Chapter Sixteen

2.4K 52 13
                                    

Thomas' POV

I am here na sa hospital. I already texted Ate Aby to inform na andito si Ara at naconfine. I bet they'll be here any minute from now.

I stared at Ara while she's unconscious. Simula nung nagcollapse sya kanina sa parking lot, hindi parin sya nagigising. I wonder what happened to her. I feel so bad. I just hope na walang masamang nangyari. It's Ara Galang involved. Si Ara. Ang babaeng mahal ko. :(

"Ars, please wake up." I kissed her forehead. "I love you."

:)

Maya maya pa, dumating na sila Ate Aby, together with Ate Liss, Cyd, and the Bullies.

"Oh my gosh, Thom, what happened?" Ate Aby asked as she walked to Ara.

"I don't know, Ate Aby. Naglalakad kami sa parking lot papunta sa car ko nang magcollapse sya." malungkot ko namang sabi.

Ate Liss spoke up, "Parking lot? Saan ba kayo galing? Did you, guys, had a date sa mall?"

Tumingin sakin ng nakakaloko ang Bullies. What? Kaya pa nilang gumanyan despite sa situation ni Ara ngayon?

"Hindi po!" sagot ko naman. "We just... Uhh.. May pinuntahan po kaming friend."

"Nako, nagdate yan, Te Liss. Yihiee." asar naman ni Cienne.

Tumawa naman ang Bullies.

"Bullies. Please." saway sa kanila ni Ate Aby. "Not in a situation like this."

"Sorry po, Ate Aby." sabay sabay nilang sabi.

Maya maya pa, may kumatok at pumasok. Yung doktor pala.

Nagsalita naman sya, "Guardian po ni Ms. Galang?"

Lumapit naman si Ate Aby, " Team captain po ako ng team."

"Yes, I know you, Ms. Maraño. I'm a fan." he cleared his throat naman agad, "Anyway. Ok naman na si Ms. Galang. Pero kailangan pa namin sya iobserve."

"Ano pong nangyari, Dok?" -Cyd

"Well, stress ang nakikita kong dahilan dito. Kailangan nya lang naman magpahinga. And besides, nadetect namin na may UTI pala siya." sabi naman ng doktor. "Wala ba kayong napapansin sa kanya lately?"

"Uhmm.. Since ako po yung classmate nya, lagi po nyang dinadaing sakin na masakit ang ulo nya. Ilang araw na po." nagsalita naman si Kim.

"Okay. Magsasagawa pa kami ng ilan pang tests to know more. As of now, okay naman na sya. Pahinga lang muna and inom ng maraming tubig. I got to go na, magra-rounds pa ako sa ibang patients." paalam ng doktor.

"Sige po, thank you, dok." hinatid sya ni Ate Aby sa pinto.

"Kawawa naman si Arabella." -Cienne

Maya maya pa..

Nagising na si Ara. Napangiti ako. Thank you, Lord.

"Ars!"

"DaughterF!"

"Bully!"

"Arabella!"

"Daks!" bigla namang pumasok si Mika sa pinto. "OMG, what happened?"

Kinabahan naman ako. Sasabihin kaya ni Ara na sinundan namin sya? Nako, pag nalaman talaga to ni Jeron, I'm dead!

"Wala, Daks. Stressed lang," ngumiti naman sya.

Niyakap naman ni Mika si Ara. Napayuko ako. Medyo nakakaselos naman ng konti. After all, may KaRa loveteam diba?

One Last Time For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon