CHAPTER 8

9.3K 198 1
                                    

Naihanda na ni Abigail ang lahat nang kumatok si Matthew si kwarto nila. Maging ang kanyang sarili ay naihanda niya na rin. Kasalukuyang nasa loob ng banyo si Tim kaya naman siya na ang nagbukas ng pinto sa binata. Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa binata nang pagbuksan niya ito ng pinto. Tingin niya ay matatalo niya na si Vilma Santos sa pagiging best actress sa ginagawa niya ngayon.

"Oh, nakapagpaalam ka na ba kay Heleina mo?" bungad niya dito.

Umiling ito. "Yun nga ang ipinunta ko dito. Tulungan mo naman akong hanapin siya oh. Hindi ko makita eh. Kailangan naming mag-usap."

"Hindi ka pa nakapagpaalam sa kanya kagabi?"

"Nakapagpaalam na pero iba tong pag-uusapan namin ngayon. Importante to."

Binundol siya ng kaba sa sinabi nito. Hindi kaya...?

"A-ano namang napakaimportante ang sasabihin mo sa kanya?"

"Something happened last night at iyon ang gusto kong pag-usapan namin ngayon. Kaya kailangan mo kong tulungan. Text me if nahanap mo na siya, okay?" hindi na nito hinintay ang sagot niya at mabilis na itong tumalikod.

"Shit!" He remembered!

Hindi niya na nakuhang magpaalam pa kay Tim at sumunod na agad sa lalaki.

"Shit! Shit! Shit!" mura niya ulit nang simulan niya ng hanapin si Heleina.

Kulang na lang ay lumabas ang puso niya sa sobrang lakas ng tibok nito. Papano kapag nakita nito si Heleina at nagkausap ang dalawa? Tiyak niyang itatanggi ni Heleina ang buong nangyari dahil hindi naman ito ang nakasiping ng lalaki kundi siya. Mag-aaway tiyak ang mga ito dahil magiging salawahan ang tingin ni Heleina dito. At papano kung masabi ni Heleina sa kaibigan na pinakiusapan siya nitong bantayan ang huli? Mabubuking siya!

Kailangang maunahan niya ang lalaki sa paghahanap kay Heleina. Hindi niya pa alam kung ano ang sasabihin niya sa babae ngunit ang mahalaga ay hindi malaman ng lalaki na siya ang nasa kwarto nito buong gabi! Dahil tiyak na iyon na ang katapusan ng pagkakaibigan nila!

Ngunit pinaglalaruan yata siya ng tadhana. Pakiramdam niya ay ilang taon na siyang naghahanap kay Heleina pero hanggang ngayon ay di na pa rin nakikita. Kung bakit naman kasi hindi ko pa inalam ang kwarto niya. Di sana napuntahan niya na kanina pa. Kaso nga, sa sobrang selos ay hindi niya na inisip pang alamin. Wala na rin siyang oras pang magtanong sa frontdesk. Parang gusto niya ng sumuko sa paghahanap. Sana naman ay hindi pa nagkakausap ang dalawa.

Nang mapadaan siya sa isang restaurant ay saktong kalalabas lang ni Heleina. Lumundag agad ang puso niya sa tuwa.

"Heleina!" sigaw niya dito na nagpagulat sa babae.

"Oh Abby, akala ko ay nakaalis na kayo." nakangiting bati nito sa kanya.

"Nagkita na ba kayo ni Mateo?" Puno ng kabang tanong niya dito. Please say no...

Matiim siya nitong pinagmasdan na para bang binabasa ang nasa isip niya. "Bakit parang kinakabahan ka ata."

Hindi siya makasagot. Hindi niya alam kung anong gustong mangyari ni Heleina, pero nasisiguro niyang hindi niya iyon magugustuhan.

"Pasok muna tayo?" yaya nito sa kanya sa loob ng restaurant. Nagpaunlak naman siya. Mas mabuti na iyong nasa loob sila ni Heleina para hindi sila makita agad ni Matthew. Dahil kapag naabutan pa sila nito sa labas ay baka wala na siyang magawa kapag gusto nitong makasarilinan ang babae.

Destined to be Mine (UNEDITED & COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon