LAST SHOT (20)

517 8 0
                                    

NOTE: This is not yet the ending of the story, I will post its epilogue maybe next week after our exam. Thank you!

LAST SHOT (20)

[JANICE DAISY’s POV]

Nakaupo ako sa may kama ko habang nakasandal sa headboard ang likuran ko. Nagbabasa ako ng libro habang nakikinig ng kanta. Ganito lang ako lage kapag walang ginagawa sa loob ng kwarto ko. Habang hinihintay ang paglubog at paglitaw ng araw at buwan. Parang ang buhay ko, hinihintay kung kailan ba ko gagaling o kung hindi na.

Habang nagbabasa ay may kumatok sa pinto.

“Sino ‘yan?” tanong ko.

“Ako ‘to si Brent”

Isinara ko ‘yung libro ko saka ako ngumiti at sinabing. “Sige tuloy ka”

Pagkabukas ng pintuan ay nakita ko ang mukhang nakangiti ni Brent sa akin. Isang linggo na ang nakararaan simula ng magkaalaman kami ni Brent ng kundisyon na pareho pala kaming may sakit.

Hindi ako makapaniwala na may sakit si Brent, nung nalaman ko ito ay naawa ako sa kanya at nasaktan sa nalaman ko na halos hindi ako tumigil nun sa pag-iyak, salamat kay Mon dahil siya ang naging tulay para magkita at mag-usap kaming muli ni Brent. Simula rin kasi nung nagkita kami ni Brent at nalamang pareho kaming dito naka-confine ay lagi niya akong dinadalaw sa kwarto ko at nag-uusap lang kaming dalawa o kaya naman ay nagbabasa ng mga libro habang kumakain ng prutas.

Hindi ko pa rin kasi nasasabi sa kanya ang tungkol sa anak niyang si Bryle at si Nicole. Hindi ko alam pero bakit parang ayaw kong malaman niya? Bakit natatakot akong kapag nalaman ni Brent na may anak siya kay Nicole ay posibleng maglaho ang kung anumang meron kami lalo pa at nasa kritikal na kundisyon kami ni Brent na posibleng mas bigyang prayoridad niya ang anak niya.

Am I being selfish about it? Sinuko na ko ni Mon knowing that Brent and I could possibly open-up our selves for much deeper relationship knowing that we  have same feelings towards one another. Pero, masama ba ang ginagawa kong pagtatago ng nalalaman for the sake of my feelings?

“Brent”

“Hmm?” sabi niya habang ngumunguya ng grapes.

“Magpachemo ka na, please”

Napatigil naman si Brent sa pagnguya at ibinaba ang bowl ng prutas sa may side table.

“Napag-usapan na natin ‘to ‘di ba?” seryoso niyang sabi sa akin.

“Oo nga, pero Brent. Hindi mo manlang ba iniisip ang nararamdaman naming mga taong nagmamahal sa’yo na umaasa na gumaling ka?” sa pagkakataong ito ay naiiyak nanaman ako.

Ilang beses ko ng inulit kay Brent na magpachemo na siya pero matigas siya at ayaw niya at inaasa na lang ang lahat sa mga painkillers na iniinom niya. Hindi biro ang sakit ni Brent dahil may leukemia siya. Kung ako ngang colon cancer ang sakit ay sobra na ang sakit na nadadanas ko siya pa kayang may cancer sa dugo?

Selfishly in Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon