First Shot

1.5K 19 2
                                    

“Janice? Or should I say DABYANA? Oo mas mabagay ata sa’yo yun eh! The Great Dumb Pig of Pillar Academy , mataba na, panget pa bobo pa! kinuha mo na lahat eh, good thing at hindi ka na nag-share hahahaha” at lahat sila nagtawanan.

Yan ang dahilan kaya lagi akong mag-isa dito sa Pillar Academy. The Great Bullies. Iniiwasan ko na sila pero patuloy pa rin sila sa pambubully sa akin. Ano bang mali sa akin? Dahil ba sa mataba ako? Oo inaamin ko mataba ako, oo bobo pa ko, kaya nga hindi na ako umaangal kapag inaasar nila ako. Eh sa totoo naman yun eh. Sa 4 years na pamamalagi ko dito sa Pillar Academy lahat ng pangiinsulto natanggap ko na pero biruin mo nakatagal pa ako dito. Ang tindi ko rin no? siguro kung iba yun baka nagtransfer na sa ibang school.

“Uwi ka na ba JD?”

Paglingon ko nakita ko ang kaisa-isa kong kaibigan naalala ko may kaibigan pa rin pala ako. I’m still blessed dahil kahit papaano ay binigyan ako ng friend ni God. Yun ay si Brent.  

“Ah uuwi na rin ako”

“Sabay na tayo?”

“Sige”

Naglalakad na kami pauwi ng biglang may napakabahong bagay na nahulog sa akin pagkalabas ko ng room.

“hahaha, ayan ang nababagay sa isang katulad mo! Ang baho mo! Maligo ka sa sarili mong dugo! Baboy!”

“Magsitahimik nga kayo! Halika na JD” tumango na lang ako kay Brent.

Grabe ang lansa ng amoy. Napuno ng kulay pula ang puti kong uniform. Dugo ito ng baboy. Grabe napakalansa ng amoy na halos magsuka na ako.

Ano bang mali sa akin at lagi na lang ako nasosorpresa ng ganito. Hanggang sa uwian ba naman?

“Kahit kailan napakamalaking bwisit sa mundo talaga ‘yang Nicole na ‘yan!”

“Hayaan mo na sila Brent, totoo naman lahat ng sinasabi nila eh, mataba ako, panget ako at bobo pa, lahat na ng negative na sa akin na” at tinuloy ko ang pagpupunas ng dugo sa damit ko. Andito kami sa locker room ni Brent. Imbes na umuwi na heto napabalik pa ulit.

“Ano ka ba JD, huwag mong paniwalaan ang mga pinagsasabi nila, dahil walang taong perpekto, pero ikaw. .napakabait mo, at yun ang bagay na wala sila” saka ako nginitian ni Brent.

Napakaswerte ko pa rin kung tutuusin. Akalain mo ba naman na ang isang Brent Cyril S. Francisco ay kasama ko ngayon at naging kaisa-isang best friend ko pa, ng isang Janice Daisy B. Lopez ang The Great Dumb Pig ng Pillar academy yan tuloy napasama siya sa listahan ng mga estudyanteng nabubully pero ako pa rin ang center of attraction dahil siya hindi na nabubully dahil tinitilian na kaya lumakas lalo ang pambubully nila sa akin, ewan naiinggit ata. Hindi ko ba alam dahil sa dinami dami ng mga pwedeng kaibiganin niya at ako ang napili niya since nagtransfer siya dito nung 2nd year high school.

Dahil siya ang bestfriend ko. Lahat ng secrets ko ay nasabi ko na sa kanya. Ganun din siya sa akin. Lahat sinabi na niya. Kaya kumportable akong kasama siya.

Umuwi akong bahay na ambaho-baho ko. Walang epekto ang mga cologne na ibinuhos kanina sa akin ni Brent. Buti na lang wala dito si mommy kundi lagot ako. Ayoko pa man ding nalalaman nila na ginaganito ako sa school. Alam mo na, nag-iisa kasi akong anak. Baka sumugod pa ang parents ko sa school. Ayoko lang dumagdag pa ‘yun sa dahilan para mabully pa ako lalo.

Nagbihis na ako at agad na naligo. Grabe sobrang lansa talaga ng amoy ko. Halos dalawang oras na akong naligo. Nagbabad sa bath tub at nagkuskos. Pagkatapos nun ay nagbihis na ako.

Kinabukasan, panibagong araw nanaman ang kailangan kong harapin. Sanay naman na ako eh. Bakit ko pa ba kailangang magulat di ba? May nagbalibag lang naman ng balat ng saging sa dinadaanan ko at ayun nadulas ako sa harap ng maraming estudyante. Swerte ko na lang at biglang dumating si Brent at iniligtas ako at tinulungan na rin.

Selfishly in Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon