Chapter 12

1.1K 40 1
                                    

Xenia P.O.V

Today is a big day! It's my birthday, I'm legally eighteen now! I don't know but when I woke up, my lips are smiling. I'm so very happy today. I just did my morning routines at saka bumaba na. I have a class today, ayaw ko naman na umabsent ako dahil lang sa birthday ko. At isa pa mamaya pa naman yung party ko sa Perez Hotel.

Ng makababa ako nakita ko si xy at si mama na kumakain agad naman akong lumapit sa kanila.

"Good morning birthday girl." Natatawang sabi ni xy ng makita ako.

"Papasok kapa anak?" Tanong ni mama ng makaupo ako. Nag salin naman ako ng kanin at ulam ko sa plato.

"Oo ma, tutal mamaya pa naman yung party." Sabi ko at kumain.

Napakunot naman ang noo ko ng makita si xy at si mama na tumayo. Nakita ko na biglang tumayo si xy sa harapan ko at tinuktok sa akin ang hawak niyang cellphone.

"Stop it xy! Kumakain ako!" Reklamo ko dito pero ngumiti lang siya.

Nakita ko naman si mama na lumapit sa refrigerator namin at may kinuhang cake. What cake?

"Happy birthday xenia, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!" Kanta nila ni xy habang lumalapit sa akin si mama na may hawak na chocolate cake. Hindi ko mapigilan na hindi umiyak kahit na sa simpleng cake lang to.

"Make a whish anak" Naka ngiting sabi ni mama na siyang ikinapikit ko.

Sana, sana makita ko na si papa. Sana, sana mabuo ulit yung pamilya namin. Sana, walang mangyaring masama sa pamilya ko at sa mahal ko sa buhay. Sana, maging okay palagi si Justine.

Yun yung hiling ko at saka inihipan na ang kandila ko. Inilapag ni mama ang cake sa lamesa at niyakap ako ng mahigpit.

"Happy birthday anak, your daddy will be happy dahil ganap kanang dalaga." Sabi ni mommy at hinalikan ako sa ulo.

Hindi na ako nakapagsalita sa sinabi ni mama. Nagsimula na muling kaming kumain, pagkatapos kong kumain agad na nag toothbrush ako. Nagpa alam naman na agad ako kina mama na papasok na ako. Habang naglalakad ako hindi ko mapigilan isipin ang sinabi ni mommy sa akin.

"Happy birthday anak, your daddy will be happy dahil ganap kanang dalaga."

"Your daddy will be happy dahil ganap kanang dalaga."

Paulit ulit itong pumapasok sa isip ko, papaano? Papaano siya magiging masaya kung hindi niya kami kasama? Na iniwan niya na lang kami bigla na parang bula lang? We didn't even know what's his reasons for leaving us. Why? Bakit niya kami iniwan? May ibang pamilya na ba ito? It was still fresh on my mind when I was first year high school, xyrel is in grade school. Grade five na ito noon.

*Flashback*

"Xenia baby come to me. Dali!" Agad na lumapit ako kay daddy.

"Baby xenia, today is your first day in high school. At nagtatampo si daddy kasi dalaga kana, high school kana." Agad naman akong natawa sa sinabi ni daddy, anong dalaga yung sinasabi ni daddy? Eh gusgusing bata kaya ako, naglalaro pa ako kasama mga friends ko. Agad na lumapit ako kay daddy at niyakap siya ng mahigpit.

"Dad, I'm still your baby. Hindi naman porket highschool na ako eh dalaga na ako. Wag na magtampo ang daddy kung pinaka gwapo sa buong mundo."
Sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.

Bigla naman kaming napalingon kay xyrel na naka uniporme na ito. Nakasunod dito si mommy na nakangiti.

"Daddy!" Sigaw ni xyrel at kumandong kay daddy.

Fangirl Meets Idol Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon