Chapter Twenty-Six

2K 59 20
                                    

Ara's POV

I woke up and did my usual routines before heading to school.

Nga pala, alam na ng buong Lady Spikers na binasted ko si Thom. Kinwento ko na rin yung inimbento kong dahilan at naniwala naman sila.

Maliban kay Kim.

Flashback

Matapos kong sabihin sa buong team, nagdecide akong lumabas para magpahangin. Little did I know, sumunod pala si Kim sa akin.

"So what's the reason kung bakit mo pinatigil si Thomas?" tanong naman nya agad nang nakaupo ako sa damuhan.

"Uy, Kim."

"Hi." umupo na rin sya sa tabi ko. "Speak now."

"Kim, I'm being unfair na kay Thomas." Panimula ko. "kaya mabuti pang itigil na bago ko pa sya sagutin at..."

"At?"

"Iwan din sa huli." tumungo ako. Nakakainis, lagi nalang ba ako iiyak?

"Oh, umiiyak ka nanaman." binigyan nya ako ng tissue tsaka nagsalita ulit. "Nakaka-gagi naman yang dahilan mo, Vic."

Sumimangot naman ako, "Kim naman eh,"

"Vic, may point yang dahilan mo, ano. Pero utang na loob, dapat di mo na sya pinayagang manligaw kung ganyan din ang dahilan mo kung bakit mo sya pinatigil."

"N-nagkamali ako, okay? Nung moment na tinanong nya ako kung pwede nya ba akong ligawan, hindi ko naisip na mamamatay na ako. Hindi ko naisip na maysakit ako." nag-sigh ako at nagpunas ng luha. "K-Kasi hindi nya pinaalala sakin. Sinabi nyang mahal nya ako, napaka-saya ko, Kim. Dun lang ulit ako nakaramdam ng ganung kasiyahan."

Totoo yun. At dahil dun sa sobrang kasiyahan na yun, naging unfair ako kay Thomas. Hindi ko siya naisip, naisip ko ang sarili ko. Ang sama ko.

She sighed a sigh of defeat. "Okay, okay. May point ka. Pero, sure ka bang yan ang sinasabi ng puso mo?"

Ugh. Why do people like to ask me that one?

End of flashback

Naglakad na ako papuntang room ko. Kasama ko si Kim.

"Vic, si-CR lang ako. Sakit ng tyan ko eh. Hehe. Una ka na." paalam nya. Ang aga aga may milagro nanamang gagawin 'to.

Padaan na ako sa usual kong daanan nang makakita ako ng mga taong nanonood sa mga kumakanta.

W-wait.. Sila Thomas, Avo at Jeron? Anong meron?

Nakisingit ako. At nakinood.

Hindi ko alam ang irereact ko. Blind by Lifehouse yung kanta. Yung isa sa mga masasakit na kantang narinig ko.

Pero isa rin yun sa mga paborito ko.

Mas masakit pala kung yung taong mahal mo ang kumakanta nun.

Pinaka-masakit pala, yung malaman mong para sayo pa yun.

Napatingin ako kay Thomas at nakangiti sya sakin. Hindi na ako ngumiti. May pumigil sakin. Hindi ko sya pwedeng ngitian. Ayokong maramdaman niyang mahal ko sya, ayokong paasahin sya.

Pinagmamasdan ko syang kumanta nang maramdaman kong umiiyak na ako. Tagusan kasi yung lyrics eh. Hay.

Napatungo ako at nagpunas ng luha. Baka naman sabihin nung mga tao dito ang OA ko at simpleng kanta lang naiyak na ako.

"Tanga ka talaga, Thomas. Ang tanga tanga mo. Pero mahal kita." bulong ko sa sarili ko. Ang sakit.

Natapos na yung kanta at napapikit sya sabay tulo ng luha nya.

One Last Time For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon