5SOS POV
"Luke mate anong nangyari sayo?" alalang pagtatanong ni Michael.
"Naglakad akong pauwi tapos sira pa yung thongs ko, tapos nadapa ako at nasubsob sa putikan." inis na inis na sagot nito.
"Eh asan si Calum? Di ba magka-date kayo?"
"GAGO TALAGA YUN INIWAN AKO!" nag-aalburoto na si Luke.
"Oh ba't parang ang saya mo?" tanong ni Ashton kay Calum na halos kadadating lang din. Tinaas ni Calum yung Happy Meal niya. Kaya pala happy si Cal kasi may happy meal siya, isip ni Ash, feeling niya ang talino na niya nung naisip niya yun. "Ahhhh.... eh asan yung sa amin?"
"Nagpabili ba kayo? Nagbigay ba kayo ng pambili? Dude..."
"Kuripot mo talaga Cal! MAS MAKUNAT KA PA SA CHICHIRYANG NAIWANG BUKAS!"
"TANGINA MO CALUM THOMAS HOOD SAN KA NAGPUNTA?!"
"Bumili ng happy meal, obvious ba? Utak naman oh! Minsan kasi hindi masamang gumamit ng utak." sagot ni Calum kay Luke. "O, anong nangyari sayo? Saang kanal ka nag-swimming? Hahaha bagay sayo."
"Tara, ikaw isusubsob ko sa kanal." aya ni Luke.
Sa sobrang galit ni Luke ay pinost niya sa twitter ang picture ni Calum na kita ang pwet. Matagal na naka-save to sa phone niya at sa wakas magagamit na rin niya ito.
"Say hi to Calum's butt x (:"
Napakamalas talaga ng araw na to, isip ni Luke. Napagkamalan pa siyang stalker ni Precious! Si Lucas Robert Hemmings, stalker? Pang-headline yan!
"Hoy Michael, bumili ka nga ng uling! Mag-iihaw tayo ng ulam! Di natin bibigyan si Calum!" utos ni Ashton.
"Si Calum nalang ihawin niyo ng buhay!" suggestion ni Luke.
"Pinagkakaisahan niyo ko porke ako ang pinakagwapo at may pinakamahabang *beep* sa ating lahat. Nakaka-personal na." inarte ni Calum.
"Ay nag-joke! HAHAHA!" sabat ni Luke, at sabay na humagalpak ng tawa ang lahat.
Precious' POV
"MIDNIGHT MEMORIES, OH, OH, OH, OH~!
BABY YOU AND ME~!
STUMBLING IN THE STREET~!
SINGING! SINGING! SINGING! SINGING~!"
Nagja-jamming ako sa kwarto ko tapos biglang kumulog. Summer ngayon di ba? WTF!
"PRECIOSA MAGTIGIL KA NGA SA KAKAKANTA MO DYAN! DI AKO MAKAPAG-CONCENTRATE SA NILULUTO KO!"
"ANONG KONEK MOTHER DEAR?!"
"BASTA MANAHIMIK KA! MAHIYA KA SA MGA KAPITBAHAY! MAY NAGLALABA SA KABILA!" Nakakaapekto ang pagkanta ko sa paglalaba ng kapitbahay? Hiya naman ako.
"BESTFRIEND!" nahawa na ata tong best friend ko sa bunganga ng mudrabells ko. Nakapasok kagad sa kwarto ko ng walang katok katok? "Makasigaw ka naman! Kaharap mo lang ako please!" Etong babaeng to ang nangbubulabog ng mga kapibahay.
"TOTOO BA YUNG NAKITA KO SA TWITTER? MAY LUKE FOLLOW KA? OMG GIRL!"
Kung ako ay die-hard fan ng 1D, si Jenina naman ay sa 5SOS. Di ko nga alam kung pano ko to naging bestfriend. Baka kasi halos lahat ng bida sa kwento, required magkaroon ng BFF? Syempre ako ang bida sa love story namin ni Niall, dapat may witness pag nagkatuluyan kami. Diba, bongga.
"Paano? Gusto ko rin ng follow mula sa 5SOS! Lalo na kay---"
"Ashton your babe?" yun naman lagi eh. Kabisado ko na linya ng hinayupak na to. Halos ipagsigawan niya na sa mundo na sa kanya lang si Ashton, well, parang ako kay Niall. Mag-bestfriend nga kami. "Alam mo yan girl!" tapos niyakap niya ako.
"Andito nga sa bahay si Ashton kagabi eh." pagbibiro ko sa kanya. "Nako, di yan magandang biro Precious! Wag mong agawin sakin si Ash! Kung mangangarap ka nalang din lang, kay Niall mo nalang!" feeling naman nito! I'm not into drummers noh! "Tanong mo pa kay Mama." sagot ko sa kanya.
Sinamahan ko siya kay Mama sa kusina. Hahahaha. Andito naman talaga si Ashton kagabi, yung kamukha nga lang niya. "Nagpunta daw po dito si Ashton kagabi?" tanong niya kay Mama. "Sinong Ashton?" napaisip si Mama. "Ahh yung matangkad na foreigner na kulot ang buhok? Tapos may dimples?" di makapaniwala si Jenina sa narinig niya. Hahaha her reaction is so funny! I'm gonna tweet this later.
"Weh? Pero impo----"
Biglang may narinig kaming katok sa pinto.
"Preciosa paki nga. Nagluluto lang ako." tapos pumunta na kami ni sala ni Jenina.
Pagbukas ko ng pinto, siya na naman.
"Pabili pong uling!" nakangiti niyang sabi. "Wala kaming yelo o uling o ice candy o kahit ano pa man!" Bat nandito na naman tong epal na to? "Sa kabilang bahay meron, dito wala!"
"Ay oo nga pala...." napakamot siya sa ulo niyang pink. Sasaraduhan ko na sana yung pinto nang biglang sumigaw si Jenina at niyakap si Michael Clifford look-alike.
"MICHAEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEL!"
***