Tenth Shot

469 9 1
                                    

A/N: Isang mahabang update para sa SIDE ni Brent. TT^TT

Tenth Shot

(Brent’s POV)

Nakaramdam ako ng sobrang kaba ng makita kong bumagsak sa semento si JD. Shit! Kasalanan ko lahat ng ito! Bubuhatin ko na sana si JD ng maalala kong lintek! Hindi ko siya kayang buhatin! Paano ba to?

Pero kahit na alam kong mabigat siya. Pinilit ko pa rin siyang buhatin sa abot ng makakaya ko. Sobrang mahal na mahal ko ang babaeng ito kaya kailangan ko siyang maidala kaagad sa ospital! Ok lang sa akin kahit mahulugan ako ng bituka sa kabubuhat sa kanya basta ang mahalaga mailigtas siya, dahil pag hindi, hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Bubuhatin ko na sana siya ng pang lover’s carry. Pero sablay! Ang bigat! Ano kayang klase ng pagbuhat ang gagawin ko? Lover’s carry? Piggy back ride? Fireman drag? Ahy ewan! Kung anu-anong kagaguhan ang naiisip ko! Si JD ang dapat kong isipin ngayon.

“JD please, ‘wag mo kong iiwan, please I’m sorry sa lahat, please, please”

Yakap-yakap ko si JD dahil sa hindi pa rin siya gumigising. Nakasalampak na ako dito pero wala akong pakialam. Sa kagandahang palad ay biglang may dumaang taxi. Dali-dali ko itong pinara at nagpatulong ako sa driver na buhatin si JD.

“Doc, ano pong nangyari sa kanya? Please, bakit po siya nawalan ng malay?”

Panay ang tanong ko sa doctor dito sa loob ng ospital na pinagdalhan ko sa kanya. Family friend namin siya kaya kilala niya ako.

“She’s ok na Brent, ‘wag ka ng mag-alala, over fatigue lang saka lagnat kaya siya nagcollapse, any moment pwede na rin siyang gumising”

“Thanks doc, sige po pakitawagan na lang ang parents niya, ayoko po kasing ako ang kumontak kung pwede po sana please?”

“Sige, ako ng bahala sa kanya”

Pumasok ako sa kwarto ni JD at nakita kong napakahimbing ng tulog niya.

Sobrang amo ng mukha niya at napaka inosente. Pero ako lahat ang may kagagawan kung bakit siya nandito ngayon.

Nandito lang ako nakatayo sa may pintuan dahil hindi ko ba alam pero natatakot akong lapitan siya. Baka any moment pwede siyang magising at ako pa ang makita niya. Baka ma-stress lang siya pag nakita niya ako. Ayoko ng dagdagan ang sakit na nararamdaman niya.

Siguro ngayon, I’ll give her space. Hindi muna ako magpapakita sa kanya. Bahala na ko sa buhay ko kung paano ako mabubuhay ng walang anumang presensya niya sa tabi ko. Kailangan ko muna siguro magdusa dahil sa laki ng kasalanan ko.

Umalis na akong ospital dahil alam ko namang hindi siya pababayaan ng doctor doon dahil alam ko namang dadating na rin ang parents niya.

Pumara na ako ng taxi at nagpahatid sa isang bar. Ayoko munang umuwi.

Pagkapasok ko sa bar ay pinapasok naman nila ako dahil hindi ako mukhang minor. I’m already 17 years old. Isang taon lang naman eh.

Umorder na ako ng alak dahil pakiramdam ko ito lang ang magtataboy ng sobrang bigat na pakiramdam ko ngayon. Shit lang talaga! Bakit ko ba kasi nagawang paglaruan siya makuha lang ang lahat ng atensiyon niya? Napaka-gago kong kaibigan dahil sa ginawa ko! Ako na mismo ang gumawa ng paraan para mapalayo sa akin ang babaeng pinakamamahal ko!

Dati akala ko kami na panghabang buhay! Dahil abot kamay ko na siya! Pero shit lang! Milya na ang layo namin sa isa’t isa dahil sa kagagawan kong ito!

“Isa pa nga nito! Ay teka, tatlo na pala!” hiyaw ko.

“Ay sir, pasensya na, sobrang lasing na po kasi ata kayo”

Selfishly in Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon