Chapter 3 - Keep the enemy close and the neighbor closer

11 1 0
                                    

Chapter 3 - Keep the enemy close and the neighbor closer

"Caramel Machiato, regular." She said without looking at the menu na nasa itaas lamang ng counter. Kinuha niya sa kanyang wallet ang 500 peso bill. Tinanggap naman ito ng kahera, agad siyang sinuklian at binigay ng kahera ang isang card na may number.

She left at the counter. Umupo malapit sa glass window. Maingat niyang pinagmamasdan ang mga tao sa loob ng coffee shop. Wala namang masyadong tao, may nakita siyang anim na studyante na nagkwekwentuhan habang kumakain ng cake at drinks nila. May couple rin na naglalambingan pero hindi naman masyadong malandi tignan 'yong tama lang. Hindi nakakairita at masakit tignan sa mata. May dalawang taong nakaupo sa kanya-kanya nilang lamesa. Maganda ang kabuuhang atmosphere sa cafe at hindi rin ito masikip. May second floor din ito. Kaya hindi siya magtataka kung bakit maraming tao ang dadayo rito.

Napabaling naman siya sa kanyang mesa ng may naglagay ng order niya at isang slice black forest cake. "I didn't order a cake," she stated as a matter of fact tone. She stared at the cake seriously. Ang sarap kasing tignan at baka hindi siya makapagpigil ay kainin niya lang ito. May kahinaan pa naman siya sa kahit anong pagkain basta may chocolate.

"It's on the house, " tugon naman nang isang lalaking boses. Napaangat naman si Victoria para tignan ang lalaki. It's the man at the cream colored house, again. "Hi neighbor."

The man gave her a welcoming smile. Any ladies would melt at him but not her. She doesn't have any luxury to afford those things now.

"I would never say no to this offer." Vee smirk at the man

Mas lalong lumapad ang ngiti ng lalaki sa tinuran ni Victoria. Hinila naman niya high stool chair sa harapan ng babae at umupo. Nakatitig lang siya sa babaeng nasa harapan niya.

Hindi maipagkakaila na maganda ang dalaga. Sa pananamit naman nito ay simple lang. Naka v-neck shirt na puti, half pants na denim, may dala rin itong itim na sling bag na katamtaman lang ang laki at naka flats. Pero, litaw na litaw parin ang gandang tinataglay nito sa kanyang walang koloreteng mukha. Napaka-amo. Kahit sino ay mapapatingin sa dalaga.

Naputol naman ang pagtingin niya sa dalaga nang may nilapag ang isa sa mga tauhan niya sa lamesa. Isang Iced Americano para sa lalaki at caramel machiato ang order niya.

"You're the owner of this cafe, huh." Victoria stated while sipping her drink

"How did you know?" The man asked amusingly

"Because I know." Baliwalang tugon nito sa lalaki.

Tinikman naman niya ang cake na nasa harapan niya. Hindi niya mapigilan na mapapikit ang kanyang mga mata. Ito ang hinahanap niyang lasa. Hindi masyadong matamis at hindi masyadong sobra naman sa mga ingredients. 'Yung tipong tama lang ang lahat.

"Masarap?" Tanong ng lalaki sa harap niya

"What do you think?" Pabalang na balik niyang tanong

"It's new on the menu. Kaya tinatanong kita." Paliwanag niya

Victoria let out a smile genuine smile na ikinabigla ng lalaki sa harap niya, "I like it. I would like to order a whole piece of this," Naalala niya kasi bigla ang kaibigan niyang si Lily. Gustong-gusto rin nito ang mga ganitong pagkain kaya naisipan niyang dalhan ito. "I would like to apologize what happen this morning." Pormal niya tugon

Napakunot naman ang noo ng lalaki. Nauntog ba ang ulo nito at hindi niya maalala ang ginawa ng walang hiya niyang kaibigan?

"'Yong nangyaring pagbati ni Lily."

Project: IgnitusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon