Eighteenth Shot

356 8 0
                                    

Teddy's Note: Last two chapters ay ang Epilogue na! knoting push pa matatapos na po! Salamat! <3

Eighteenth Shot

[Daisy’s POV]

Anim na buwan na ang nakalilipas magmula ng malaman ko ang tungkol sa sakit ko. Patuloy pa rin ako sa pagche-chemo at simula ng maospital ako ay hindi ko pa nasisilayan kung ano na bang nangyayari sa labas.

Malungkot? Oo, pero kailangan kong magtiis eh. Dahil kailangan kong gumaling.

“Grabe ate Daisy! Unti-unti ko ng natutupad ang pangarap ko!” hiyaw ni Kelly dito sa tabi ko. Siya ulit kasi ang nagbabantay sa akin.

“Mabuti naman kung ganun” sabi ko sabay ngiti sa kanya.

“Alam mo ba ate? Isa ako sa pinagpipiliang gagawing model para sa billboard sa States! Hindi na ako makapaghintay, grabe kinakabahan talaga ako!”

Pilit ko pa ring ngumingiti para ipakita na suportado ko siya sa anumang bagay na gagawin niya. Tinuring ko na rin naman siya bilang nakababata kong kapatid.

Pero, magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi ako naiinggit sa kanya. Kaso, ako pa kasi ang kasalukuyang model sa billboard na sinasabi ni Kelly kaya hindi ko rin mapigilang manghinayang kung anong meron ako noon na posibleng mawala na lahat ngayon.

Patuloy pa rin sa pagkwekwento si Kelly tungkol sa pagmomodel niya at sa billboard. Kahit masakit isipin pinipilit kong maging masaya. Nagkunwari nalang akong nagbabasa ng libro para hindi ko makita ang masayang reaction niya. Masama ba ko? Dahil nagpapaka-plastik ako para lang ipakitang masaya ako para sa kanya. Masisisi niyo ba ako kung mahirap na lang basta ihinto ang bagay na nakasanayan mo na sa buong buhay mo. Nang dahil sa lecheng sakit na ‘to, mabilis pa sa isang kurap nawala ang lahat sa akin.

“Teka ate, bibili lang ako ng meryenda gutom na ko eh, may ipabibili ka ba?” tanong niya.

“Wala, sige bumili ka na” sabi ko habang patuloy sa pagbabasa.

“Ah sige ate, saglit lang ako promise” saka siya kumaripas ng takbo palabas.

Pagkalabas na pagkalabas ni Kelly sa pintuan ay doon ko na inangat ang ulo ko at tumingin sa may binatana sa labas ng kwarto ko sabay paghinga ng malalim upang mapigilan ang nagbabadyang luhang gustong kumawala sa aking mata.

Pero, traydor ang luha eh. Tumutulo na lang basta. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na kong umiyak. Sampu? Dalawampu?  Baka isang daan? Basta hindi ko alam.

Sa tuwing nag-iisa ako ganito lagi ang nangyayari sa akin, palihim kong iniiyak ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Ayaw ko kasing nakikita nilang umiiyak ako dahil kahit sila ay napapaiyak ko din.

“Mon” tawag ko kay Mon habang nakaunan ang ulo ko sa may dibdib niya. Magkatabi kasi kami ngayon dito sa higaan ko dahil siya ang magbabantay sa akin.

Selfishly in Love(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon