Fourth Shot

652 12 1
                                    

A/N: Mukhang hindi lang pala ito hanggang third shot. Baka hanggang 10 shot papala. Kailangan ko kasing makumpleto ang buong details nung story. Sige po enjoy reading!

Si Nicole sa right sde--------->

-- - - - - - - - - -

Fourth Shot

Lumipas na ang isang buwang pamamalagi ko dito sa America at naging tahimik naman ang takbo ng buhay ko. Lagi lang akong nasa bahay habang naghihintay ng pasukan. Ilang ulit na ako pinilit ni mommy na lumabas naman daw ako para makapamasyal. Kaso wala talaga akong ganang maglalabas.

Hindi ko ba alam pero mukhang ganito ata talaga ang buhay na para sa akin. Ang laging nag-iisa.

Napakalaki ng bahay namin dito pero mag-isa ko lang na titira kapag dumating na ang pasukan. Uuwi na rin si mommy sa Pilipinas at aasikasuhin ang negosyo namin. Ganun din si daddy sabay sila ni mommy na uuwi.

Iniisip ko na lang. Dati nung ako ang nasa Pilipinas sila ang nandito sa America, samantalang nung nandito na ako, saka naman sila uuwing Pinas. Ang gulo rin ng tadhana eh, dahil mukhang tinadhana talagang hindi ko sila makakasama ng matagal.

“Anak, labas naman tayo ngayon, isang buwan ka ng hindi lumalabas eh, kailangan mo ring makabisado ang mga lugar dito para hindi ka maligaw”

“Mommy naman, ayoko talaga”

“Sige na anak, pagbigyan mo na ako, bago naman ako makabalik ng pinas gusto kong makapagbonding tayo, hindi pa natin nagagawa ‘yun eh, tignan mo college na ang baby girl ko”

Lumapit si mommy saka ako niyakap. Siguro nga panahon na para lumabas naman ako sa lunggang ito. Saka, tama si mommy, kailangan naming makapagbonding bago siya umuwi. Mamimiss ko nanaman kasi siya eh.

“Sige mommy, magbibihis lang ako ah”

“Sige anak, hintayin kita dito sa baba ha?”

“Opo”

Kahit kailan talaga napaka happy-go-lucky ng mommy ko. Bakit kaya hindi ko namana ‘yung ganung ugali niya? Napaka-opposite kasi namin eh. Ang ganda-ganda ni mommy at sexy pa. Samantalang ako magmumukha pang nanay niya pag nagtabi kami.  

“Anak subukan mo itong damit na ito, pwede mong isuot sa pasukan”

“Mom, alam mo namang ayaw ko ang mga ganyang damit, tignan mo sleeveless”

“Ok lang yan anak, nasa America ka wala sa sa pilipinas! Jusmiyo, Walang pakialam ang mga tao sa’yo dito”

Andami-daming pinapakita ni mommy sa akin na damit. Halos lahat ayaw ko. Ang sesexy naman kasi. Hindi ko talaga susuotin ‘yung mga ‘yun! Ang laki-laki kaya ng braso ko. Ayoko rin ipakita ang kili-kili ko, nakakahiya.

“Kahit na bilin mo pa lahat ‘yan mommy, hindi ko talaga susuotin yang mga ‘yan”

“Anak naman, tignan mo ‘yun oh”

Napalingon naman ako sa direksyon na itinuturo ni mommy. Isang matabang Americana na naka-tube na damit at shorts. Maganda naman siya at maputi ‘yun nga lang mataba kasi siya at ang lalaki ng braso at binti niya. Pero kahit na! Ayoko talagang magsuot ng mga ganun! Iniisip ko pa lang itsura ko nahihiya na ako.

“Mommy, iba naman sila sa akin, hindi ibig sabihin na nasa America na ako, magbabago na ako ng pananamit, ayoko talaga ma”

“Sige na nga hindi na kita pipilitin, pero. . .kukuha pa rin ako ha? Baka kasi magsisi ka at hindi ko pa binili”

“Ma, naman!”

“Eto naman, joke lang, pero kukuha talaga ako” saka ngumiti si mommy.

Hays, ang kulit ng mommy ko!

Selfishly in Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon