Mabilis natapos ang araw ngayon sunday na. At dahil sunday maaga akong nagising upang maligo at magbihis. Every sunday kasi nag sisimba talaga kaming tatlo.Pagbaba ko nakita ko si mama at si xyrel na naka upo sa sofa, nakabihis narin sila.
"Tara na baka mahuli pa tayo sa misa." Ani mama at nauna ng lumabas. Actually, nilalakad lang talaga namin papuntang simbahan kasi malapit lang naman sa bahay namin.
Nang makarating kami sa simbahan, umupo agad kami sa loob kasi dumadami narin ang mga taong dumadating.
Kapag nag dadasal ako, palagi kung pinagdadasal na sana makita ko na si papa, na sana umuwi na siya, na sana hindi niya kami kinalimutan. Alam kung galit na galit ako sa kanya pero hindi ko mapigilan na hindi hanapin siya, miss na miss ko na si papa sana balang araw magkita ulit kami at magkasama ulit kaming apat.
Pagkatapos namin mag simba agad kaming umuwi sa bahay. Si mama naman nagluto ng tanghalian namin.
Kapag kasi sunday hindi na nagtitinda si mama kasi gusto niya daw na bigyan din kami ng oras ni xyrel.
Pagkatapos naming kumain, pumasok muna ako sa kwarto ko para sana magbihis ng bigla pumasok ang mga walang hiya kong kaibigan.
"Hindi uso katok?" Mataray na sabi ko at inirapan sila.
"Shut your mouth and dress up!" Sigaw ni jewel sa akin.
"Ano?" Naguguluhang kong tanong sa kanila.
"Ito binilhan ka namin ng maisusuot mo! Puro ka nalang kasi t-shirt, jeans at converse. Napaka manang mo talaga xenia!" Ani naman ni rea at pinakita ang mga binili nilang damit sa'kin.
Biglang lumaki ang mga mata ko.
"No way! Hindi ko susuotin 'yan! Mukhang nakulangan ng tela." Sagot ko lumayo sa kanina.
"Sa ayaw at sa gusto mo susuotin mo 'to." Diing sabi ni mary at hinubad ang mga saplot ko, pwera nalang syempre sa bra at undies ko.
Hindi naman ako nahiya kasi nakita ko naman na ang mga private parts nila. Kung minsan kasi sabay kaming naliligong apat. Hindi talaga kami nag iiwan ng saplot. Ganun kami ka close na apat, ni hindi na nahiya sa isa't isa.
"Ayoko talaga 'yan! Alam niyo naman na 'di ako nagsusuot ng maiksing damit at shorts." Reklamo ko pero hindi nila ako pinansin, hinawakan ako ni rea sa kaliwang kamay si jewel naman sa kanang kamay ko habang si mary ay binibihisan ako. Pagkatapos niya akong bihisan, pinasuot din nila ako ng pagkataas taas na heels. Muntik na nga akong matumba e. Hindi pa natapos dun dahil mi-nake-up-pan pa ako ni mary ng light make up.
"Perfect!" Sabay na sabi nilang tatlo bago ako binitawan.
"Ba't ba ganito ang pinasuot niyo sa akin? Ano bang meron?" Takang tanong ko sa kanila, ngayon ko lang napansin na sobrang lala pa ng suot nila sa akin. Ang iiksi ng mga short at palda nilang tatlo at 'yong damit nila parang nakulangan sa tela. Mas mataas din 'yong mga suot nilang high heels sa akin. Habang 'yong mga mukha nila, parang 'di mo na sila makilala dahil sa kapal ng make up. Pero masasabi ko na ang gaganda nila. Mukha silang mga modelo at mga artista.
"Remember 'yong bar na pinapagawa ni daddy? Tapos na, opening ngayon. So kailangan mong mag outfit ng ganyan. You know, bitchy look." Mahabang paliwanag ni jewel sa akin.
I just nod my head.
"Fine! Susuotin ko na 'to kahit labag sa kalooban ko. Pero si mam—" Rea cut my words.
"Wag kanang mag alala kay tita, pinagpaalam ka na namin. So lets go!" Masiglang ani niya.
Nang maka baba kami ay agad namin nakita si mama at xyrel na nakaupo sa sofa habang nanunuod ng tv.
BINABASA MO ANG
Fangirl Meets Idol
Fanfiction• C O M P L E T E D • Highest Rank Achieved in FanFiction: #6 - May 15, 2021 Isang fangirl ka din ba na kayang gawin ang lahat makita lang ang iniidolo mo? 'Yung tipong lahat ng pera mo ay palaging ubos dahil sa mga merchandise? Puno rin ba ng mga...