VII. Magandang Pangitain

238 21 13
                                    

"Snow White gumising ka na." rinig kong mga bulong mula sa di kalayuan. Nasisilaw ako habang sinusbukan kong buksan ang mga mata ko.

"Teka. Nasaan ako?" di ko masyadong maaninag kung nasaan ako. "Teka? Sino kayo?!" may apat na dwendeng nakapalibot sa akin.

"Ako si Luke."

"Ako si Mike."

"Ako si Ash."

"Ako naman si Cal."

"KAMI ANG F4!" sabay-sabay nilang sigaw. "ESTE KAMI ANG FOUR DWARFS!"

"Di ba dapat seven?" pagtataka ko.

"Bagong version na ito Snow White, luma na yun." pagpapaliwanag ni Ash. "Kahit anong mangyari wag mong kakainin ang mansanas na ibibigay sayo ng witch okay?" Alam ko na to eh, hinding-hindi ako papaloko sa evil witch! Bagong version na to! Bwahahaha.

"Sige Snow White, alis muna kami para mangaso." paalam ng four dwarfs. Kala ko ba bagong version na? Dapat di nila ako iiwan! Eto na dadating na yung evil witch!

"TAO PO!"

"WALANG TAO! TULOG! NALIGO! UMALIS!" sigaw ko.

"Si Niall Horan to!" shet kaboses na kaboses niya! Niall my loves!

Pagbukas ko ng pinto....

"Bwahahahahahhahaha!" si Jenina ang evil witch? "Kainin mo to!" sinubo ng yung apple sa bunganga ko ng sapilitan. Wala man lang pakiusap? At ayun, namatay na ako. Pero alam kong dadating siya! Dadating ang prince charming ko! Walang iba kundi si Nia----

"Precious... gising na.." may kung anong umaalog sa balikat ko. "Pag di ka gumising, hahalikan kita." Ayokong gumising, baka hindi ako halikan ni Niall. "Gising na..." Halikan mo na ako Niall! We will live happily ever after sa palasyo ng Cucumberbanya.

"Precious... bangon na..." Teka ba't parang nag-iba ang boses ni Niall?

"NIA---- LUKE?!" Shutanginers gulat na gulat ako ng makita kong sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko (na malamang ay may muta pa sa mata at di pa nakakahilamos.) "Bakit ka nandito?! Saka anong oras na ba? Di pa ata sumisikat ang araw!"

"Mag-toothbrush ka nga muna." Bigla tuloy akong na-concious! Malamang bagong gising palang ako!

Habang nasa banyo ako ay pinapakiramdaman ko kung anong ginagawa niya sa kwarto ko. Naririnig ko ang footsteps niya so... tinitingnan niya ang mga gamit ko. What the freaking ef!

"Sailor Moon! Ang tagal mo dyan!" Puta. Yan na nga bang sinasabi ko eh.

"You really have an early death wish, do you?" inagaw ko sa kanya yung picture frame na naka-costume ako ng sailormoon nung bata ako. Umattend ako ng Halloween Party fyi! "Teka, bakit ka nga ulit nandito? At sinong nagpapasok sayo?"

5ever { 5SOS/1D Filipino Crackfic }Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon