Chapter Twenty-Eight

1.8K 56 9
                                    

Thomas’ POV

Isang linggo. Isang linggo na ang nakalipas nang magpunta kami ni Ara sa park.

Isang linggo na rin siyang hindi nagpaparamdam sa akin. Yung mga texts ko, walang reply. Yung mga tawag ko, hindi niya sinasagot. Anong problema, Ara?

“Bro,” kinalabit ko si Jeron. Busy yata gumawa to ng research paper. “Alis lang ako,”

“Where are you going?”

“Sa dorm nila Ara. Baka bumalik na siya.”

Narinig ko namang nag-sigh si Jeron. Isang linggo na rin kasi akong pabalik balik sa dorm ng Lady Spikers, nagbabaka-sakali akong baka andun na si Ara. Gusto ko siyang kausapin.

Naglakad ako palabas. Medyo malapit lang naman dorm nila sa dorm namin eh.

I tried calling her again. As usual, walang sagot. Dinial ko ulit, puro operator lang ang sumasagot.

The number you dialled is unattended or out of coverage area. Please try your call later.

Nag-sigh ako. I stashed my phone inside my pocket at nagpatuloy ng paglalakad.

*knock knock*

Kumatok ako sa pinto nila  nang makarating ako. Walang ingay sa loob, tahimik. Hindi ako sanay. Bakit kaya?

*knock knock*

“U-uy, Thomas,” Si Kim ang nagbukas ng pinto. Halata mo naman yung gulat sa mukha niya.

“Kim, hello.” I smiled. “Si Ara?”

Tinanong ko na yung pakay ko, yun lang naman talaga eh.

“S-si Ara?” Inulit niya yung tinanong ko.

I nodded, “Yeah, is she here?”

“Wala,” Umiling sya. “Ano.. I mean, umalis. Nagpuntang… ano…”

“Kim?”

Nagclear naman siya ng throat, “Ano, di ko rin alam eh.”

Huh? Is it even possible na hindi nya alam?

“Kim naman… why are you hiding Ara from me? May nagawa ba ako?” I asked.

“Wala, Thomas. Isang linggo na ring hindi umuuwi si Ara dito. W-wala akong, I mean kami, wala kaming idea kung saan sya nagpunta.” She explained naman. Medyo nalungkot si Kim, as I can see.

Kung ganun, asan si Ara? Bakit sya umalis? Is she avoiding me? What happened to her?

“Ganun ba,” Dismayado kong sagot. “Text mo nalang ako pag dumating na sya ha.”

Tumango naman si Kim, “Sure,”

I left.

Nababahala ako. Nasaan kaya si Ara?

Naglalakad lang ako nang maisipan kong magpunta sa park na lagi naming pinupuntahan ni Ara. Baka sakali lang naman na andun sya.

Sigh

Wala siya. Ara, please naman, nag-aalala na ako. Sana manlang tinext niya ako diba?

I texted her again. Malay mo, sumagot siya.

 .

.

To: Ara <3

Baby, asan ka ba? Please, reply ka naman kahit tuldok lang para alam kong okay ka. :(

One Last Time For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon