Chapter 2

1.3K 44 0
                                    

Maaga akong nagising, pagbaba ko naabutan ko pa si mama na nagliligpit ng mga paninda niya. 

"Ma, tulungan ko na po kayo." Ani ko at tinulungan si mama. 

"Ba't ang aga mo yatang nagising may exam ba kayo?" Tanong nito sa'kin.

"Wala naman po. Excited lang po siguro ako." Kinikilig kong sabi. 

"Aba, may hindi kaba sinasabi sa akin," Nakasimangot na tanong nito

"Ma naman e. Si justine po kasi mag co-concert mamaya. Pero papasok parin ako." Sagot ko na nakangiti

"At saan ka naman kumuha ng perang binayad mo sa ticket? Diba mahal 'yon?"

"Nilibre po ako ni Rea."

"Hay naku, o siya sige aalis na ako. Ang pagkain niyo nasa mesa at 'yong baon niyo nasa ibabaw ng ref. Mag iingat ka dun Xenia, wag masyadong mag papa gabi ng uwi ha? At paki sabi narin sa kapatid mo na wag matigas ang ulo."

"Opo, ikaw din ma mag iingat." Pahabol na sigaw ko kay mama bago siya lumabas ng bahay. Agad akong tumakbo sa taas at mabilis na naligo, pagkatapos kong maligo nagbihis ako ng simpleng t-shirt, pantalon na maong at rubber shoes. Pagkatapos kung mag ayos pumasok naman ako sa kwarto ni xyrel at ginising siya.

"Xy gising na. May pasok kapa."

"Hmmm hindi po ako papasok ate."

"Bakit?"

"Basta ate." Sagot niya at nagtakip ng unan sa mukha. Napailing nalang ako at bumama. Inayos ko muna ang buhok ko at nagsimula na akong kumain. Habang kumakain ako, hindi ko mapigilan na hindi ma excite kasi finally makikita ko na ang pinakamamahal kong idol.

Hindi ko namalayan na ubos ko na pala ang pagkain ko, napatingin ako sa relo ko. 6:30 na pala. Kaya dali dali akong nag toothbrush at kinuha ang baon ko sa ibabaw ng ref.

Pagkalabas ko ng bahay, naglakad nalang ako papuntang Sion Academy. Pagdating ko sa classroom, konti palang ang mga classmate ko. Hindi nag tagal pumasok narin ang professor namin at nagturo. Natawa nalang ako kasi twenty lang kaming pumasok. Feeling ko talaga naghahanda talaga sila sa concert ni justine mamaya.

Mabilis natapos ang oras, ngayon uwian na. Sobrang saya ko ng makalabas ako ng classroom, kasi finally makakapunta na ako ng moa arena. Makikita ko na si justine! Omg I can't wait to see him.

Habang naglalakad ako bigla kong nakasalubong ang dean ng school.

"Good Afternoon Ma'am" Bati ko at yumuko.

"Good Afternoon, you're Xenia Starr  right? The scholar?" Nakangiting tanong nito.

"Yes ma'am"

"Can you send this files to ma'am Uy? And tell her that she needs to sign that paper. I really need to go right now."

"Okay ma'am." Sabi ko at kinuha ang bitbit niyang mga folder. As a scholar trabaho ko na talaga ito.

"Thank you Xenia!" Nakangiting sabi nito at umalis.

Nagmadali akong tumakbo at pumunta sa classroom ni ma'am uy. Pagdating ko dun, hindi ko nakita si ma'am uy. Mabuti nalang nakita ko ang isa sa mga estudyante niya.

"Hi. Ask ko lang sana kung nakita mo ba si ma'am uy?" Tanong ko

"Nasa cafeteria po si ma'am uy."

"Thank you"

"Welcome."

Nang makaalis ang babae. Napatingin ako sa relo ko. It's already 5:30 pm.

Hindi ko alam pero naiiyak ako, 7 pm ang concert ni justine at ilang oras nalang magsisimula na. Habang ako nandito pa sa school. Hinawakan ko mabuti ang mga files at tumakbo papuntang cafeteria. Kahit na hingal na hingal na ako tiniis ko parin hanggang sa makarating ako sa cafeteria. Hinanap ko si ma'am uy pero hindi ko siya nakita.

Fangirl Meets Idol Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon