya lang kasi yung kasama ko nung nagkahiwa-hiwalay tayo." sagot ni Christoff

"Ahhh... antayin na lang muna natin yung iba " antay portion lang po kami ngayon

"Aaaahhhhh!!!!!" hala! nyare sa mga 'to?

"May nafghhkkhfa adyudyutruhjoiiwofffff dun!" ano daw?

"Sandali! Wala kaming maintindihan." yung binanggit lang niya na 'May' at 'dun' ang naintindihan ko

"K-kasi ganito, may n-nakita kaming mga a-ap-poy na lumulutang kanina d-dun sa loob! Tapos hi-hinabol kami!" -Yuuki

"Ha?" -Reina

"Ang sabi ko ay hinabol kami kanina ng mga apoy na lumulutang sa ere sa loob ng haunted house na yan!" ulit pa ni Yuuki sabay turo sa haunted house na pinasukan namin kanina

"Joke yun?" parang napakaimposible naman nun

"Hindi yun joke! Itanong mo pa kay Gregory at Mrincess!" -Yuuki

"Totoo yun Alpha nakita mismo ng dalawa kong mga mata." -Mrincess

"Kung ganon mas nakakakilabot pala yung nakita niyo kesa samin." -Darrylle

"Bakit may nakita rin ba kayong kakaiba dun sa loob?"

"Oo, may nakacostume dun na nagsasalita at lumulutang rin tapos hinabol din kami." -Christoff

Hindi ko alam kung anong dapat ireact. Hindi kasi kapani-paniwala ang mga pinagsasabi ng mga 'to. Mga apoy na lumilipad at costume na lumulutang at nanghahabol...?

"Guys, gutom na rin ba kayo? Kasi ako kanina pa." sabi ko

Aba nagpoker face lang sila? =_=

"Nakita niyo ba si Aeczelle?" tanong ni Reina

"Bakit wala pa ba siya? Hindi kasi namin siya nakita eh." -Mrincess

"Nasan na kaya yung bruhang yun." -Reina

"Maya maya lang andyan na rin yun. Konting hintay pa." -Darrylle

And again antay portion na naman po kami. Huhuhu nagugutom nako T.T Aeczelle nasan kana? Bilisan mo ng makakain nako...

*** 

Aeczelle's POV

L.D. students 

Sabi ko sa isip ko ng makita sila dito sa lugar na kinabagsakan ko. Kung nagtataka kayo kung paano ko nalaman na Lacigam Dnalsi students sila ay dahil yun sa suot nilang uniform. Kahit na school festival ngayon ay recquired pa rin na isuot namin ang school uniform para daw madali kaming marecognized except na lang kung kailangan mo talagang magchange outfit.

RahasiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon