CHAPTER 4

8.8K 169 1
                                    

"So Matthew, kumusta'ng love life?" pang-iintriga ni Tim kay Matthew.

Nasa dining area sila ng mga oras na iyon at nagdi-dinner. Dumaan na ng karenderya si Matthew para bumili ng ulam nila. Tinatamad na siyang magluto dahil sa sobrang pagod. Nagsaing na lang sila ni Tim. Maging si Matthew ay nagulat din nang makita si Tim sa bahay nila. Muntik pa itong mahalikan ni Tim nang yumakap ang huli sa kaibigan.

Tatawa-tawa naman siya habang nakikita ang pandidiri sa mukha ni Matthew. Alam nilang lahat na ilag ang binata sa kaibigan niyang si Tim. Minsan lang ito nakikipagbiruan kay Tim at iyon ay kung maganda lang ang mood nito.

Tumigil ito sa akmang pagsubo ng kanin. Maging siya ay napatigil din at pinagmasdan ang dalawa. Halata ang pagkaasar ni Matthew samantalang si Tim naman ay normal lang. Ibig sabihin ay maarte pa rin at animo hindi halata na gusto na siyang sunugin ng kaibigan niya.

"Hindi ba tsini-tsismis ni Pat sayo ang love life ko?"

"Tsini-tsismis naman pero—"

"Kinukwento naman pala bakit nagtatanong ka pa?" pagsusuplado nito.

Nag-usap ang mga mata nila ni Tim. Sinabi niyang umiwas muna saglit sa lalaki dahil mainit ang ulo nito. Kapag pagod ito at galing ng trabaho ay talagang minsan lang ito kung kumibo.

"Eh ano namang masasabi mo kay Abigail?"

Pinatid niya ang paa nito sa ilalim ng mesa at pagkatapos ay pinandilatan ng mga mata. Tim mouthed ouch but still managed to give her a sweet smile.

"Kay Pat?" nagtatakang tanong nito.

"Oo. Kay Patpatin mo." may diing ulit nito.

Nakatikim ulit ito sa kanya ng patid pero nagkunwa itong walang nararamdaman.

"Ganun pa rin. Bakit may iba ba kong dapat sabihin bukod sa pagiging patpatin niya?" kunot-noong tanong nito. Mukhang nakuha ni Tim ang atensyon ng lalaki.

Tumingin sa kanya si Tim at matamang tinitigan. "Hindi naman patpatin si Abigail ah. Kung tutuusin ay magkasing-katawan lang sila ni Heleina. Meaning pang- model din ang katawan niya."

Tumigil si Matthew sa pagkain. Kinabahan naman siya bigla. Ngayon lang nangahas si Tim na magsalita ng ganoon na sa harap nila ni Matthew. Dinampot nito ang baso may tubig at uminom. Tingin niya ay iyon na ang pinakamahabang minuto sa buhay niya. Kinakabahang sinundan niya ng tingin ang bawat galaw ng binata. Hindi niya alam kung anong dapat asahan. Ano bang isasagot nito?

Sa wakas ay inilapag nito ang wala ng lamang baso at pagkatapos ay tumingin ng diretso kay Tim. "Si Heleina, kahit patpatin sexy pa rin ang dating. Kitang-kita ang femininity at bagay na bagay dito. Si Pat ay kabaliktaran ni Heleina. Gets?" anito pagkuwa'y tumayo iniwan silang dalawa ni Tim na nagkatingin.

"Oh ano, hihirit ka pa? Ipagdidiinan mo pa sakin yang advice mo after what you've heard?" mahinang sabi niya dito. Ipinagpasalamat niya na hindi bumikig sa lalamunan niya ang sinabi. Dumukwang pa siya ng konti para hindi marinig ng binata kahit papasok na ito ng kusina. Pilit niyang isinantabi ang sakit na naramdaman sa mga sinabi ng binata. Sa bibig na mismo nito nanggaling, kaibigan lang ang tingin nito sa kanya at one of the boys.

"Oo! Dahil sa sagot ni Matthew, isa lang ang ibig sabihin nun. Wala kang ginagawa para makita ka niya bilang isang babae. I told you, you need to have a total make over. And that's what were gonna work out right after my commitment. I'll file a vacation leave."

Destined to be Mine (UNEDITED & COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon