Chapter Twenty-One

2.2K 63 20
                                    

Kim's POV

Medyo di na maganda ang nararamdaman ko kay Ara.

She immediately excused herself sa restroom. Without her knowledge, sinundan ko sya. She is surely not saying anything.

Inilapit ko ang tenga ko sa pinto. There. Nakarinig ako ng sumusuka. Why?! What's happening to Ara?

Di kaya buntis sya? Oh no! Si Ara, mabubuntis? Sino naman kayang nagkamali? HAHAHA.

Narinig ko ring bumukas ang faucet. Baka nagmumumog na sya. So I immediately composed myself kasi baka palabas na sya.

She surely has a lot of explaining to do.

"K-Kim?!" gulat na gulat naman nyang sabi.

"Vic,"

"Kanina k-ka pa dyan?"

"Yes, Victonara, so please explain bago pa kita masabunutan sa mga narinig ko sa loob." I sternly told her.

Tumawa naman sya ng peke, "Nako! W-wala lang yun. Masama lang kasi tyan ko kanina pang umaga. Ayun. Sumuka ako. Hehehe."

Nice try, Ara. Nice try.

"You aren't a good liar, Vic. Hindi bebenta sakin yan." inirapan ko sya. At saka hinila palabas, "Halika."

"T-Teka, Kim--"

We went sa kotse. And I sighed heavily.

"EXPLAIN."

Inintay ko sya pero hindi parin sya nagsasalita. Nakatungo lang sya pero maya maya pa,

"I'm dying, Kim."

H-HA?!

"Wait, w-what?!" SOBRANG gulat kong tanong. "Stop joking, Vic!"

Tumawa naman sya, "Tokwa ka talaga. Pinagsasalita mo ko tapos di ka maniniwala."

So totoo yung sinasabi nya?! But why on Earth?! O__O

"Na-diagnose akong may stage 2 Leukemia kahapon." tumingin sya sa akin. "tumawag si Dr. Mendoza. Pinapunta nya ako dun at sinabi nyang may sakit ako."

Speechless parin ako. Sobrang speechless.

"Kaya pala laging hilo ako. Masakit ulo, nagnonosebleed tapos sumusuka." nag-sigh sya sabay pikit ng mga mata. "Kim, sorry."

"A-Ars,"

Ngumiti sya sakin, "Odiba, hindi ka makapaniwala? Totoo yun, Kimmydors."

Niyakap ko sya. Hindi ko kaya. Hindi pwede. Paano?! Ara is one of the strongest people I know. Tapos isang sakit lang na ganito ang magpapatumba sa kanya?!

"Kim, wag ka umiyak. Kaya sayo ko sinabi kasi alam kong hindi mo sasabihin sa iba."

"W-wala kang balak sabihin sa Bullies?!" nagtataka kong tanong.

"Wala, Kim. Please. Ayokong mag-alala sila. Ikaw lang nakaka-alam nito." sabi nya. "Gagaling ako. Tsaka ko na sasabihin pag nalampasan ko na to."

"Ara!"

"Please... Kim." umiiyak sya. "Lalo na kay Thomas. Please, wag."

Si Thomas. Alam kong sobrang espesyal nilang dalawa sa isa't isa. Hindi man nagsasalita si Ara, I know na Thomas has a big part on her own world, on her own heart.

One Last Time For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon