Second Shot

693 14 9
                                    

[A/N: Short Update lang ito]

Picture of Janice Daisy on the right side -------->

* * * * *

Hindi habang buhay makakahanap tayo ng perpektong tao. Dahil alam natin sa sarili natin na wala naman talaga. Kaya mabuti pang huwag tayong nag-eexpect sa tuwing nakakakita tayo ng mga taong tila kapani-paniwala ang mga sinasabi. Dahil mahirap umasa.

Minsan na rin nangyari sa akin ito. Napakahirap tanggapin na ang mismong taong pinagkatiwalaan mo ay siya rin palang taong nananakit sa’yo mapa-pisikal man o sa kaloob-looban mo ngunit mas masakit DITO sa puso ko.

Pero sa kabila ng lahat ng kasamaang ‘yun. May dahilan naman lahat.

Maniniwala ka pa ba kung sinabi niyang nagawa niya lang ‘yun dahil sa mahal ka niya?

Ang hirap kasi eh. Sinara mo na sa sarili mo ang salitang TIWALA nung mga panahong maraming nananakit sa’yo at binuksan mo lang ito sa iisang tao. Pero sa huli. . .siya rin pala ang magiging dahilan para isarado na ng tuluyan ang puso mo para sa TIWALA ng iba at tanging SARILI mo na lang ang pinagkakatiwaalan mo.

Ang hirap-hirap tanggapin. Pero pinilit ko pa rin hindi isipin. Dahil sa tuwing iniisip ko ito. . .Mas nasasaktan ako. Hindi ko man maitanggi sa sarili ko nanimimiss ko pa rin siya. . .ang bestfriend ko, NOON.

Mataba ako, bobo ako, panget ako, lahat ng hindi magagandang katangian ay sinalo ko na. Good thing at hindi na daw ako nagtira. Iyan ang lagi kong naririnig. . .noon. Pero ngayon. . .hindi na.

Sabi nga nila, lahat ay nagbabago at isa na’ko dun. Nagpapasalamat pa rin ako sa kanya at dahil dun, natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa.

TIME HEALS ALL WOUNDS, pero sa tingin ko, para sa akin, nasa kalagitnaan pa lang ako.

“Daisy! Magfocus ka naman ha? Kung saan-saan ka kasi tumitingin, pwede bang magfocus ka naman!”

Nagulat na lang ako ng marinig ko ang photographer na nagagalit na dahil tila natulala nanaman ako. Move on, move on na JD! Wait Daisy, not JD.

“Ok, I’m sorry” at nagpatuloy kami sa photoshoot.

It’s been 5 years since that prom incident and at the same time. That was the last time I saw his face.

Ngayon isa na akong sikat na model. Hindi naman ako artista eh, model lang. marami na ring nag-ooffer pero ayoko talaga. Mas gusto ko na lang na maging model dahil mas nagmumukha akong matapang sa lahat ng fearless shots ko at ayoko ng showbiz dahil hindi ko kayang humarap at umarte sa camera.

Naalala ko pa dati na hindi ko alam kung anong kukunin kong course. Pero sa huli, magulang ko ang nagpasya dahil sa hindi ko kayang magdesisyon para sa sarili ko.

Kaya pinakuha nila ako ng business course at grumaduate ako bilang cumlaude, akalain mo ‘yun? May itatalino rin pala ako. Syempre, ako lang naman ang nag-iisang magmamana ng company namin. Sa sobrang bigat ng pinapasan kong problema dati lahat ng atensyon ko napunta sa pag-aaral, good influence din pala ‘yun, kahit papaano at ngayon part time ko lang ‘tong modelling.

“Pagod ka na ba Daisy?”

“I’m ok Mon, ikaw? Bakit ka nandito? Akala ko ba may business trip ka?”

“Wala, cancel na daw, mas ok ‘yun para masamahan kita” sabay hinalikan niya ako sa pisngi ko.

“Sira ka talaga kahita kailan Ramon Buenavista!” saka ko siya hinampas sa braso niya. Chansing eh!

“Hehe, ikaw naman minsan lang maglambing oh!” sabay kinurot ang pisngi ko.

“Wala ka ng malaking pisngi na makukurot” sabay inirapan ko siya.

“Oo nga, nakakamiss ‘yung sexy body mo dati, ampanget mo na ngayon oh” sabay kurot sa ilong ko.

“Panget? Haler? Magiging model ba ako kung panget ako? Akin na nga ‘yan!” saka ko hinablot ‘yung naka tetra pack na juice na iniinom niya.

“To naman hindi na mabiro oh”

Hindi ko pa rin siya kinikibo sa halip inubos ko na lahat ng juice. Nauuhaw ako eh, tuna lang ang kinain ko kanina saka isang slice ng bread. Diet eh. Kailangan ma-maintain ang figure ko. Mas ok pa dati na wala akong iniintindi.

“Babe, nagtampo na” saka siya pumunta sa bandang likuran ko at ipinulupot ang braso sa bewang ko, niyakap niya ako saka ipinatong ang baba niya sa balikat ko.

“Sorry na babe, alam kong ayaw na ayaw mong sinasabihan kang panget, sorry na please?”

Saka niya hinawi ang buhok ko at hinalikan ang leeg ko.

“It’s ok, hindi ako galit”

“Talaga?” saka niya ko hinila paharap sa kanya.

“Oo nga, kakulit mo rin no. sige galit na ulit ako sa’yo!”

“Ay walang bawian”

“Ikaw kasi paulit-ulit?“

“Oo na, I’m sorry, I love you. . .”

Saka ko siya nginitian at hinalikan sa labi.

“Walang I love you too?”

“Hindi pa ba sapat ang halik? Actions speaks louder than words” at hinalikan ko uli siya.

“Kakaiba ka talaga, kaya kita minahal eh”

“Buti alam mo” at nagtawanan kami.

Nagtataka ba kayo sa nangyayari? Totoo lahat ito. Si Ramon na dating may lihim na pagtingin sa akin. Siya ngayon si Ramon Buenavista na kasintahan ko na ngayon.

One year pa lang kami niyan. After graduation sa college sinagot ko na rin siya.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay magka-schoolmate kami ni Ramon or Mon na siyang tawag ko sa kanya nung nasa America kami.

Swerte ko na rin buti na lang at nandun siya, kundi. . .baka hindi ko kinaya mag-isa ang buhay ko sa America.

Bakit sa America? It’s because my parents got the news that I was bullied when I was in high school. Kaya napagdesisyunan nilang ilayo ako dito sa Pilipinas. Alam niyo na, nag-iisa kasi akong anak. Kaya ganun sila kaprotective sa akin.

Do you want to have some flashback on what really happen?

Read the next SHOT for FLASHBACK.

Selfishly in Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon