Fourteenth Shot

410 9 1
                                    

Teddy's Note: I may not be actively updating my stories because of the fact that it's already school days so i can seldom update them. You know, accounting problems might be given a serious review. so anyway never mind what i'm saying, just enjoy this update. LOVE LOTS <3

Fourteenth Shot

[Daisy’s POV]

Natapos ang gabi na nagkaroon ng malakas na sigawan sa pagitan namin ni John na manyak dahil tinatanggi niya ang mga bintang ko sa kanya pero thanks to Brent , Kelly at sa mga staff dito sa resort na nakakita sa kanya sa pagpasok sa kwarto ko.

Dahil doon ay napagpasyahan ni Andrew na siyang may-ari ng kumpanya na pauwiin na lang ang barkada niyang si John. Hindi na rin ako nagsampa ng kaso sa kanya basta nasampal ko na lang siya ng pagkalakas ay parang guminhawa na ang pakiramdam ko. Salamat kay Brent dahil kung hindi siya dumating ay baka nawala na ang pagiging birhen ko at nakuha na nang walang hiyang manyak na ‘yun.

“Sigurado ka ba JD na ok ka lang?”

“Ok lang ako Brent, salamat sa concern mo”

“Sige kung may kailangan ka nasa kabilang cottage lang ako pwede mo kong puntahan dun”

“Oo na sige na kakulit mo talaga kahit kailan, sige na bbye na”

“Bbye?”

“Oo bbye na kasi matutulog na ako”

Tila parang nawala ang masasayang ngiting nakaguhit sa mukha ni Brent. Ano namang big deal sa pagsasabi ko na B-Bye?

“Ah hehe, sige bbye good night!”  saka siya tumakbo palayo habang kumakaway pa.

Parang isip bata pa rin ang lokong ‘yun kaya napailing na lang ako habang pumapasok sa cottage namin ni Kelly. Pagkapasok ko sa kwarto ay ang nakangiting mukha na ni Kelly ang nasilayan ko with matching taas baba pa ng kilay. Ano nanaman kayang iniisip nitong babaeng ‘to?

“Ate”

“Hmm?” sabi ko habang nagsusuklay ako at si Kelly naman ay nakahilata na sa higaan niya.

“Kung wala ka lang boyfriend feeling ko mas bagay kayo ni kuya Cyril”

“Naku, best friends lang kami niyang lalaking ‘yan kaya imposible ‘yang sinasabi mo”

“Hays, napansin ko lang kasi na parang may gusto sa’yo si kuya eh, pero. . .hays bahala na nga may boyfriend ka naman na eh saka mukhaang mabait naman si Kuya Mon saka ang gwapo niya!! Ang swerte mo ate sana ako din” sabay nagpagulong gulong sa kama niya habang nakayakap sa unan niya.

“Hays, bata ka pa Kelly at napakaganda mo, no wonder na maraming magkakandarapa sa’yong lalake makuha ka lang pero siyempre hindi lahat ‘yun ay seryoso sa’yo, ‘yung iba gusto ka lang nila dahil maganda at sexy ka kung kaya’t may makukuha sila sa’yo, kaya dapat suriin mo muna ang pagkatao nila bago mo ibigay ang matamis mong oo”

Selfishly in Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon