Chapter 5

162 8 0
                                    

Aeczelle's POV

"Goodmorning everyone! Thank you for coming and welcome to Rahasia School Festival! Have fun..!" announced ng isang tinig na nagmumula sa speaker na nakakabit sa kung saan-saan

Monday na ngayon at School Festival na. Ang daming tao dahil sa open ang school namin ngayon para sa ibang studyante na galing pa sa iba't-ibang schools. Sari saring ingay ang maririnig mo sa paligid dahil sa mga inihanda ng paaralan.

Sa isang napakalaking ground ginaganap ang school festival dito every year. Ang school kasi namin ay sobrang laki at nahahati sa iba't ibang bahagi. Pagpumasok ka kasi sa napakalaking gate ng school ay maglalakad ka pa ng napakahaba na ang matatanaw mo lang ay ang mga puno at halaman. Pagdating sa dulo ay may makikita kang tatlong magkakahiwa-hiwalay na gate, ulit.

Yung gate sa kaliwa ay papasok sa High School Department na tinatawag na Rahasia Academy. May tatlong naglalakihang building dun at isang napakalawak na field kung saan ginaganap ang iba't-ibang pagdiriwang.

Sa kanan naman ay ang College Department kung saan ako nag-aaral, ang Rahasia University. Triple ang laki nito kesa sa High School Department dahil nahahati ito sa dalawa. Pagpasok mo ay may makikita kang limang naglalakihang building na ginagamit ng mga estudyante sa klase at may isa pang building kung saan nakabase ang library at canteen. May malaking ground din for sports and other events.

Sa kanang dulong gilid ng Rahasia University ay may isa pang gate. Isa ring College Department pero hindi siya part ng Rahasia University. Ewan ko ba kung bakit kailangan pa nilang ibukod yung mga students dun. Ang weird nga eh... Lacigam Dnalsi, yan ang tawag dun sa lugar na yun.

At yung gate na nasa gitna ay ang place kung saan ginaganap ang mga malakihang events, ang Rahasia Ground. Mayroon lang dalawang building dun na ginagamit lang for organizations and events. At dito ngayon ginaganap ang school festival.

Nag-iikot lang ako ngayon dito hindi ko kasi kasama ngayon si best dahil busy na naman siya kasama ang iba pang council members. Kailangan kasing nasa ayos ang lahat para walang mangyaring hindi maganda.

Ang daming mga naggagandahang mga booths sa paligid. Halatang pinaghandaan talaga. May mga nagtitinda ng pagkain kung saan saan pero mas marami kang makikitang inihandang games and surprises para sa mga dumalo. Habang naglilibot ay napadaan ako sa marriage booth at nakita ko ang isang napakagandang babae na pinag-aagawan ng mga lalaki. Sa pagkakaalam ko siya si Mairah Siera Heathrea ang nag-iisang anak ni Mr. Heathrea ang may-ari ng school na ito.

Doon siya nag-aaral sa Lacigam Dnalsi kung saan mga naggagandahan at naggagwapuhan ang mga estudyante. Ewan ko ba kung bakit wala kang makikitang pangit na nag-aaral dun. Sa pagkakaalam ko pa ay pili lang ang mga taong nakakapasok sa Lacigam Dnalsi bukod sa mga estudyante at teachers dun kaya nga may gate yung place na yun para walang makapasok agad agad.

Talagang pinagkakaguluhan ang babaeng ito ang dami ngang nakapilang lalaki para lang pakasalan siya kahit na fake lang. For sure malaki ang kikikitain ng marriage booth na ito.

Naglakadlakad pa ako ulit hanggang sa may narinig akong kumakanta. Ang ganda ng boses niya nakakarelax sa pakiramdam. Lumapit ako dun sa lugar na pinanggagalingan ng boses at napadpad ako sa voice booth. Ang booth na ito ay ang lugar kung saan pwede mong i-voice out yung mga nararamdaman mo at mga bagay na gusto mong sabihin. Pwedeng pakanta, patula or kahit speech style pa.

Nakikita ko na ngayon ang isang lalaki na kumakanta sa harap ng maraming tao. At sa tapat niya mismo ay ang isang babae na mukhang nahihiya pa dahil sa atensyong natatanggap pero nakangiti naman siya. Natapos sa pagkanta yung lalaki at may iniabot sa kanyang boquet of roses na ibinigay naman niya sa babae. Matapos ay nagsalita siya ng mga romantic words na hindi ko na pinakinggan pa...

RahasiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon