CHAPTER 6

8.9K 175 2
                                    

Sunud-sunod na doorbell ang nagpagising kay Abigail. Napatingin siya sa cellphone na nasa gilid niya lang. Alas-onse na ng gabi. Kung kelan nakatulog na siya ay saka pa siya iniistorbo ng kung sinumang nasa labas. Para bang may sunog kung makapagdoorbell.

"Andyan na!" sigaw niya para matigil na ito. Padabog na naglakad siya sa papuntang pinto. Humanda sa kanya ang istorbong ito. Makakatikim ito ng tadyak sa kanya.

Pero nag-evaporate ang lahat ng galit niya nang si Matthew ang napagbuksan niya. Malapad ang ngiti nito at itinaas ang dala-dalang isang supot ng pagkain. Amoy na amoy niya pa ang masarap nitong dala. Pinigil niyang mapangiti sa ginawa ng binata. Tinaas niya ang kilay.

"Alam mo bang ang sarap-sarap na ng tulog ko?"

Ngumiti lang ito at pagkuwa'y dire-diretso ng pumasok ng kwarto at inilapag ang dala sa bakanteng mesa sa gilid ng kwarto. "Hindi pwedeng hindi ka kumain. Dinalhan kita ng paborito mo. 'Lika na." yaya nito habang binubuksan ang dala.

"Sasaluhan mo ko?" may himig na paglalambing na tanong niya dito.

Umangat ang mukha nito at ngumiti sa kanya. "Siyempre! Gutom pa rin ako eh. Hindi ako nakakain ng maayos doon sa restaurant."

Nawala ang ngiti niya sa sinabi ni Matthew nang maalala niya kung saan galing ang binata. Kinabahan siya bigla. Ano na kayang nangyari sa dalawa pagkatapos niyang iwan ang mga ito? "N-nagkausap na ba kayo ni Heleina?" pigil ang hiningang tanong niya dito.

Tumango ito. "Yup! Kaya nga sobrang saya ko ngayon eh."

"N-nagkabalikan na kayo?" Masakit man pero kailangan niyang malaman. Upang maihanda niya ang sarili sa mga susunod na araw. Kahit pa ang ibig sabihin nun ay ang kabiguan niya.

"Saka na natin pag-usapan yan. Halika ka dito. O gusto mong buhatin pa kita?"

Parang wala sa sariling lumapit siya dito. Alam niyang umiiwas ang binata sa tanong niya. Pero sigurado siyang nagkabalikan na ang dalawa. Kung hindi ay hindi ito magiging masaya gaya ng nakikita niya ngayon. Kung gusto nitong sarilinin iyon ay wala siyang magagawa.

Pinigil niyang umiyak. Saka na kapag wala na ang lalaki.

"Oh ano, masakit?"

Napaigtad si Abigail nang bumulong mula sa likuran niya si Tim. Nagsalubong ang kilay niya nang makita itong nakakalokong ngumiti. "Mang-asar ba?!"

Tumabi ito sa kanya. Nasa tabing dagat sila at nakaupo sa isa sa mga nakahilerang beach bed. pinagmamasdan niya ang shooting na nangyayari sa may di kalayuan. Kasama na doon ang pagmamasid kina Heleina at Matthew. Nasa tabi ng make up artist si Matthew at sa tuwing magkakaroon ng break ay lalapit ito kay Heleina at makikipagtawanan. Kung minsan naman ay si Heleina ang lumalapit sa lalaki.

"Ikaw naman kasi, magbabago ka lang ng isip huli na ang lahat. Ayan tuloy, nagkita pa rin ang dalawa." Hindi niya nilihim dito ang pagtatangka niya kagabi sa restaurant.

Hindi na niya lang sinakyan ang paninisi ni Tim. Ipinagpatuloy niya ang pagmamasid sa dalawa. Kapapalit lang nito ng bagong outfit at inabutan ito ng bottled mineral water ni Matthew.

"So anong plano mo ngayon?"

Napatingin siya sa kaibigan. "Plano?"

"Plano! You know, how-to-get-the-man-you-love mission."

Napailing siya. "Wala na. Kita mo naman ang dalawa, halos di na mapaghiwalay. And besides, ang bait ni Heleina. Lalabas na napakakontrabida ko kung paghihiwalayin ko pa sila."

Destined to be Mine (UNEDITED & COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon