Ang nakaraan...
Luke's POV
"Hi Precious." di ko akalain na makikita ko siya dito. "Ikaw na naman? Stalker ka ba? Pano mo nalaman pangalan ko?" parang di siya natutuwang makita ako. Gwapo naman ako di ba? Why?!
"Sa twitter." sagot ko. "Ang gwapo ko naman para maging stalker. Admirer, pwede pa."
"Admirer? No thanks. Sikat na kagad ako? Finallow lang ni Luke Hemmings?"
"Eh ako si Lu----"
"Sige na, ikaw na si Luke Hemmings baka umiyak ka pa eh. Gwapo ka naman, at cute at hot at sige, gwapo nalang ulit." Alam ko! "Pero sorry, si Niall lang ang nilalaman ng puso ko." pagda-drama niya. "Kaya wag mo na ako i-stalk please, wala kang mapapala."
"I'm telling the truth, I'm Luke Hemmings and I'm not a stalker. You know my band, 5SOS. But don't tell anyone." sabi ko sa kanya.
"Push mo yang accent mo! Kung Hollywood to, best actor ka na! Sige pakisabi kay Michael Clifford wala kaming yelo at kay Ashton Iriwin na wag siyang FC!" she patted my shoulders. "Hay nako, anong nangyayari sa mundo?" bulong niya bago siya umalis. Nagtaka din tuloy ako kung ako ba talaga si Lucas Robert Hemmings kasi ayaw niya maniwala! Mamaya tatawagan ko si Mama, kung siya ba talaga si Liz Hemmings.
"Ha? Teka? San nagpunta yun?" Napakamot na lang ako sa ulo ng biglang nawala si Precious sa paningin ko.
Habang naglalakad ako pauwi ay nakarinig ako ng sitsit. "Psst! Psst!"
"Ako po?" Tanong ko sa matandang babae na nakaupo sa may eskinita.
"Oo iho, ikaw nga. Halika dito."
"Ano po yun?"
"Di ba obvious? Manghuhula ako! Tsk, nag-costume na ako at lahat, bumili pa ko ng mamahaling bolang crystal di pa din ako mukhang manghuhula? Pano ako kikita neto?"
"Ah---"
"Ipakita mo ang palad mo sa akin." sinuri niyang mabuti ang mga palad ko. "Nasira ang tsinelas mo noh?" hula niya. Ewan ko kung hula ba yun dahil makikita namang sira talaga ang tsinelas ko. "Iniwan ka ng kasama mo." tumango ako. "At napagkamalan kang stalker kanina sa mall." Woah! Amazing!
"Okay, naniniwala na po akong manghuhula nga kayo."
"Pero hindi pa dito nagtatapos ang kalbaryo mo iho, mamalasin ka pa ngayong araw."
"Thanks." sarkastiko kong sagot. Di pa ba sapat yung mga nangyari kanina. Ang gwapo ko nga, malas naman. Wala din! Ano ba yan!
"At sa mga susunod na araw... at sa susunod na buwan... at sa susunod na---"