Chapter 13

107 6 0
                                    

Aeczelle's POV

"Goodmorning universe! ^_^" bati ko pagkapasok ko sa kusina namin

"Ay goodmorning! Naku Aeczelle huwag ka namang manggulat baka atakihin ako niyan eh tsaka isa pa tanghali na." mahabang sabi ng nagulat kong si Ate Triel

Hihihihi... ^_^ muntik na kasi niyang mabitawan yung baso...

"Ay! Sorry naman po! Hindi sinasadya ^_^v goodafternoon na din..!" sabi ko habang nagpipigil ng tawa

"Ikaw talaga, maupo ka na at kumain pupunta ka pang school diba?" tanong niya habang naghahain

"Yup! Pero mamayang hapon pa ko pupunta kasi boring na tsaka sa gabi pa yung fireworks at night dance isa pa nakakapagod din." sabi ko habang naglalagay ng pagkain sa plato ko

"Ang dami mo pang sinabi, eh ang totoo niyan tinatamad ka na naman kaya mamaya ka pa pupunta." hala! O_o bakit alam niya?!

"Ate Triel hindi ah! Sadyang nalibot ko na talaga yung buong ground kaya wala na kong gagawin.." syempre palusot lang yan noh totoo naman yung sinabi niya eh tinatamad lang talaga ko

"Bahala ka basta ang alam ko inatake ka na naman ng katamaran mo kaya ganun." wala talaga kong lusot :3

"Sige na nga aamin nako :3 lagi mo naman akong nabubuking eh.." nakanguso kong sabi

"Hahah!! Paanong hindi eh halos kabisado na kita." well tama talaga siya simula ba naman pagkabata ko kasama ko na siya kaya ayan kabisado na niya ako

Siya si ate Triel isa sa kasambahay namin. Ubod ng ganda kasi parang manika tapos mabait at maaasahan pa! Para na rin kaming magkapatid, ako yung little sis niya then siya yung ate ko kasi matanda siya sakin ng two years.

Almost sixteen years na siya dito samin kaya dito na siya pina-stay nila mama. And syempre request ko na rin kasi lagi niya kong tinutulungan kapag kailangan ko ng tulong :)

"Sabayan mo na nga lang ako kumain nagmumukha akong loner eh =3" -ako

"Ow-kay sabi mo eh! Eto pala oh binake ni tita bago siya umalis." sabay punta niya sa ref at nilabas ang isang black forest flavored cake

"Wowww! Hatiin mo dali! Kainin natin..!" kumuha naman siya ng kutsilyo para hatiin tapos platito't tinidor

"Oh 'yan na! Sabi rin pala ni tita huwag mo ubusin lahat at baka magkadiabetis ka na raw sa kakakain ng matamis. Ang takaw mo pa naman!" -ate Triel

"Pag favorite ko lang naman ah.." -ako

"Basta yun ang sabi ni tita tapos uminom ka ng maraming tubig then magsipilyo." -siya

"Ang dami namang paalala. Ano pa bang sinabi sayo ni mudra?" tanong ko

"Yun lang naman yung sinabi sakin ni tita so, wala na." tita nga pala ang tawag niya kay mama pamilya na rin kasi ang turing namin sa kanya

"Owsss..???" paninigurado ko pa

"Oo nga, yun lang talaga." buti naman akala ko kung ano na naman ang ibinilin ni mama e

Bukod kasi sakin ay may pagkaloko din ang pamilya ko kaya kung minsan ay hindi na nakapagtatakang weird ang naiisip nila lalo na kapag may mga celebrations paniguradong may pinaplano silang masama kapag ganun.

Pero hindi sila baliw kasi nanggaya lang sila. Actually ako ang may pasimuno ng lahat. Ako kasi ang nagsimula kaya nagulat na lang ako one time ginaya na nila. Hindi ko talaga makakalimutan yun.

RahasiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon