CHAPTER 7

9K 181 5
                                    

"Hoy!" untag ni Tim kay Matthew. Pumitik pa ito sa harap ng binata.

Hindi mapigilan ni Abigail ang hindi matawa dahil sa reaksiyong natanggap niya mula sa kaibigan. Sa loob-loob ay hindi niya rin maiwasang hindi kiligin. Hindi nga nagkamali si Tim sa ginawa sa kanya. Pinatuyo lang nila ang buhok niya at nilugay dahil nga beach party lang naman. Sobrang light lang din na make up ang inilagay nito sa kanya para magkaroon lang ng glow kahit papano ang mukha niya.

Para namang natauhan ang lalaki. "Oh?" baling nito kay Tim.

"Mabuti naman at nagreact ka. Nag-effort akong ayusan yang kaibigan mo eh." biro ni Tim na nagpangiti sa kanya ng sobra.

Hindi nito pinansin ang biro ng bakla. Bumaling ito sa kanya. "Ano Pat, tara na?"

Tumango siya. "Una na kami Tim. Kita na lang tayo sa beach."

"Sure! No Problem!"

Tatawagan pa nito ang boyfriend nito kaya pinauna na sila ni Matthew. Siya na ang nagkusang sumara ng pinto. Nang humarap siya sa binata ay nakalahad na ang isang kamay nito samantalang ang isa ay nasa likod. Nakangisi ito sa kanya. Lalaking-lalaki ito sa suot nitong blue hawaian polo at walking shorts.

"Unggoy!" saway niya dito at tinampal ang kamay nitong nakalahad sa kanya.

Humalakhak ito. Pagkuwa'y inakbayan siya. Nagsimula na silang maglakad.

"Nakakailang pala kapag babaeng-babae ka Pat no?"

"Bakit? Ayaw mo?"" kinakabahang tanong niya. Hindi kaya nito gusto ang nakikita at mas gusto nito ang simpleng siya? Na baka ang pagkatulala nito kanina ay hindi dahil nagustuhan nito ang ayos niya kundi dahil ayaw nito? Sa naisip ay parang gusto niyang bumalik sa kwarto at magbihis.

Tumingin ito sa kanya. "Anong ayaw? Siyempre gusto ko! Hindi lang siguro ako sanay. Tsaka, baka mamaya ay kung sinu-sinong lalaki ang makipagsayaw sayo at balewalain mo ko."

"Ah sus! Kung magsalita ka parang hindi ka rin dumidikit kay Heleina ah." hindi niya napigilang sumbat dito. Kahit pa sabihing si Heleina naman talaga ang main reason kung bakit sila nandito ngayon. Sana nga lang ay hindi nito mahimigan ang tampo sa boses niya.

"Sinundo ka na nga ngayon para di ka mag-isip na pinababayaan kita."

"Dapat lang! Nadale ang ipon ko dahil sa kabaliwan mo sa kanya." biro niya dito.

Tumawa na naman ito at pagkatapos ay pinaggigilan na naman siya. "Pano na lang kaya kung wala ka sa buhay ko Pat?"

Kumibit lang siya ng balikat.

Nasa tabing dagat na ang iba nang dumating sila ni Matthew. Maging si Heleina at ang iba nitong kasamang model ay nandoon na din. Kumaway pa ito sa kinaroroonan nila nang makita sila. Ang buong akala niya ay iiwanan na siya ng binata ngunit sa kasiyahan niya ay hindi. Nanatili ito sa tabi niya.

Ngunit nang dumating na si Tim ay bumulong ito sa kanya. Nakikipagtawanan siya noon sa mga staff ni Tim. "Lapitan ko lang si Heleina ha? Dito ka lang kay Tim. Huwag kang aalis, saglit lang ako okay?"

"Sigurado kang saglit ka lang?" may pagdududang tanong nito. Sa lakas ng music ay kinailangan niya pa nilang magsigawan upang magkarinigan sila. Ngumiti pa siya. Sana nga lang ay hindi naging ngiwi ang ngiti niya dahil sa nadaramang disappointment.

"Oo sabi..."

"Tingnan natin. Oh sige na, pumunta ka na sa my loves mo!" itunulak niya pa ito para makaalis na.

Kumaway pa ito sa kanya nang lumayo na. Tango at ngiti lang ang isinagot niya.

"Hay naku! Ang mga masokista nga naman!"

Destined to be Mine (UNEDITED & COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon