CHAPTER 1

12.3K 223 5
                                    

"Hoy Mateo— holy shit!" nandidilat ang mga matang bulalas niya nang madatnang hindi lang nag-iisa sa kama ang kaibigan. On instinct ay tumalikod siya agad habang mariing nakapikit para tuluyang hindi makita ang pangit na tanawin. Marahas siyang napabuga ng hangin para pigilan ang namumuong inis sa dibdib.

"Mateo, gumising ka nga diyan!" nanggigigil na sigaw niya. Nakatalikod pa rin siya dito at hawak-hawak pa rin ng kaliwang kamay ang doorknob samantalang ang isang kamay naman niya ang nakapamewang.

Nai-imagine niya pa rin ang nadatnang eksena. Si Matthew at ang babaeng kasama nito ay hubo't hubad na natutulog sa kama. Kahit pa may kumot na nakatakip sa maseselang bahagi ng katawan ng dalawa ay masagwa pa ring tingnan. Hindi siya boba para hindi makuha ang nangyari sa dalawa ng nakaraang gabi.

Narinig niya ang pagtunog ng kama. Senyales na gising na ang isa sa mga ito.

"Good morning Pat— whooow!" gulat din ang narinig niya sa boses ni Matthew. Humarap siya dito. Napatigil ito sa pagsuot ng white sando at biglang naalimpungatan nang makitang may babae sa tabi nito. Napalingon ito sa kanya. "What is she doing here? Who is she?!"

Umigkas ng pulgada ang kilay niya. "Malay ko! I never slept with her the whole night. Why don't you ask her?"

Nagmulat ng mga mata ang babae. "Good morning Mat." kakaiba ang ngiting ibinigay nito sa kaibigan niya. Ngunit napalis iyon nang mapatingin sa kanyang nakataas pa rin na kilay at nakapamewang. "Oh I'm sorry. I didn't know—"

"Now you know." putol niya kahit hindi naman alam kung anong sinasabi nitong hindi nito alam. "So why don't you dress up and get out of our house?" mataray niyang utos sa babae. Nakita niya sa sulok ng kanyang mga mata ang lalaki na nakayuko at sapo ang ulo.

Tarantang pinulot ng babae ang mga damit nitong nagkalat sa kwarto. Panay pa ang tingin nito sa kanya habang nagbibihis. Kinipkip nito ang ladies bag at sandals nito at walang paalam na lumabas ng kwarto. Nang masigurong lumabas na ng bahay ang babae ay saka pa lang siya pumasok at sinara ang pinto.

"So, who is she?"

Umangat ito ng mukha at tumingin sa kanya. Pagkuwa'y kumibit ng balikat. "Never got her name or maybe nagpakilala pero di ko natatandaan. All I know, siya yung binayarang strip teaser para sa stag party ni Marvin. If you'll ask me how did she get in here, wala akong maisasagot."

"Binayaran pala yun para kay Marvin, bakit andito sa bahay?"

"Hindi ko nga alam. Ang huli kong natatandaan, umiiwas pa ko sa babaeng yun dahil panay ang dikit sakin. Hindi ko alam kung anong ginawa nina Marvin at napunta sakin."

Napailing siya. Malamang ay may ginawa na namang kalokohan ang mga kasama nito sa department at pinagkaisahan ito kaya nakasama ang babae dito. Ito lang kasi ang nag-iisang single sa department nito. "Knowing you, hindi mo maaalala ang lahat ng nangyayari sayo sa tuwing nalalasing ka. Ewan ko ba naman kasi sayo, ang lakas ng apog mong magpakalasing, hindi mo naman pala kaya."

"Mag-uumpisa ka na naman sa sermon mo? Pat, wala nga ako sa mga magulang ko pero para ka namang si mommy kung manermon. Baka hiwalayan ka ni Adrian dahil diyan sa pagiging nagger mo."

Pat at Mateo ang tawagan nila sa isa't isa. Mateo dahil iyon ang tagalog version ng pangalan nito. At Pat dahil patpatin daw siya ayon pa dito. Pero para sa kanya ay hindi naman. Wala lang itong ibang maisip na maibabato sa kanya dahil wala naman itong makitang maipipintas sa pangalan niya.

They were best of friends since childhood. Hindi na nga sila mapaghiwalay mula pagkabata hanggang sa nagkolehiyo sila. Mahilig sila sa complex math, physics and chemisty. Bata pa lang sila ay nagpapaligsahan na sila kung sino ang makakakuha ng mas mataas na grade sa mga science and math subjects. At dahil alam nilang in demand ang metal industries sa buong mundo, metallurgical engineering ang kinuha nilang kurso. Kakaunti lang din kasi ang kumukuha ng kursong iyon dahil hindi iyon ganun kakilala di katulad ng ibang engineering course. Sa sobrang unpopular ay dalawang university lamang ang nag-o-offer nun - UP Diliman and MSU-IIT ng iligan city. At tuwing matatapos ang school year, swerte nang may sampung gumagraduate sa kurso nila. Kung tutuusin, pagkatapos nilang makapasa sa licensure exam ay pupwede na silang makapag-abroad. Hindi na kasi kailangan ng work experience sa sobrang in demand ng metallurgist sa buong mundo. Pero hindi nila ginawa iyon. Sa dinami-dami ng mga kompanyang gustong kumuha sa kanila, napagdesisyunan nilang sa isang malaking kompanya ng nickel production sa Palawan magtrabaho. Malayo iyon sa Manila kung saan sila lumaki at hindi iyon ang madalas na kinapupuntahan ng mga UP graduates na katulad nila na sa semicon industries nakakapagtrabaho. Pero gusto nilang maging independent at magkaroon ng bagong environment kaya pinili nila iyon. Hindi naman problema sa kanila ang rellocation dahil sagot ng kompanya ang gastos maging ang matutuluyan nila. Pinili nilang magsama na lang sa iisang bahay. Tutal naman ay kilala na nila ang isa't isa.

Destined to be Mine (UNEDITED & COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon