5SOS POV
"Oh yelo mo." inabot ni Ash ang dalang yelo kay Luke Hemmings para itapat sa electric fan. Nasira kasi yung aircon, buong araw nakabukas. Nag-overheat. Agad namang binatukan ni Ashton si Michael.
"Aray ko naman bro! Para san yun?" pagtatakang tanong ni Mike.
"Tanga! Bobo! Inutil! Sa katabing bahay pala yung may yelo." sabi ni Ash na naiinis. "Ang linaw-linaw nung karatula sa labas nung kabilang bahay. Nakasulat dun: No solicitation allowed, No I.D. No Entry, No Parking, Ice Not 4 Sale. Hindi rin tumatanggap ng kalakal. Anong malabo dun Mike? San ba gawa yang utak mo? Sa yelo? Tunaw agad?"
"Sorry, naman. Tao lang. Dami pang sinabi pshh"
"Tao ka pala?" sabat ni Calum.
"Anong sabi nung girl na nakakakilala satin? Nakipag-areglo ka ba? Ginamit mo ang katawan mo? Nagpa-cute ka? Effective ba?" ang nakakairitang madaming tanong ni Michael na binatukan ulit ni Ashton.
"Bwahahahahahahahaha!" tawa ni Ash na parang evil witch sa Disney. "Dude, akala niya impersonators lang tayo. Pero kilala niya tayo at kala niya prank lang ang lahat. Directioner siya." pagpapaliwanag ni Ash at para bang nabunutan silang lahat ng tinik sa lalamunan. "Safe~"
"I found her twitter account. And she's not following us. Maybe that's why." sabi ni Luke.
"Whashhurrrneynm"
"Ashton, mag-tagalog ka na nga lang! Kaya di ka naiintindihan ng mga fans sa twitcam eh."
"Anong pangalan niya?"
"Precious?" nakangiting sagot ni Luke.
"Pizza? Name niya pizza?" tanong ni Mike. Natawa silang lahat kay Michael.
"Gutom ka na ata Michael kaya di na nagfu-function ng maayos yang utak mo. Kawawa ka naman." sabi ni Luke kay Michael.
"Shut up!"
Narrator: Kinabukasan....
Nagbalak pumunta ng mall si Luke at Calum. Kung bakit hindi kasama si Michael, yun ay dahil mas gusto pa niya maglaro ng PlayStation sa bahay buong araw. Si Ashton naman ay mas gustong matulog. Mga walang kwenta, isip ng dalawa.
"Luke, di ba sabi ko sayo magsapatos ka, baka masira na naman yang thongs mo." Hindi yung thongs na underwear ha, yung sandals.
"What do you want me to do? Go back?" sassy Luke answered. Tapos natalisod siya at nasira na naman ang tsinelas niya.
"Tigas kasi ng ulo! Buti nga sayo! Bahala ka dyan." At iniwan ni Calum si Luke mag-isa para gumala ng kanya. Naisip niya din na pag magkasama sila ay baka mas lalong may makakilala sa kanila. Mas safe kapag magkahiwalay sila. LDR.
Precious' POV
"She looks so perfect standing there~ In my American Apparel underwear~" pinapatugtog yung kanta ng 5SOS sa monitor ng Astroplus.
"Omfg! Luke!" napansin din ito ng katabi kong babae na tumitingin din ng CDs.
"Uwi na dito Calum!" tili din ng kasama niya. Taga-dito ba si Calum Hood? Ay whatever. I'm not interested. Kaya naman lumabas na din ako ng Astro.
Bakit ako nasa mall? Syempre para mag-shopping! Ang yaman yaman ko kaya! Kaya kong bilhin ang buong Forever 21! Iinom din ako ng Starbucks, magpo-post sa instagram at mag-shoshopping ulit. So white girl!
HUHUHUHUHU NAKAKAIYAK PAG NILOLOKO MO LANG ANG SARILI MO HUHUHUHUHUHUHU. Ang init kasi sa bahay, duh. Magpapalamig lang. Wala kaming Aircon eh! Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako RK? Maganda lang ako!
Nakaramdam pa ako ng gutom puta. Kumain pa naman ako ng madami sa bahay para hindi ako gagastos. Chineck ko ang wallet ko at hanggang Mcdo lang ang abot kaya ko. Poor na kung poor. Pero masarap naman ang fries sa Mcdo. Sana may happy meal sila!
Habang nakapila ako sa Mcdo ay may sobrang tangkad na lalaking pumila sa likod ko. Foreigner na naman ba to? Nilingon ko siya. Trip neto? Naka-shades sa loob ng mall? Taas ng araw sa loob ah!
"Miss may problema ba?" tanong niya sakin. Aba ang taray.
"Ahh sorry, akala ko kasi foreigner ka. Pinoy din pala." sagot ko. Kung foreigner ka kasi, ipapatapon na sana kita sa kabilang planeta!
"Excuse me? I'm not Filipino!" pagtanggi niya with Australian accent.
"Kuya, di ako papaloko sa accent mo."
"You---" sasagot pa sana siya. Pero nasa counter na ako. Save by the bell!
"Happy Meal po." sabi ko sa waitress.
"Buti nalang po umabot kayo, last stock na po eh." nakangiting sagot ng waitress. Yahoo!
"What do you mean last stock na?" iaabot ko na sana yung bayad ko tapos sumabat yung feeling foreigner na nasa likod ko. "Wala nang happy meal?"
"Wala na po sir. Last na tong kay mam." sagot ng waitress sa kanya. Wahahahaha the victory is mine!
"Miss, akin na lang yung Happy Meal please?" pagmamakaawa niya.
"Bakit ko naman ibibigay sayo? Friends ba tayo? Close ba tayo? Do you think I would give my Happy Meal to a mere stranger?" Oha! English yun!
"Ako nga pala si Cal----- Thomas, Ako si Thomas." nakikipag-shake hands siya.
"Parang Happy Meal lang! Childish mo ha." sabi ko sa kanya pero hindi ako nakipag-shake hands, baka kung anong germs pa ang masagap ko noh!
"Please? Kahit anong kapalit." sabi niya.
"Kahit front row tickets sa 1D Tour?" nag-puppy eyes ako kunwari.
"You really want a ticket?" tanong niya. Mukha siyang seryoso pero baka sa loob loob niya pinagtatawanan niya ang isang hamak na fangirl na tulad ko. Feeling ko kasi tingin ng mga normal na tao samin is freaks or weirdos. But in reality, we're the coolest people in the world! Right?
Saka Happy Meal kapalit ng front row tickets? Ano yan, ginto? Bagong scam ata yan, dalawa na ang nag-aalok sakin ng tickets hmmm.
"Sayo na yang Happy Meal mo! Uuwi nalang ako. Naalala ko na naman yung tickets. Idadagdag ko nalang sa ipon ko yung pera ko kesa sa Happy Meal! Argh!" nagwalk-out ako at natanga na lang siya dun.
Palabas na sana ako ng mall ng biglang may humila sakin.
"Hi Precious." natulala ako sa blue eyes ng lalaking kaharap ko ngayon. Actually, hindi kaharap, dahil nakatingala ako sa kanya. Ang tangkad tangkad niya eh!
"Ikaw na naman?"
***