Mahigit limang oras ang biyahe mula Bataraza hanggang Puerto Princesa, ang capital city ng Palawan. Kailangan pa nilang pumunta ng Sta Lourdes Wharf kung saan ay naghihintay ang isang private boat ng Dos Palmas na magdadala sa kanila sa Arreceffi island. Ito ang ginagamit ng Dos Palmas para sunduin at ihatid ang kanilang mga customer.
Wala pang isang oras ay dumaong na ang bangka sa napakagandang Dos Palmas Beach Resort. Naghihintay na rin sa daungan ang kaibigan ni Abigail na si Tim. Nakataas ang kilay nito habang hinihintay siyang bumaba.
"Welcome to Dos Palmas." sarkastikong welcome nito sa kanya.
Hilaw lang siyang ngumiti dito. "Huwag mo na kong dramahan ng ganyan at andito na ko. Wala ka ng magagawa."
Magdamag na hindi siya nakatulog dahil sa gagawin ni Matthew. Kinompronta niya si Tim sa telepono nang gabi ding iyon pagkatapos niyang umiyak. Nang makuha ang sagot nito ay magkahalong lungkot at kaba ang naramdaman niya. Lungkot dahil sa nalalapit na pagkikita nina Heleina at Matthew. Imposibleng hindi pansinin ng babae ang kaibigan. Kahit nilayuan nito si Matthew ay alam niyang mahal pa ito ng babae. Papano kung sa pagkakataong ito ay tanggapin na nito ang alok ni Matthew na kasal? Ngayong naabot na nito ang pangarap? Kaba dahil mangangahulugan iyong wala na siyang pag-asa sa puso ng lalaki.
Kaya naman nang gabi ding iyon ay nagdesisyon siya. Kaagad siyang nag-impake ng mga gamit. Sasamahan niya si Matthew. Gusto niyang makita ang kahihinatnan ng lakad nito. Kung magkabalikan man ang mga ito ay gusto niyang kahit papano ay nasa tabi siya sa masayang araw ng binata. Kung hindi naman, mas lalo siyang kailangan ng binata.
Nagulat ang lalaki sa ginawa niya pero hindi rin naman ito nagtanong. Kilala siya nitong laging nakaalalay dito kaya para sa lalaki ay normal ng maisipan niyang samahan ito.
Napailing si Tim. "Papano nalaman niyang mahal mo na andito si Heleina?"
Siniko niya ito at lumingon upang masigurong wala sa malapit ang lalaki. Nasa bangka pa rin ito at pinauna pa ang mga babaeng bumaba. "Marinig ka, ano ka ba!"
Tinaasan lang siya nito ng kilay.
"Nalaman niya dun sa katrabaho namin. You never mentioned na si Heleina pala ang model niyo for the mag." pagkuwa'y sumbat niya sa kaibigan.
"Para ano? Para masabi mo diyan? Kilala kita, may pagkamasokista ka. Kita mong nangyari ngayon? Sinuportahan mo pa sa kabaliwan niya."
Natamaan siya sa sinabi nito. True. Malaki nga ang posibilidad na madulas siya at masabi sa lalaki ang tungkol doon kung nagkataong nalaman niya. "Let's just help him. Anim na taon din niyang hinintay na magkaharap sila ni Heleina. Hayaan mo na."
"Even if it means your loss?"
Hindi na siya nakasagot pa dahil naramdaman niya ang pag-akbay ni Matthew sa kanya. "Hello Tim." malapad ang ngiting bati nito sa kaibigan.
"Hay naku Mat, we both know you don't like me kaya wag ka ng magpakaplastic diyang batiin ako. Tutulungan pa rin kita kay Heleina. Huwag kang mag-alala." prangkang pahayag nito. Napahawak sa batok ang kaibigan niya at nahihiyang ngumiti dito.
"Magcheck in ka muna at mamayang gabi pa ang dating ni Heleina. At ikaw babae, dun ka sa kwarto ko." bumaling ito sa kanya. "My God, nagkakawrinkles ako sa inyo!" bulalas nito at minasahe pa ang noo para kunwari ay mawala ang wrinkles. Tumalikod ito sa kanila at nagpatiuna na.
She just chuckled. Kahit kailan ay maaasahan talaga si Tim. Bagama't tutol ito sa ginagawa niya ay hindi pa rin nito makuhang pangunahan siya sa kanyang ginagawa.
"Anong problema nun?" nagtatakang tanong nito sa kanya.
"Wala. Mainit lang ang ulo dahil sa staff niya. Let's go?" yaya niya.
BINABASA MO ANG
Destined to be Mine (UNEDITED & COMPLETED)
Любовные романыPUBLISHED: May 2009 This is my second approved PHR novel. Halos magkasabay lang itong napublish ng first novel ko. ^_^ So again, NO JUDGEMENT PLEASE. Hehe... Nangangapa pa ko sa mundo ng pagsusulat, pati na rin sa pag-ibig. Charot. =============...