CHAPTER 2

10K 180 11
                                        

"Hi Sweetie." salubong agad ni Adrian kay Abigail pagkaupong-pagkaupo niya sa table niya. Yumuko ito upang halikan siya sa pisngi ngunit umiwas siya. Sa halip ay padabog na ipinatong niya sa table ang sling bag at pabagsak na umupo sa swivel chair. Wala siyang pakialam kung may mga importanteng papeles mang nalukot sa mesa niya dahil sa ginawa niya.

Kumunot ang noo ni Adrian sa inasal niya. Adrian is her boyfriend. Taal itong taga-Palawan. Pareho silang metallurgist at nasa iisang department lang din. Kung sa UP siya grumaduate, ito naman ay sa MSU-IIT nagtapos. Ilang buwan din itong nanligaw sa kanya bago niya sinagot. Wala sana siyang planong sagutin ang lalaki dahil hindi niya ito mahal. Pero napag-isip-isip niyang subukan at bigyan ng chance ang lalaki.

"Problem?" hula nito.

Umiling siya. "Nabwisit lang ako kay Mateo. Um-absent ba naman ngayon?"

"I've heard, nagkalasingan nga raw silang lahat kagabi sa stag party ni Marvin. Intindihin mo na lang, may hang-over pa yun ngayon. Even yung iba nga ay half day lang din." umupo ito sa harapan niya.

"Kung um-absent siya dahil sa hang-over niya ay maiintindihan ko pa. Ang kaso hindi. May iba siyang plano! He wants to visit Heleina. Eh ni hindi pa nga siya sigurado kung andito nga yun! Magsasayang lang siya ng pera niya at panahon."

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng boyfriend niya at ang matamang pagtitig nito sa kanya. "That's his decision, wala ka ng magagawa dun. Just be supportive. Para ano pa't naging bestfriend ka niya? Ilang taon na din namang hinintay ni Matthew ang pagkakataong ito. Kaya even if it's one percent chance, he'll take it. Kung ang kapalit naman nun ay ang kaligayahan niya."

Tiningnan niya lang ang boyfriend niya at hindi na nagsalita pa. Gusto niyang sabihin dito na hindi ito nakakatulong pero hindi niya magawa. "Oh sige na... Kita na lang tayo mamayang lunch at magtatrabaho na ko." pagtatapos niya sa usapan nila. Kinuha niya ang bag sa ibabaw ng mesa at pinasok sa pedestal. Sinimulan niyang ayusin ang mga nalukot na papel. Alam niyang nagmumukha na siyang maldita sa inaasal niya pero hindi niya lang talaga maalis sa isip niya ang katangahan na naman ni Mateo.

Napansin niyang atubili pa itong tumayo. Kita niya sa mukha nito na nasaktan ito sa ginawa niyang pagtataboy. Nakonsensya naman siyang bigla at itinigil ang ginagawa. Pagkuwa'y tumingin siya sa nobyo. "Sorry, sayo ko pa naibunton ang init ng ulo ko." ginagap niya ang kamay nito at pinisil. "I'm so sorry." sinserong sabi niya.

Ngumiti ito. Isang ngiting napansin niyang hindi umabot sa mga mata nito. Ipinatong naman nito ang libreng kamay sa magkahawak nilang kamay. "It's okay." anito at tumayo. Pagkuwa'y bumitaw ito sa pagkakahawak niya at may hinugot sa bulsa. Isang maliit na box ang inilabas nito at ipinatong sa mesa niya.

"Happy anniversary." Yumuko ito at hinalikan siya sa noo. Pagkatapos ay tumalikod na.

Naiwan naman siyang nakatulala at nakokonsensiya. Anniversary pala nila ngayon pero wala man lang siyang ibinigay kahit na maliit. Napasapo siya sa kanyang noo. Sa sobrang dami ng iniisip niya ay nakalimutan niya na kung anong okasyon ngayon. Lagi na lang ganito. Tuwing monthsary nila ay nakakalimutan niya. At ngayon ngang first year anniversary nila ay nakalimutan niya din! Shit Abigail! You're hurting him!

Kinuha niya ang regalo ni Adrian at binasa ang maliit na card na nakadikit doon.

Happy anniversary sweetie. I've already made reservations at your favorite restaurant tonight. basa niya sa nakasulat na nagpalala sa konsensiya niya.

Si Matthew naman kasi eh... sisi niya sa binata kahit wala namang ginagawa ang lalaki sa kanya.

Subsob sa ginagawa niya si Abigail nang mga oras na iyon. Pinag-aaralan kasi nila ang maaari pang pakinabang ng mga low grade ores para sa susunod nilang project. Nasa research and development department sila pero hindi ibig sabihin nun ay nasa loob sila ng opisina. Madalas pa nga ay nasa field sila at tinetest ang mga ores kung anu-ano ang pwede bang mapakinabangan at ang hindi. Expose din sila sa mga metals. Kapag natapos na ang research nila at nakagawa na sila ng metallurgical investigation reports ay saka pa lang nila ito ipapasa sa itaas. At kapag na-aaprove ay ang department naman nina Matthew ang bahala – ang design and manufacturing department.

Destined to be Mine (UNEDITED & COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon