Chapter Thirty-Two

1.7K 63 18
                                    

Thomas' POV

"Eto na dali, say 'aah'" 

"Ayaw,"

"Ara. Sige na dali, kainin mo na 'to." Pinipilit paring umiling ni Ara sa ipinapakain ko sa kanya. Almost 1 hour ko na yata siyang pinipilit kainin 'tong kanin na may nilagang kangkong na ulam. Sabi kasi ng doktor, dapat puro green and leafy vegetables daw ang kinakain ni Ara para tumaas ang iron level sa katawan niya.

"Baby, please." Bumuntong-hininga ako kasi nagtatampo nanaman si Ara. Nakatalukbong siya ng kumot at nakatalikod sa akin. Sa loob ng 3 days na naka-confine siya dito, ganyan lagi ang routine namin. Pag pinipilit ko siya sa ayaw niya, nagtatampo siya sa'kin.

I can't blame her. Side-effect kasi ng Chemotherapy niya ang pagiging matampuhin, moody, depressed, you name it.

"Baby, sorry na," Lumipat ako sa kabilang side ng kama para harapin siya. "I'm sorry. Hindi ko na ipipilit."

 

Nakapikit siya. Hay. Ang hirap pa namang suyuin ni Ara sa ganito. Daig pa ang buntis.

"Baby..." Hinaplos ko ang buhok niya. Halos manlumo naman ako dahil sa simpleng ginawa ko ay nalagas nanaman ang mga buhok niya. 

Dumilat naman siya, umiiyak. Mas lalo akong nanlumo. Ara is hurting and I can't do anything about it.

"Stop saying sorry." Yun ang lumabas sa mga bibig niya. "Ang arte ko kasi. Minsan hindi ko na rin alam ang mga ginagawa ko. Ang moody ko, pati ako naiinis na rin sa sarili ko."

"Alam kong ayaw mo ng gulay but I keep on feeding you. I'm sorry." I said. 

Umayos naman siya at umupo. Inalalayan ko siya. "Okay lang. Alam ko namang ginagawa mo lang 'to for me. Akin na, kakainin ko na."

"Sure?"

"No choice, Thom." She forced a smile. "Wow, sarap."

I chuckled at her remark. Alam ko kasing pilit na pilit eh. "Eto pa," Isinubo ko sa kanya yung isang kutsarang kanin. "Sarap diba?"

Tumango siya, pilit na pilit, once again.

"Ara, I love you." I told her.

"Sorry, Thomas ha?" She said which made me raise my eyebrow.

"Bakit?"

"Sorry, alam mo, may training ka ngayon eh. Pero hindi ka umattend para alagaan ako. Ang pabigat ko, gosh." Nakikita ko namang naluluha na siya. Si Ara, she's always strong. Ayaw na ayaw nga niya ng kinaaawaan siya eh.

"I can endure everything, Ara. Alam mong mahal kita. Mahal kita kaya ko 'to ginagawa."

Ano ba yan, pakiramdam ko maiiyak na rin ako. Pero hindi pwede diba? Hindi ako iiyak sa harap niya. She's strong but I need to be stronger.

"Salamat, Thomas." She said at pinunasan ko ang luha niya gamit ang thumb ko. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan naman niya yun tsaka siya ngumiti.

One Last Time For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon