Chapter 16

92 5 0
                                    

Aeczelle's POV

Kasabay ng pagkawala ng dalawang tao sa entablado ay siyang paglitaw naman ng mga musikero. Napuno ng nakaeengganyong tugtugin ang paligid hudyat ng pagsisimula na ng sayawan..

Hindi ko akalaing mala-fairy tale pala ang plano ng mga SSC ngayon. Nabigla ako, pero ang ganda ng tema tapos nakakamangha pa ang mga surprises at effects ^_^ galing! parang magic lang..!

Kitang-kita ko lahat ng nangyayari mula dito sa kinaroroonan ko. Nakaupo kasi ako sa ibabaw ng puno dito sa mapunong part ng school yung malapit sa entrance..? Pababa na sana ko ng may marinig akong mga yapak at boses ng isang babae...

Napabalik tuloy agad ako sa pwesto ko kanina. Baka kasi mahuli ako bawal pa naman 'tong ginagawa ko. Pagalitan pa ko kapag nakita ako ng guard.

"We made it! Did you see that? Ang gandaaa /*o*\ hihihi... we should do it next time!" rinig kong sabi ng isang tuwang-tuwang babae

Ano kaya yung tinutukoy niya? Chismosa lang ang peg? Ganon? xd

"Ang ganda talaga! The place, the lights, the expressions and the entire thing! It's really a perfect output! Diba?!" natatanaw ko na ngayon ang isang babaeng kumikinang ang balat

Astiiiggg (*,*)

Pagkaupo nila sa bench ay tinanggal  ng babaeng may kumikinang na balat ang suot-suot na maskara. Ang ganda men! Pero parang pamilyar yung mukha?

Ay teka, teka! Silang dalawa yung nakita ko sa stage kanina ah? Ang bilis naman yata nilang makarating dito? (¿•¿)

"Huy! Magsalita ka nga! Para tuloy akong baliw dito kinakausap yung sarili ko.." sabi nung magandang babae na kumikinang ang balat dun sa kasama nyang lalaki na hindi ko makita ang mukha dahil nakashades! Weirdo... gabi na nakashades pa?

Sumagot naman ito kaya lang hindi ko narinig. Ang hina naman ng boses! Ano yun bulong?

"Pwede ka kayang sumingit!" sabi ulit nung babae pero napataas lang ito ng kilay

"Tumahimik ka na lang baka may makarinig pa sayo dyan, mahirap na." oopppsss...!! Sorry nemen... (√_√)  hindi ko alam na bawal palang marinig ang pinag-uusapan niyo ^_^v

Bahala na.. hindi naman nila alam na nandito ako sa ibabaw ng puno at nakikinig sa pinag-uusapan nila e...

May sinabi pa ulit yung lalaki pero hindi ko ulit narinig. Sayang! Malay niyo secret yun diba? Diba???

Biglang tumayo si ateng maganda na kumikinang ang balat at naglakad. Ang akala ko kanina normal lang na makinang yung balat niya dahil sa ilaw sa stage pero hindi pala! Kasi, makinang na talaga ang balat niya!           

Naglakad pa ito ng naglakad hanggang sa huminto ito sa isang puno. Kinabahan ako bigla! Paano ba naman kasi huminto siya sa katabing puno kung nasaan ako. Baka makita nila ako kaya medyo inangat ko yung paa ko. White rubber shoes pa naman ang suot ko! O,O Favorite ko kasi ang white kakulay kasi siya ng ulap :)

"Anong ginagawa mo?" rinig kong tanong ng kasama niyang lalaki

Tama yan! Tanungin mo kung anong ginagawa niya at kung makatitig sa puno ay wagas! Kinakabatutan tuloy ako :3

"Hindi mo ba narinig yun?" tanong ni girl

Halaaa... hindi ako nag-ingay! Promise! Halos hindi na nga ako huminga sa takot na baka makita nila ko at isumbong. No way! Ayaw kong mapagalitan na naman noh =3

"Ang alin?" si guy

"Wala, guni-guni ko lang siguro..." sabi ni girl at naglakad na naman ulit papunta sa isa pang puno na may malaking bato sa kaliwang tabi

RahasiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon