CHAPTER 10

18.5K 348 30
                                    

Isang nakangiting Tim ang bumungad kay Abigail nang magising siya kinabukasan. Madaling araw na nang dalawin siya ng antok. Kung hindi pa sumakit ang ulo niya sa kakaisip tungkol kay Matthew ay hindi niya pa maiisipang humiga at pumikit.

"Morning." Bati ni Tim. Hindi umabot sa mga mata nito ang pagkakangiti. Namamaga na rin ang mga mata nito dahil sa pag-iyak. Ni hindi din nito nilagyan ng good ang pagbati nito.

Ginantihan niya lang ito ng isang simpleng ngiti. Pagkuwa'y pilit na bumangon. Inaantok pa ang isip niya at ayaw pa ng katawan niya na bumangon. Napatingin siya sa labas ng bintana. Mataas na ang araw. Mabuti na lamang at wala silang trabaho ngayon kung hindi ay tiyak na malalagot siya sa boss nila. Kagagaling lang niya lang sa mahabang leave tapos ay aabsent na naman siya.

"Maagang umalis ang prince charming mo ah. Mukhang may lakad ata."

"Maaga kang nagising?" manghang tanong niya ditto. Sa pagkakaalam niya, ang mga broken hearted na tulad nito ay hindi na ginugusto pang bumangon sa higaan.

"Hindi naman ako nakatulog."

Napatango-tango siya. Kaya naman pala.

"Ikaw, ang tagal mo ring natulog kagabi ah. May problema ka rin ba?"

Mabilis siyang umiling. "Dinalaw lang ako ng insomia ko."

Umiling din ito sabay ngumiti nang mapang-uyam. Iyong tipong kulang na lang ay sabihan siyang sino ang niloloko niya?

"Maglolokohan pa ba tayo Abigail? Hindi porke't may problema ako ay hindi ko na napapansin ang nangyayari sa paligid ko. Ganyang-ganyan din ang mukha ni Matthew kanina. Nag-away kayo?"

Marahas siyang huminga. Hangga't maaari ay ayaw niyang ipaalam kay Tim ang nangyayari sa kanila ni Matthew. Hindi pa sa ngayon kung kailan masama ang lagay ng love life nito. Gusto niyang tulungan si Tim at ang pagsasabi ng problema niya dito ay makapaglalala lang ng mabigat na nararamdaman ng kaibigan. Pero gaya nga ng sabi ni Tim noon, kilala na nila ang isa't isa. At hindi maganda kung magpapatuloy siya sa pagtanggi.

"He kissed me and said he loves me."

Inaasahan niyang magugulat ito. Pero hindi man lang nagbago ang reaksyon nito sa sinabi niya. "Oh ngayon, anong sinabi mo?" tanong nito nang hindi niya dinugtungan ang sinabi niya agad.

"Sinampal ko."

"You what!?" doon niya nakuha ang reaksyon na gusto niya. Nanlaki ang mga mata nito at lumaki ang mga butas ng ilong. Parang bigla nitong nakalimutan ang sariling problema dahil sa sinabi niya.

"Eh sa hindi ako naniniwala eh. Parang kelan lang wala siyang bukambibig kundi si Heleina tapos biglang kinabukasan mahal niya na ako agad? Ano yun, lokohan?"

Pinindot nito ang gilid ng sintido niya. "Kung di ka ba naman nag-iisip. Iyon na nga ang pagkatataon mo eh, pinalampas mo pa. Mahal ka na nung tao, ano pa bang gusto mo?"

"Tim, hindi naman ako ganun kadesperada para makuha ang pagmamahal niya. Ayokong mahalin ako ni Matthew dahil lang sa napipilitan ito o kung anupaman. Kaya nga ni hindi ko pinakita sa kanya na mahal ko siya para hindi siya obligahin na mahalin ako dahil lamang magkaibigan kami at ayaw niya kong saktan."

"Yun na nga ang point eh! Hindi mo pinakita sa kanya pero sinabi niya pa ring mahal ka niya. So anong ibig sabihin nun?"

"Maybe to save us both. Bigo siya sa pakikipagbalikan kay Heleina. Kabe-break lang namin ni Adrian. Siguro ay gusto niyang tulungan namin ang isa't isa na makarecover agad."

Destined to be Mine (UNEDITED & COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon