5SOS POV
"MICHAAAAEEEL!" sigaw ni Luke.
"Wala siya, umalis." sabi ni Calum. "San nagpunta?" tanong naman ni Luke.
"Dun sa may computer shop sa kanto. Nag-overheat kasi yung CPU kakalaro niya, ayun ayaw na mag-open. Sira ulo talaga yun! Di tuloy ako makapag-tumblr. Hmph." inis na sagot ni Calum.
"Una, yung aircon, ngayon naman yung CPU. Ano ba yan lahat nalang nag-ooverheat! Buong bansa overheat na din!"
"Ako na lang ata ang hot na hindi nago-overheat. Hahaha." biro ni Calum. Pero feeling niya hindi siya nagbibiro. Luke and Ashton took it as a joke kaya naman di na sila nag-react. Sanay na sila, nakakasawa na din.
"Guys, hanapin ko si Mike. Kailangan natin magmeeting." dali-daling lumabas ng bahay si Luke para hanapin si Michale sa comp. shop.
"PUTANGINA MONG GAGO KA! MAMATAY KA NA! TANGINA MO! ISA KANG MALAKING SHIT! PUTANGINA MO!" sigaw ni Michael habang nagdo-dota.
"Michael, uwi na muna tayo. May mahalaga tayong pag-uusapan." kalabit ni Luke sa kanya pero parang walang naririnig si Michael. "MICHAEL!"
"PUCHA NAMAN LUKE, MALAKI PUSTA KO DITO."
"DOTA O AKO?" tanong ni Luke na dahilan ng pagtingin sa kanya ni Mike.
"Uhmmm.... dota? Sorry Luke mas mahal pa sa buhay mo ang pusta ko dito. Go away."
Pinanood nalang ni Luke si Michael habang nagdodota at inantay itong matapos.
"WAAAAAAAAAAAAAH! TANGINA TALO! MALAS KA TALAGA LUKE!"
"DI NA KO MALAS CLIFFORD! NABALIKTAD KO NA YUNG SUMPA! ISANG LIBO DIN ANG BINAYAD KO DUN!"
"UGH! UWI NALANG TAYO AT NANG MAKAPAGPALAMIG!"
"SIRA ULO WALANG AIRCON SA BAHAY! BILI KA NALANG ULIT NG YELO!"
"AYOKO NA BUMILI NG YELO! BAKA IBAON NA AKO SA LUPA NI PRECIOUS!"
Napatigil si Luke nang banggitin ni Michael ang pangalan ni Precious. May bigla siyang naalala. "Mike, una ka na sa bahay. Ako na bibili ng yelo."
Precious POV
Tralalalala. Nagkalat ang mga bagong hd pictures ng 1D. Save lang ng save! May isa akong hard drive na hinulugan ko sa classmate ko para mabili lang at maisave ang lahat ng hd files ng 1D. Gwapo talaga nila huhuhu di ko na kaya ito.
"PRECIOSA MAY KUMAKATOK!" ano ba namang klaseng buhay to oh.
"Precious!" sigaw ng lalaking australian ang accent mula sa labas. Luke. "WALA NALIGO TULOG UMALIS NAGPUNTANG OUTER SPACE!" sagot ko naman. Bakit ba andito na naman yung mokong na yun? Tsk, baka isipin ko nang may gusto siya sa akin eh. Hahaha haba ng hair Precious! Tumabi-tabi kayo baka matapakan, alagang conditioner yan.