Chapter 7

116 8 0
                                    

Aeczelle's POV

"Aaaaahhhhh!!!" sigaw ng isang babae na hindi ko kilala

"Waaahhhh!!! Layuan mo ko! Huwag mo kong hawakan!" rinig ko pang sigaw ng isang babae na hindi pamilyar sakin ang boses

"Huwag kang lalapit sakin!" sabi ng isang tinig ng lalaki

"Tuloooonnnggg!!!" nge?

"Ayokooo naaaa!!!" papasok pasok tapos aayaw? -_-

"Huhuhuhuhu..." hala! may umiyak na! O_o

Nakapasok na kami pero hindi pa mismo sa loob ng haunted house nasa may tapat pa rin kasi kaming lahat ng pinto hanggang ngayon at sari saring sigawan na ang mga narinig namin. Ang dilim dilim dito yung mga apoy lang na nasa paligid ang nagbibigay liwanag sa loob pero hindi pa rin sapat yun para makita mo agad lahat ng nasa paligid.

"Simulan na natin."

Naglakad na kami papunta sa isa pang pintuan na kabaong ang pagkakadesign. Pagpasok mo kasi dito ay may makikita kang pathway na papunta sa isa pang pintuan papasok sa mismong loob ng haunted house nato.

Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay sinalubong  agad kami ng isang babaeng duguan ang mukha at damit. Napasigaw naman kaming lahat sa gulat.

"Hindi ko ineexpect yun ah *sigh*" -Mrincess

"Buti na lang wala akong sakit sa puso kundi inatake nako." -Alpha

Nagpatuloy pa kami at kung ano anong nakakatakot na bagay ang nakita namin. May mga bungo sa sahig na bigla na lang lumalabas sa kung saan. May aswang na nakasabit, babaeng walang katawan at ulo lang ang meron. May mga nakakatakot na manikin din na bigla na lang lilitaw sa harap mo tapos may mangangalabit pa sayong nakasuot ng nakakatakot na costume. Tapos dinagdagan pa ng mga sound effects.

"Gregory wag mo nga kong hawakan! Ang lagkit ng kamay mo, yuck!" biglang reklamo ni Yuuki

"Hoy wag kang feelingera tsaka anong huwag kang hawakan? Eh ni hindi nga ko nakahawak sayo." sagot naman ni Gregory

"Eh kanino tong kamay na nakahawak sa braso ko aber? Ikaw kaya ang nasa tabi ko kaya sayo to." ganito kasi yung pwesto namin

Alpha-Yuwaie

Ako-Reina-Vice 

Christoff-Mrincess

Gregory-Yuuki

"Hindi nga sabi eh!" tanggi pa ni Gregory

"Tingnan mo pa! Kamay mo yan oh!" tapos itinuro niya yung braso niya na may nakahawak nga

"Hindi akin yan eto kamay ko oh!" itinaas naman ni Gregory ang dalawa nyang kamay

"Eh kanino to?!" biglang inangat ni Yuuki yung braso niya dahilan para mapasigaw si Gregory

"Aaaahhh!!!"

"May putol na kamay sa braso ko! Tanggalin niyo! Tanggalin niyo sakin yan!!" at winagayway niya ng winagayway yung braso niya. Akala ko ba hindi siya takot?

"Ayan, tanggal na wag ka ng over reacting dyan."

"Guys, umuulan ba?" biglang tanong ni Christoff

"Shunga! Dito sa loob? Uulan? Nababaliw kana Christoff." -Alpha

"Shunga talaga Alpha? Hindi ba pwedeng tanga lang?" -ako

"Ha-ha-ha nakakatawa... pero seryoso na guys, parang may basang tumutulo kasi sa ulo ko mula sa itaas." -Christoff

"Ah!" biglang sabi ni Reina

RahasiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon