Chapter 4

181 10 0
                                    

Aeczelle's POV

Humihikab akong bumaba ng hagdanan namin sa bahay. Friday kasi ngayon kaya wala akong pasok. Every Monday to Thursday lang kasi ang pasok ko hindi katulad ni best na laging pumapasok dahil sa council.

*hikab* *hikab*

Dumiretso na akong kusina nagugutom nako. For sure may pagkain na maaga kasing gumigising si mama para ipagluto kami ng umagahan. Si papa at yung dalawang kuya ko kasi laging maaga yung pasok.

"Goodmorning mama!" bati ko kay mama ng makita ko siya sa loob ng kusina

"Goodmorning din anak kain kana :)" nakangiting sabi ni mama sakin

"Teka..." paupo na sana ko ng mapansin ko ang isang lalaki na nagkakape kung kaya't napalingon ako sa kanya

"Kuya..? Ba't nandito ka pa? Diba may trabaho ka? Late ka na oh! Alas otso na!" wow... parang tinataboy ko lang kuya ko noh? Hindi naman sa ganun sinasabi ko lang na late na siya sa trabaho niya

"Goodmorning din bunso." bati niya pagkatapos ibaba yung iniinuman niyang tasa ng kape

"Ay! Goodmorning din kuya." nakalimutan ko siyang batiin! Nauna pa yung litanya ko he-he tinawanan tuloy ako ni mama >3<

"Paalis na rin ako bunso, tsaka hindi pa ako late kasi makikipag meeting lang naman ako ngayong araw at mamaya pa naman yun." paliwanag ni kuya

"Ahhh... kaya pala."

"Uhm, tapos nako. Ma, bunso una nako sa inyo." tapos pareho niya kaming kiniss ni mama sa pisngi at umalis

Siya si Stephen Sky Zaj ang kuya ko at ang panganay saming tatlong magkakapatid. Nagtatrabaho na siya ngayon sa isa sa mga kumpanya namin pareho silang dalawa nung isa ko pang kuya na si Cloud Stepan Zaj.

"Anak, pupunta na rin akong shop natin gusto mo bang sumama?" tanong ni mama sakin

"Sige po ma! Susunod na lang po ako sayo dun mamaya." sabi ko

"O sige anak, mag-iingat ka sa byahe hah."

"Sige ma, ingat." at umalis na nga si mama ngayon ko lang napansing nakabihis na rin pala siya

May shop nga pala kami. Pinangalan sakin ni mama yung shop na yun kaya ang pangalan ng shop namin ay 'Aaz Sweets' (pronounced as eyz). Ang buong pangalan ko kasi ay Ayumi Aeczelle Zaj, dun nakuha yung Aaz sa initials ko.

Puro matatamis yung mabibili mo dun gaya ng cakes, ice cream, chocolates and candy's may mga drinks na rin. Mahilig kasi ako sa mga matatamis kaya yun yung pinatayong business nila papa at mama.

Si mama nga pala yung naghahandle nun dapat nga ako kaya lang ayoko baka malugi pa, biro lang... xd Sa totoo lang ayoko pa talaga siguro pagfeel ko na siyang ihandle :) Ang hirap kasi kapag may mga responsibilities kaya nga hindi ako sumali sa kahit na anong activities or organization sa school eh..

Pagkatapos kong kumain at manood ng tv ay nagbabad nako sa banyo. Pagkatapos maligo ay nag-ayos ako ng sarili at pumunta na sa shop. Inabot nako ng tanghali kaya pala ang sakit na sa balat ng sikat ng araw.

Nang makarating ay bumungad agad sakin ang mga iilan ilang customers na prenteng nakaupo at kumakain. Tumuloy ako papuntang kitchen at natanaw ang mama ko na tumutulong sa pagbake ng cake and cookies. Hmmm... ang bango bango bigla tuloy akong nagutom. Hindi pa naman ako naglu-lunch eh.. kakain muna ko! ^,^

"Goodmorning everyone!" malakas kong bati sa kanila nakatalikod kasi silang lahat mula sa may pintuan kaya hindi nila ko kita.

"Aeczelle!"

RahasiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon