Fifth Shot

495 12 1
                                    

A/N: I dedicate this to you. You gave me good impression on how I wrote this story. Thanks!

Fifth Shot

“Daisy! Katagal tagal mo naman oh? Kanina pa ako naghihintay sa’yo dito, malelate na po tayo”

“Oo saglit lang! ito naman hindi makapaghintay! Ang lapit-lapit nga lang ng school eh”

“Oo sige na, pakibilisan”

Napakamot na lang ako ng ulo ko dahil si Mon hindi man lang makapaghintay! Hindi ko pa nga naisusuot ang pumps ko at accessories eh nagmamadali na siya! Para naman siyang VIP sa acquaintance party kung umasta. Kung hindi ko lang bestfriend to ng tatlong taon dito baka nabalibagan ko na ‘yan ng sapatos.

Tatlong taon na rin pala ang lumipas at napakaraming nangyari sa buhay ko dito kasama ni Ramon na siyang Mon ang tawag ko sa kanya. Napagpasyahan kasi naming magbago ng tawagan dahil na rin sa kagustuhan kong makalimot dala ng nakaraan.

Mon na ang tawag ko sa kanya samantalang Daisy ang tawag niya sa akin. Nung una ayoko dahil mukhang makaluma kaso wala rin naman akong maisip kaya hinayaan ko na lang siya.

Namuhay ako dito ng masaya kasama siya. Natutuwa naman ako dahil kapag kasama ko siya, gumagaan ang pakiramdam ko at feeling ko ay safe na safe ako sa kanya. Lagi niya kasi akong pinagtatanggol sa lahat ng bagay.

Naging unan ko siya sa tuwing kailangan ko ng kayakap kapag umiiyak ako. Naging panyo siya na tagapunas ng mga luhang walang sawang tumigil. Naging armor ko siya laban sa mga taong nang aapi sa akin. Naging tutor ko rin siya pag may hindi ako alam. Naging clown kapag gusto kong sumaya. Naging wallet pag wala akong pera at naging doktor sa tuwing may sakit ako.

Lahat ng bagay na makakapagpagaan ng loob ko ay siya lahat ang gumagawa ng paraan maibsan lang ito. Hindi ko pinagsisisihan ang pagbibigay ng pangalawang pagkakataon upang buksan kong muli ang puso ko para sa salitang tiwala. Dahil sa tingin ko si Mon ang karapat dapat para dito.

“Wow, Daisy, napakaganda mo talaga”

Hinampas ko naman siya sa braso niya.

“Bolero ka talaga kahit kailan, halika na nga baka malate pa tayo no?”

“Yes boss!”

Hinampas ko ulit.

“Baliw”

“Sa’yo”

“Aba-aba humihirit nanaman, bwisit”

“Sa’yo”

Tinignan ko siya ng masama. Sinong bwisit? Siya bwisit sa akin? Bwisitin niya mukha niya. Kainis.

“At ikaw pa ‘tong nabwisit sa akin? Bahala ka, pumunta ka mag-isa”

Naglakad na akong nauna sa kanya. Kunwari nagtampo pero joke lang ‘to.  Ilang beses ko ng nagawa sa kanya ‘to pero hindi niya ako natitiis.

“Daisy naman, joke lang ‘yun, ikaw talaga hindi na mabiro, masisira make-up mo niyan kapag hindi ka ngumiti, oh ngingiti na ‘yan!”

Hindi na rin naman ako nakapag inarte dahil hindi ko rin kayang gawing mag inarte sa harapan niya dahil alam kong hinding hindi niya ako kayang tiisin. Alam mo na, mahal niya daw kasi ako.

“Oo na sige na tara na sa school baka malate ka pa, eh VIP ka dun”  saka ko ipinulupot ang braso ko sa braso niya.

“Alam ko naman ‘yun, kaya nga ako kanina pa nangungulit sa’yo eh”

“Oo na, nagdrama ka pa, ‘di bagay” at nagtawanan na lang kami.

Alam kong ramdam na ramdam ko sa sarili ko na mahal nga talaga ako ni Ramon. Sa lahat ng ikinikilos niya at kung paano siya makitungo sa akin ay may halong pagmamahal lahat ng iyon.

Selfishly in Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon